REBECCA’S POV NAGPAHID muna ako ng kamay sa apron na suot ko bago ko binuksan ang pinto. May nakahanda ng ngiti sa aking mga labi dahil sigurado ako na si Momma ang nasa labas. Ngunit agad na napalitan ng pagkagulat ang aking reaksiyon nang bumungad sa akin ang nasa labas na hindi ko inaasahan. “Sir Castillo? Ano po ang ginagawa n’yo rito? At saka paano n’yo nalaman itong bagong nilipatan namin?” sunod-sunod na tanong ko nang siya ang bumungad sa akin. “Pumunta ako sa bahay ng mga Soriano para sana dalawin kayo. Pero ang sabi ni Mrs. Soriano, lumipat na nga raw kayo at itinuro niya kayo rito.” Napatango-tango ako. “Kaya naman po pala.” Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto. “Pasok po kayo, Sir. Pasensiya ka na sa nalipatan namin, ha? Medyo masikip. Ito lang kasi ang nakayanan ng ip