CHAPTER 9 (Iya’s POV)

1219 Words
“Nag aalala ako mahal ko.” Nag palakad lakad si Libulan sa harap ng kayang asawa. “Hindi pwedeng makita niya ang aking mga kapatid sa mundo ng mga tao.”   “Maupo ka muna mahal ko.” Hinawakan nito sa kamay at pinaupo sa kandungan nito ang lalakeng diwata. Masuyo niyang hinawakan ang pisngi nito. “Maraming diwata ang p-protekta sa iyong mga kapatid. Isa pa magiting silang mandirigma. Ang kanilang mga kaluluwa. Ito ay gigising kapag sila ay nasa panganib.”   Humilig si Libulan sa kanyang asawa. “Sana nga mahal ko. Sana nga……”   Hinalikan na lang niya ang buhok ng kanyang mahal. Gusto niyang mapanatag ang loob nito. Kaya naman nakaisip na siya ng pwede niyang gawin.     “So ngayong si Andy naman ang winner ng game? Who wants to challenge her?” Tumayo ang captain nila at isa isa silang tiningnan.   Hindi kumibo si Iya. Gusto niyang mag step up sina Kiana at Jillian para maranasan ng mga ito kung ano ang pag kakaiba ng mga ito kay Andy.   “Why don’t we try to make Kiana or Jillian play the match?” Suhestiyon niya sa captain nila dahil sa hindi pag imik ng dalawa.   “Kiana?” Tumingin ito kay Kiana na yumuko lang. Saka inilipat ang tingin kay Jillian. “Eh ikaw Jillian?”   Tiningnan muna ni Jillian ang kaibigan pero hindi ito nag angat ng tingin kaya naman yumuko na din ito.     Napailing siya. ‘This people.’   “A-Ako Cap. Pwede po ba akong mag try?” Tumayo ang rookie sa upuan nito.   The girl has a short hair up to her shoulders. Bagsak na bagsak din ang buhok nito. Kasing tangkad lang ito ni Andy.   Ngumiti ang Captain nila dito. “I like the courage this one has. Anong pangalan mo first year?”   “M-Misha po.”  Hawak hawak na nito ang isang beginner’s racket.   Isa iyong kulay baby blue na Yonex Nanoray 10F.  It was considered as a beginner’s racket because of its lightness when swinging, but it generates power without much effort for the players. Meron din itong black overgrip para sa grip ng racket nito. Madali kasing ma worn out ang grip kaya ginagamit iyon para maprotektahan ang grip ng mismong racket.   “Very well.” Pumwesto sa gitna ang si Myra para maging referee.   Misha was the first to serve. The rookie isn’t leaning on the front like what Myra did. Pero ginaya din nito ang ginawa ni Myra. It was a low serve, na may kakaibang style.     “Hmm… interesting…” Napahawak pa sa baba niya ang captain nila. “She’s a rookie but she got the instincts.”   Sang ayon siya sa sinabi ng captain nila pero hindi na lang niya iyon sinatinig. She waited for the first serve.   Pinakawalan na sa ere ni Misha ang una nitong serve. Pero ang hindi nila inaasahan ay isa lamang pa lang flick serve ang ginawa nito. Ang fleck serve kung saan pinitik lang nito ang pulso sa grip ng racket para mag bigay ng kaunting pwersa. Kaya sa baseline ni Andy lumipad ang shuttle c**k. Pero sadyang maliksi ata talaga si Andy dahil mabilis itong nakarating sa unahan para masalo ang tira ni Misha.   Andy made a drop shot, kung saan ihuhulog nito sa net ang shuttle c**k. Misha shuffled to the front of the court to return the shuttle c**k. Kagaya nga ng inaasahan nila ay ngumiti si Andy. Ibig sabihin ay alam na nito ang direction ng shuttle c**k. It was also a parabolic return pero mas may pag kakataon itong abangan ang bola para maibalik ng smash.   “One love zero!” Myra announced.   Nakita niyang ngumiti si Misha. Mukhang nag e enjoy naman ito at mukhang natuto din sa gameplay nila ni Andy. Napangiti na din tuloy si Iya. Mabuti na lang nag e-enjoy din ang mga first years nila. Nag patuloy pa ang game. Lamang si Andy sa point pero hindi din naman papahuli si Misha dito. The game ends with an 21 love 18 score for Andy and Misha.   “I want that kid to be part of our first trainee and also Andy of course.” Kumindat pa sa kanya ang captain nila.   Umingos siya sa captain nila. Alam nitong natalo siya ni Andy. Tinutukso lang talaga siya nito.   “P-Pero cap akala ko ba apat lang ang unang magiging trainee?” Kiana was the first to protest.   Tumango ang captain nila. “Yes. Myra,Iya, yung bagong rookie na si Misha at syempre si Andy.”   “Pero Cap!” Kiana was about to say more pero inangat na ng captain nila ang kamay nito sa ere.   “Those trainings are for people I can see potential for improvement. Kung gusto niyo talagang makasama sa training. I can make an exception. 6 na ang magiging trainee kung matatalo niyo si Andy.”   Kiana’s eyes became hard. Nag katinginan pa ito at si Jillian. Tila parehas ng iniisip.   “Ok Cap pero kapag nanalo kahit isa man samin ni Jillian ay hindi niyo isasama sa first trainee si Villanueva.”   Nag kibit balikat lang ang captain nila. Kaya naman ng matapos ang game, with Andy winning the rally ay agad na sumalang si Kiana sa match. Hindi na nito inantay na makahinga man lang sa pagod yung isa.   Nilingon niya ang captain nila. “Are you sure it’s a wise idea cap? Lalo nilang pag iinitan yang si Andy tsaka dinamay mo pa si Misha.”   Ngumiti lang ang captain nila. “Relax. May rules naman tayo sa badminton.”   Napakamot na lang siya sa ulo niya. Saka tumutok ulit sa match. Tumabi naman sa kanila si Misha na may mga ngiti sa labi.   Ginulo ni Captain Julienne ang buhok nito. “Galing mo dun Dela Torre kahit di ka kasing taas ng torre.”   Sabay tawa pa nito. Mabuti na lang at hindi inintindi ni Misha ang biro nito. “Thank you po. Captain pero ang galing po ni Villanueva sir. Siya lang ang nag didikta ng rally namin. Akala ko pa naman po makakaya ko siyang diktahan sa gameplay.”   Napatango tango siya. Mukha lang defender si Andy dahil laging nasa back ng court ang footwork nito madalas kapag nag r-rally na pero sa bilis nito ay nahahabol din agad nito ang baseline o kahit center. Tila nagiging chameleon ito sa loob ng court sa uri ng gameplay nito. Binabase nito sa gameplay ng kalaban kung pano nito i-d-defend ang sarili nito.   Nagsimula na ang match nina Kiana at Andy. Sa huli nanalo pa rin ang huli dito. Nag tapos sa 21 love 12 score ang labanan ng mga ito. Kaya naman inis na inis na bumalik sa bleacher si Kiana. Tila gigil na gigil naman si Jillian kay Andy pag ka apak nito sa court. Mukhang gustong gumanti para sa kaibigan. Smash lang ng smash sa court side ni Andy na madali namang i-predict dahil sa low accuracy nun.   Napailing siya ng sobra. Nakakahiya ang mga ito. Parang hindi nag training ng isang taon dahil lahat ng basics ay kinalimutan. Hindi kagaya ni Andy na kalmado lang at tila hindi nakikitaan ng kaba o panic sa ginagawang aggressive play ng kalaban. Nanalo ulit si Andy sa 21 love 9 na score. Mas nakakahiya pa sa laro ni Kiana.   Agad na umalis ang dalawa sa court dahil sa pag kapahiya. Nakakuha na din kasi sila ng atensiyon dahil sa malakas na pag sigaw ni Jillian kada makaka score ito. Inaangasan pa nito si Andy na hindi nag padala doon. Mga kapwa nila ka team at ibang rookie ang nakasaksi sa gameplay dahil huminto din ang mga ito para panoorin sila.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD