CATHERINE’S POV NANLAKI rin ang mga mata ni Lindsay nang mapalingon siya at nakita niya ang teacher namin. “G-good morning po, Prof. Nandiyan po pala kayo,” kunwari ay bati niya rito bago lumingon sa akin. “Siya nga pala, Cathy. Mauna na ako, ha? Dadaan pa pala ako ladies’ room.” “Ha? Ano—" At ang bruha, bigla akong nilayasan. Tumakbo na siya palayo kaya wala akong nagawa kundi ang harapin nang mag-isa si Prof. Garcia. How I wish na bingi siya at hindi niya narinig lahat ng mga sinabi ko. Pero imposible naman iyong mangyari! “G-Good morning po, Prof,” bati ko muna sa kaniya habang nag-iisip ng palusot. “T-tungkol po pala sa narinig n’yo kanina—” “It’s okay, Miss Montecillo. Hindi mo kailangang mag-explain.” Ngumiti si Prof. Garcia kaya lumitaw na naman ang pang-Close up niyang mga

