REBECCA'S POV "A-ANO?! malakas na sigaw sa akin ni Sir Tristan pagkatapos kong aminin sa kaniya ang totoo. Kitang-kita ko sa kaniyang mukha na lalo siyang naguluhan. "So, totoo nga ang nasa panaginip ko?" "Hindi ko alam kung ano ang panaginip mo, Tristan. Pero iyon ang buong katotohanan. Una kang naging akin bago kayo ni Meryl," pikit-matang saad ko. "Hindi ako umaasa na maniniwala ka. Na paniniwalaan mo ako. Pero hiningi mo sa'kin na sabihin ko sa'yo ang totoo." Kinagat ko ang aking labi nang tinitigan ko siya nang diretso sa kaniyang mga mata. "Hindi ko gustong itago sa'yo ang lahat, Tristan. Alam ng Diyos kung gaano ko kagustong malaman mo na anak mo si Samantha sa tuwing magkasama kayo. "Pero natakot ako... Natakot ako na baka hindi mo kami matanggap. Natakot ako na baka kapag sina