REBECCA'S POV "SIGURADO ka ba na gusto mo akong tulungan? Day off mo ngayon. Dapat nagpapahinga ka. O kaya ay ipasyal mo ang Nanay mo at ang anak mong si Catherine," sabi ko kay SPO2 Castillo habang tinutulungan niya ako na magtinda. Sa loob ng ilang linggo na halos araw-araw siyang dumadalaw sa akin ay mas naging malapit pa kami sa isa't isa. Nakumbinse na rin niya ako sa wakas na huwag ko na siyang tawaging 'sir' at mas lalong huwag ko na raw siyang i-'po'. "Niyayaya ko nga pero ayaw naman ni Nanay. Medyo may sinat kasi si Catherine. Kaya pinagpahinga ko na lang sa bahay kahit gusto sanang sumama rito at makikipaglaro nga raw kay Samantha." "May sinat? Napainom n'yo na ba ng gamot?" nag-aalalang saad ko. "Uso pa naman ang dengue ngayon kaya i-monitor mo ang anak mo. Kapag may rash