REBECCA’S POV Three years later… “NANAY! NANAY! Not feeling well po si Ate Samantha. Masakit daw po ang ulo niya,” sumbong sa akin ni Samson isang hapon habang naghahanda ako ng kanilang merienda. “Kailangan niya raw natin siyang dalhin sa ospital.” “Ha? Ano?” Natataranta na ibinilin ko muna sa mga katulong ang ginagawa ko at nagmamadali na umakyat sa second floor ng aming mansiyon kung nasaan ang silid ni Samantha. Nakasunod naman sa akin si Samson na may hawak na thermometer. Nakakatuwa na hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang kaniyang pangarap. At iyon ay ang magiging doctor. Naaaliw nga kami dahil at his young age, alam na niya kung paano gawin nang tama ang pagkuha ng temperature. Pati na rin ng blood pressure. Kahit ang stethoscope ay ginagamit na rin niya. Paano ba nama

