CHAPTER 79

1310 Words

REBECCA’S POV NAGISNG ako sa pakiramdam na parang may dalawang braso ang nakadagan sa tiyan ko. Handa na sana akong magreklamo nang sa pagdilat ko ay nakita ko ang mukha ni Tristan na nakasubsob sa leeg ko habang nakayapos pa rin sa beywang ko ang braso niya. Ngunit natigilan ako nang makita ko naman sa aking kanan ang mala-anghel na mukha ni Samantha na siyang nagmamay-ari ng munting braso na nakapatong din sa tiyan ko. Bandang huli, napangiti na lang ako. Ganito pala ang pakiramdam kapag kayakap mo ang mag-ama mo. Akala ko tulog na tulog pa si Tristan dahil humihilik pa siya. Kaya ang lakas ng loob ko na idikit ang aking ulo sa ulo niya habang niyakap ko naman ng isang kamay ko si Samantha na malalim pa rin ang tulog. Pero mabilis din akong lumayo nang bigla na lamang siyang dumilat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD