CATHERINE’S POV “LOLA, pasok na po ako!” Nagmamadali na nilapitan ko si Lola at humalik sa kaniyang pisngi. “Don’t forget to eat your breakfast. I love you!” “Teka. Teka nga.” Mabilis akong pinigilan ni Lola sa braso nang akmang tatalikod na ako. “Ano bang meron at palagi ka nang nagmamadali sa pagpasok? Masiyado pang maaga. Alas siyete pa lang. Alas nuebe pa ang unang klase mo, ‘di ba? At saka ano’ng nangyari diyan sa nguso mo? Bakit parang kinagat ng bubuyog? At ‘yang mukha mo, parang sinampal ng sampung palad.” Napakamot ako sa ulo. “Si Lola talaga. Lipstick po ‘yan at saka blush on.” “Alam ko. Ang ibig kong sabihin, napansin ko na bigla ka na lang nagpaganda. Dati naman, hindi ka nagme-makeup o kahit lipstick man lang. Kahit nga ang paglalagay ng pulbo, nakalimutan mo pa kung mins

