CHAPTER 10 (Andy’s POV)

1377 Words
Hingal na hingal na siya sa sunod sunod na laro laban sa apat na tao. Saglit siyang tila walang naririnig dahil sa sobrang focus sa laban. Everything felt hazy. Mayamaya pa ay nakarinig siya ng mga hiyawan at palakpakan sa paligid niya.   “Congrats Cutie Andy!” Tuwang tuwa na niyakap siya ni Myra. Ang kanina lang ay naging referee nila.    Ngiting ngiti naman na nag slow clap si Captain Julienne. Tiningnan niya si Iya. She wants to know what is Iya’s reaction pero tahimik lang ito. Tila ang lalim ng iniisip.   “Magpahinga ka muna Andy. Mamaya mag r-resume ang game kapag nakakain na kayong lahat ng meryenda at nakapag pahinga. Punta kayong canteen guys. Nag sabi na ako dun para sa women’s badminton team. Kahit ano bilhin niyo babayaran ko. Pero mahiya kayo sa balat niyo ha?” Ngumisi ito. “Pag nalaman kong sumubra ng 100 pesos bawat isa babalik niyo sakin ang sobra. Nag kakaintindihan tayo girls?”   Sabay sabay na napa yes ang buong team. 18 silang lahat sa team na i-l-libre ng Captain nila. Maliban dun sa dalawang nag walk out.   “Mga PG talaga tong mga kasama natin ano Iya?” Myra walked beside Iya.   Inirapan lang ito ng huli. Lihim na natawa si Andy sa interaction ng dalawa. Isang makulit at isang babaeng masungit.   “Alam mo ba Cutie Andy? Itong kaibigan ko. Pinangalanan yung racket niya. Kilala mo ba si Rocky, the rock hard Balboa?”   “I didn’t.” May diin na saway nito sa kaibigan.   “Yes you are.”   “No. Ikaw ang nag papangalan sa racket mo Myra. Hindi ako.”   Tumawa lang ang kaibigan at kung ano anong kalokohan ang sinabi sa kanya na ang bida ay walang iba kundi ang babaeng nakasimangot.   Kinukulit pa din ito ni Myra. Kaya hindi niya na talaga mapigilang may kumawalang impit na tawa mula sa kanya. Paano ba naman salubong na salubong na ang medyo may kakapalan nitong kilay at naka nguso na ito sa pag pipigil na singhalan siguro ang kaibigan.   “Why are you laughing?” Masungit na untag sa kanya ni Iya. Kahit di ito ngumiti kusang lumalabas ang mga biloy nito sa kaliwang pisngi.   “Wala. You are cute.”   Nakita niya ang pag pula ng mga tenga nito. Pero umiwas din agad ng tingin sa kanya at hindi na siya tinapunan ng tingin.   Pagdating sa canteen ay agad na nag order ng napakaraming pagkain si Myra. May softdrinks, spaghetti at shawarma itong binili na lumagpas na sa 100 pesos. Si Iya naman ay eggpie at softdrinks lang ang binili. While Andy just ordered a shawarma with softdrinks.   Nag pahinga sila ng kaunti bago bumalik sa court. Ang bilis agad na nalaman ni Captain Julienne ang pag order ni Myra ng lagpas sa 100 pesos dahil sinumbong ito ni Iya. Ngiting tagumpay naman si Iya ng pagbayarin si Myra ni Cap. Si Myra naman tuloy ang nakasimangot.   Her heart started pounding. Lalo na at nag simula na ding mag warm up si Iya. Ito na naman ang laban nila. Yet everytime na mag kakaharap sila hindi niya maintindihan kung bakit tumututol ang puso niya sa matches na ito.   Nag simula na din siyang mag warm up. But she was also looking at Iya’s kaya naman hindi niya sinasadyang Makita ang kumakaway na pwet ng bata. Agad siyang umiwas ng tingin dito dahil sinundan nito ang tinitingnan niya. Inirapan siya nito. Bakit kasi ganun ang suot nitong badminton uniform? Medyo malalim ang cut sa bandang dibdib.   Pinag patuloy nila ang pag w-warm up. Pagkatapos ng warm up ay tila ba seryosong seryoso na itong pumunta sa gitna ng court.   Napalunok siya. Naka ponytail ang mahaba at straight na straight nitong buhok.  Suot suot na naman nito yung itim nitong facemask. Tabon na tabon ang matangos nitong ilong pati na ang labi na may beauty mark o nunal sa ibaba. Ang ganda nito para laging itago ang mukha nito.   “Matatalo na din kita ngayon Andy.” Tinuro pa siya nito.   Ngumiti siya. She always liked Iya’s enthusiasm in things, lalo na sa mga bagay na mahal na mahal nito. Kagaya ng badminton.   Pinapili sila ni Myra ng face ng coin. She chooses tails. Face naman ang kay Iya. Her heart pounded inside her chest. Tinitigan niya ito. Those soft brown eyes. Ang ganda talaga nito. Sinabi niya na sa sariling hindi niya na ilalapit ang sarili dito pero hindi niya pala kaya. Tila may magnet na lagi silang dinidikit.   “Ok ikaw ang mag s-serve Cutie Andy.” Myra announced.   Napatanga siya dito. Tapos na pala ang toss coin pero mukha pa rin siyang tanga na nakatingin kay Iya. Nanunukso naman siyang kinindatan ni Myra. As usual inirapan siya ni Iya. Nahihiyang umiwas na lang siya ng tingin. Saka nag punta sa pwesto niya sa field.   She positioned herself in the front-baseline of the court. Her dominant left foot is always positioned in the back. Yun kasi ang strategy na tinuro sa kanya ng mama niya. Always make the opponent think that you are a defender. Pag defender kasi ibig sabihin hindi ka aggressive umatake. Lalo na sa mga kagaya ni Iya na aggressive player. Laging gusto nitong mag smash.   Kagaya ngayon. Naka position na naman ang dominant foot nito, which is the right infront of the baseline. Tapos lagi itong nasa unahan ng court.   Gamit ang kaliwang kamay ay nag pakawala siya ng tira mula sa tagiliran niya. Pinakawalan niya ang shuttle c**k, saka iyon pinatama sa center face ng racket niya. The birdy flew towards Iya. Papunta iyon sa dulo ng court. And Iya made an adjusted shuffle to get the shuttle c**k. Nasalo nito iyon at pinalipad sa direction niya.   Andy shuffled to the center of the court. Her left foot is always leaning towards the back. Nasalo niya din iyon at nag palitan sila ng tira ng shuttle c**k. She was always trying to force the direction of the shuttle c**k on the back of the court, dahil sa ayaw niyang mag smash ito sa kanya.   But Iya was able to get the shuttle c**k and drop it just pass the net. Nasalo niya naman iyon. Umangat sa ere ang shuttle c**k pero lumapag pa din sa court niya.   Kumunot ang noo niya. Iya is not using her powerful smashes at her.   ‘Need to think of another way to dictate the game play.’   “One love zero!” Myra happily announced.   ‘What is your strategy Iya?’ Andy Asked herself.   Nag patuloy ang laro nila. Nakakascore naman siya dito pero hirap na rin siyang habulin ang score. Nasa 15 love 10 na sila. Tila kasi nag bago na ang gameplay nito. Mas relaxed na ito sa court at pinaghahalo nito ang powerful smashes at drop shots near the net.   Napangiti siya. Atleast natuto ito ng bagong gameplay mula ng huling laban nila. She needs to step up her game play too.   ‘Kapag matangkad ang kalaban anak. Kailangan mo siyang ma force na hindi magamit ng maayos ang smashes niya. Kailangan puntiryahin mo ang bandang leeg ng smashes pati na ang malapit sa kamay niya, braso, dibdib at forehand. Mas weak kasi ang balik niya ng shuttle c**k kapag doon mo siya patatamaan ng smashes.’ Nakangiti ang ina niya habang pinapaliwanag iyon sa kanya.   She was still basing her footwork at the back of the court, para lang ma confuse ito. Kaya naman ng mag serve si Iya. Hindi nito inaasahan na mabilis siyang tatakbo papunta sa unahan para gumawa ng smash. She was accurate to get the direction of the shuttle c**k in Iya’s throat area. Hindi nito iyon inaasahan.  Kaya hindi na nito iyon nasalo pa. Nag patuloy na ganun ang gameplay strategy niya kaya naman lumamang na siya sa puntos. Kahit hingal na hingal na silang pareho ay tila walang sumusuko.   “20 love 18!” Myra announced. Mukhang excited na excited pa ito.   Mukhang nanggigil na naman sa kanya si Iya. Nag papakawala na naman ito ng smashes. Kaya naman mabilis na siyang nag adopt sa bago nitong gameplay. Kaya naman nag defend naman siya. She was using the front as a defending position. Isang mahabang rally ang namagitan sa kanilang dalawa. Iya made a mistake of making a flat return na agad niyang ibinalik lagpas lang sa net.   “21 love 18!” Myra hugged her. Saka nito tinapik tapik si Iya. “Ang ganda ng gameplay niyo Iya Baby! Super duper fun!”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD