REBECCA’S POV HINDI ako nakatiis na hindi humarap kay Tristan para alamin kung ano ba ang ginagawa niya at ang tahimik niya. Nagtaka pa ako nang malingunan ko siya na nakatitig lang sa kisame habang nakapatong ang kamay sa noo niya. Mukhang may malalim na iniisip. “At sino ang nagsabi sa’yo na puwede kang humiga sa tabi ko?” Sinimangutan ko siya. “Ssshh. I’m thinking.” At ano naman ang iniisip mo? pero hindi ko na lang isinatinig. “Mag-‘tiyo’ tayo at hindi mag-nobyo, ‘di ba? Kaya do’n ka humiga sa sahig,” sa halip ay taboy ko sa kaniya sa tonong iritable. Sa wakas ay nilingon niya ako na nakakunot din ang noo. “Sino kaya sa’tin ang naunang nagsabi kay Ma’am Sandra na mag-‘uncle’ tayo? ‘Di ba, ikaw?” “Natural, kaharap natin ang anak natin. Alangan namang ipakilala kita na ex-boyf