bc

Make Me Pregnant SPG [FULL VERSION]

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
HE
forced
opposites attract
pregnant
independent
heir/heiress
bxg
lies
secrets
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

Masipag, strikto at competent si Kayla sa trabaho, 'yung tipong doon na lang umiikot ang kanyang mundo. Sa edad na trenta, wala pa sa isipan niya ang magkaroon ng asawa at anak. Wala rin siyang plano na magkaroon ng pamilya, dahil sa minsan na rin siyang nabigo at nasaktan. Masaya na siyang mag-isa sa buhay, bahay-trabaho ang kanyang inaatupag. Nabibigyan niya naman ng atensyon at oras ang kaisa-isa niyang pamilya na meron siya, walang iba, kundi ang kanyang Lolo Fernand. Isang araw, pumasok sa opisina ang kanyang Lolo. Binantaan siya na kung hindi pa siya magkakaroon anak within next month ay tatanggalan siya ng mana. Tiyaka, ibe-benta rin ang kompaniya na napamahal na rin sa kaniya. Hindi alam ni Kayla ang gagawin at siya'y naguguluhan, kung ano ba ang dapat gawin sa pagbabanta ng kanyang Lolo. Hanggang mag doorbell mula sa pinto at bumungad sa kaniya ang matcho-guwapito na kapitbahay niyang si John Aris Madrigal Ang lalaking parati siyang kinukulit at binu-bwisit. Wala na lang ibang kayang gawin kundi ang dalhan at pasalubongan siya araw-araw ng saging. Si John Aris Madrigal na kaya ang susi sa kaniyang problema? Magbabago kaya ang kaniyang prinsipyo at desisyon sa buhay at mahuhulog sa binata kapag nakita niya ang malaki at masarap nitong saging?

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOGUE KAYLA'S POV "What? Are you for real, Lo?" I can't help raising my voice at my grandfather after ng sinabi niyang balita sa akin. He was just being unreasonable right now. I can even feel my cheeks, burning. Dumalaw lang pala siya dito para sabihin sa'kin ito. "That may seem easy for you, but to me? Hindi 'yon gano'n kadali! Hindi ko magagawa ang hiling niyo sa akin." hindi ako papayag na masusunod ang request niya sa'kin, dahil lang sa gusto niyang 'to. "Pumayag ka na, Kayla. Hindi naman mahirap ang pabor ko sa'yo na ito." Halos sumabog ako sa tawa nang marinig siyang pinagsasapilitan na madali lang ang kaniyang pabor. "Kakasabi ko lang po na hindi madali, Lo." He asked me to work at our family company and so, I did. Dahil nga 'yon ay maliit lang na pabor para sa kaniya. Tapos ngayon, he wants me to get married dahil para sa kaniya ay madali lang din iyon sa kaniya? "No, you can't force me doing your favor, Lo. You're not to control me in terms of making decisions about my personal life. For pete's sake, kahit ito man lang ay huwag niyo ng pakealaman. "Hindi talaga ako papayag sa gusto niya. Akala niya talaga ay napakadaling mag asawa. Palibhasa, hindi naman ako kagaya ng mga lalake sa angkan namin na oh kay dali lang makahanap ng partner na papakasalan. Isa pa, wala pa sa isip ko ang mag asawa. Although matanda na ako, pero I still believed that men should pursue women. Not girls pursuing boys. Kung may magkagusto man sa'kin, then the man should do the move and not me. I don't really care if we are to argue about this for hours. "You're 30 years old already, Kayla. Sa susunod na mga taon ay mawawala na ang edad mo sa kalendaryo. Kailan ka ba mag a-asawa? Kailan ko ba masisilayan sa'yo na makita ang apo ko sa tuhod?" "Lo, pwede po bang mag chill ka muna? Dadating rin tayo sa ganiyan. Tiyaka, ano ba'ng pinag-aalala ninyo? Eh, wala namang baog sa pamilya natin. Maayos naman ang matris ko. Oo, mahirap manganak sa edad na thirty plus, but that doesn't mean I can't be pregnant." Ako nga, hindi ko na pino-problema ang tungkol sa bagay na iyon. Talagang mas pino-problema pa niya 'yung hindi siya magkaka-apo sa'kin. Bakit hindi niya na lang pagtuonan ng pansin ang sarili niyang mga problema? "Besides, Lo. Alam niyo naman na wala ako sa situwasyon na nagbabalak mag asawa, o kaya ay magkapamilya. I just want to spoil and enjoy myself kasi nga kakagaling ko lang sa break-up! Gusto ko lang maramdaman ulit that I'm worth it. 'Yon lang. So please, just let me be. Let me live my life." I'm saying this because I want him to understand kung ano 'yung gusto kong mangyari. "Lalo mo lang pinapahirapan ang situwasyon natin, Kayla." How come na kasalanan ko pa? "Labag rin naman sa kalooban ko na ihiling ang pabor na ito sayo. Kung sana ay may ibang apo lang ako, hindi kita pipilitin sa bagay na alam kong hindi mo rin gusto. Pero apo, sana maintindihan mo na matanda na ako. Bago man lang ako lumisan sa mundong 'to ay magawa ko pang masilayan at maalagaan ang apo ko sa iyo." Sobrang kalmado ng kaniyang boses, to the point na mako-konsensya ka na sagot-sagutin siya. He went to visit me here in my office with pure intentions. Ang maldita ko naman masyado para hindi e validate ang intensyon niyang 'to. Going back to rewind a little of my past, I was eight years old when my parents died in a car accident. Simula noon, ang Lolo Fernand ko na ang nag alaga at nagpalaki sa'kin. He was a great guardian to me, because despite the absence of my parents, he filled me with love that I need. Yes, there was those moments na naiinggit ako sa mga kaibigan ko at kaklase ko na may mga magulang to attend meetings and family days for them. But my Lolo did his best to fulfill everything that I need. Pinaramdam niya sa'kin na walang kulang sa'kin. I'm his only family na kasa-kasama niya pagtanda, habang ako naman ay lumalaki. Pano ba kasi, si dad lang ang nagiisang anak nila ni Lola na sa kasamaang palad ay maaga ring nawala kagaya ni Lola. Kaya hindi na rin siya nadagdagan pa ng apo. So, who am I to blame my late parents right? If I were to review my daily routine, talagang napapansin ko na lately na umiikot lang ang buhay ko sa trabaho and then bahay after. It's as if I've lost the interest to venture the reality out there because of heartbreak. Umuuwi na lamang ako para magpahinga, matulog. Tapos, balik na naman sa trabaho. Engaging paperworks to sign and meetings to attend to. Mapa-overseas man o local. And yes, isa akong ampalaya. Kung ihahambing man sa isang gulay na sa sobrang pait ay wala ng nagkaka-interes na titikim sa'kin. Este-nagkakagusto sa'kin. Well, papaanong may magkakagusto kung wala naman akong panahon para sa ibang bagay? "It's the only way to prolong the legacy of our family, apo. Kaya't kinakailangan mo na rin ng tagapagmana. Besides, sa pagtanda mo, kagaya ko ngayon. Kung wala ka, how will I be able to survive without someone as you, na aalagaan at sasamahan ako sa mga appointments ko, more importantly my hospital visits? See! You're also in need and I don't want you to grow old alone. Mahirap ang mag isa, Kayla. Ramdam ko 'yon noon no'ng iniwan ako ng lola mo at bumukod naman mula sa bahay ko ang parents mo no'ng nagkapamilya na. So, do me this favor please?" Mas lalo akong nahihirapan. Hindi lang kasi siya basta lolo ko. He's also my guardian. My only family. Someone who was there to shelter me when I don't have my parents to do it. Sa ganitong pabor lang ay hindi ko siya kayang mapagbigyan? Tiyaka, he was also thinking about my future. Siguro, I wasn't able to widened my views in life at nakatuon lang sa pain na dinanas recently kaya't sinarado ko na ang sarili para sa oportunidad ng iba na makilala ako. Am I too harsh sa sarili ko para gawin ito? As I looked at his eyes, alam ko sa sarili ko na nakuha na niya ang loob ko. Papaano ba kasi ito? "Malapit na ako mag retiro sa kompaniya, Kayla. Sa katapusan ng taong ito ay ikaw na mismo ang mamamahala nito. Papaano ako makakapampanti kung sa edad mo'ng ito ay nag iisa ka pa rin? Walang masama sa pagpapamilya, apo. Sana naman ay huwag mo'ng pagsarhan ang sarili mo doon at makinig ka pa rin sa'kin." "Oh, come on, Lolo. Huwag mo na munang isipin iyon. Matagal ka pa namang mamatay at malay natin kapag pagkatungtong ko sa edad mo'ng 'yan ay baka sakali maisipan ko ng mag magpakasal na." Pag bibiro ko. Masyado kasi siyang seryoso eh. Yung mindset niya kasi nasa future na, samantalang sa'kin ay nasa present lang nakatuka. Siya naman ay bahagyang napahawak sa kaniyang batok, marahil ay tumaas ang BP sa naging sagot ko. "Kayla!" He raised his voice at me as a warning sign. I know he doesn't fond at jokes, aniya pa nga ay ang mga biro ay para sa mga walang angle sa buhay. Eh, hindi naman lahat. Madalas pa nga ay 'yung mahilig pang mag joke ay may napakadilim ay napakahirap na pinagdaanan. Para lang iwasang isipin ang bagay-bagay ay idinadaan na lang sa tawa. "Okay, alright. Total malaki ang hatred mo pagdating sa mga lalake ay hindi na kita pipiliting magpakasal." wika niya na ikinasasaya ko naman. Salamat at hindi ko na kailangan pang mapilitan na umu-oo sa bagay na hindi ko naman kayang gawin. "Thank you for choosing to understand me, Lo." "Pero, Kayla. You have to give me a grandchild." Tila gumuho ang mundo ko nang marinig ang isa pa niyang kondisyones. Parang mas worse pa itong pabor niya ngayon kaysa doon kanina na magpapaksal. "Lo!What specifically do you mean with that? Na magpapa-ano ako sa lalake para mabuntis at mabigyan ka ng hinihingi mong apo?!" Tumaas din yata ang BP ko dahil 'yung dugo ko mula talampakan ay nagsi-akyatan na sa ulo ko. Ni hindi ko na mapansin na maging ang boses ko ay umalingawngaw na pala sa apat na koridor nitong opisina ko. "Exactly, kung kinakailangan. If ayaw mong magpakasal, then you should do the deed to grant me my favor."what annoys me is when he giggles by my current reaction. "No way! Para naman akong b***h niyan, Lo!" anggil ko sa kaniya. "Hindi ko gagawin 'yan. Never!" hindi ko bagkus mapaniwalaan na mismong Lolo ko ay ipagkakanulo ako para lang magkakaapo siya. Jusko! Ayaw niya talagang sukuan ang gusto niyang mangyari. "You left me no choice, Kayla."Sabi niya sabay tayo mula sa kaniyang kinauupuan. "Kung hindi mo ako mabigyan ng hinihingi kong apo. Asahan mo'ng lahat ng meron ako ay hindi mo mamamana sa'kin. Kasama na ang sasakyan mo, condo mo at pera mo na gamit-gamit mo ngayon ay kukunin ko sa'yo." I'm stunned and speechless. "And now, you're threatening me, Lo? You can't do this to me!" ako lang ang nag iisa niyang tagapagmana and no one else could inherit all these. "Yes, unless bibigyan mo ako ng apo." nagawa pa nga niyang ngumiti. That smile na alam kung totohanin niyang talaga ang mga sinabi niya ngayon. Gusto ko na lamang umiyak sa isang sulok. "Papaano naman itong mga pinagtrabahuan ko? Hindi ba't deserve ko rin ng sahod, because I'm working hard just like the others?" sambit ko, stating a point which he never fail to answer. "Well, you can have your salary. But life is expensive out there, apo. Your salary cannot sustain your needs and I bet you don't like to crawl with debts, isn't it?" "Oh my god... why are so harsh to me, Lo? What have I done wrong to deserve this treatment?" yes, I'm hurt. Because I felt like at this moment, he's going to disown me if ever hindi ko talaga mabigay ang gusto niya. "We both know na ako lang ang tagapagmana mo, Lolo. Hindi mo 'to magagawa sa tagapagmana mo." "I can, Kayla." "How are you going to do that?" "You know, we have so many options to choose on the latter. Pwede ko namang ibigay sa charities ang yaman ko so the poor, the homeless and parentless children could benefit. Or maybe, I can just sell the company's shares na alam kong mas magtatagal pa ang pamamalakad kaysa sa sarili kong apo na takot at hindi ako kayang bigyan ng apo."mas lalo lamang akong nasaktan nang malaman ko na ito pala ang isa sa kaniyang plano. Gagawin niya talaga iyon dahil lang sa hindi ko magagawa ang pabor niya? Naririnig ba niya ngayon ang sarili niya? Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Kasi bakit hindi? I really thought that these whole conversation is just something to keep the vibes between us. Syempre, this is the only memory that my family has. I cannot forsake the opportunity to take care of our family's legacy. Nanlambot ang aking mga tuhod, I feel so hopeless. Wala na ba talaga akong freedom at this point? "L-Lolo. You can't do this to me. Nag bibiro ka naman diba sa sinasabi m--" hindi ko na nagawang matapos ang karugtong ng aking mga nais sabihin dahil tinalikuran na niya ako. Tinawag ko pa nga siya, ngunit pinagsawalang bahala niya lang ako. But before he completely left, "Pag isipan mo ng mabuti, Kayla. Bago pa mawala ang lahat sayo." Ugh. Kainis! ***** "You know what, Claudine. Naiinis na ako kay Lolo. Ginagamit ba naman niya ang kompanya para e threatened ako? How can he do this to me? Apo niya ako! Oh goodness! Hindi man lang ba niya narinig at naisip 'yung mga sinasabi niya?" Hindi ko mapigilan na mag labas ng sama ng loob sa kaibigan kong si Claudine sa call habang nag d-drive papunta sa condo ko. I just want to kick out these nerve-racking experience I had with my grandfather. Ayoko munang umuwi, saka na siguro kapag mahimasmasan na ako. "Sundin mo na lang ang hiling niya sa'yo, Kayla." sagot niya parang pinapaboran pa si Lolo. "Hell, no! Sino ba ang kaibigan mo dito, ha? Bakit siya ang kinakampihan mo?" nainis na din ako sa kaniya. Shuutttaaaa to. "Syempre, ikaw. Naiintindihan ko lang kasi yung Lolo mo, Kayla. Matanda na siya at anytime, pwede siyang ma-tegi. Tapos ikaw lang ang apo niya, tas iyan ipagdadamot mo pa porket kakagaling mo lang sa hiwalayan. Alam mo, kaysa mag rant ka, kilos-kilos din girl, sa edad natin ngayon kailangan mo ng maghabol para magkaroon ng heir and heiress nitong mga ginintoang genes natin. Ipapaalala ko lang sa'yo hindi na tayo bumabata." "Kahit na nararamdaman mo ng ipinagkakanulo ka na ng lolo mo sa mga lalake para lang magka-apo? Do you even like that feeling? Eh, ayaw ko pa ngang mag-asawa at magka-anak." marahil ay mali ako ng taong sinabihan sa puntong ito. Parang nagsisisi na tuloy ako, kasi imbes na mag rant ako to break myself from stress, mas na stress ako eh. "Kasalanan mo rin naman kasi 'yan. Nasobrahan ka na yata sa self love kaya hindi ka na marunong makibahagi sa iba." "Excuse me?! Anong hindi marunong makibahagi? Minahal ko si Earl ng buong puso, pero ang binalik niya sa'kin ay ang saktan lamang ako. Huwag ka nga!" Si Earl ang recent ex-boyfie ko, after two months ko pa nalaman na beke. Wala naman kasing kahina-hinala kasi guwapo siya, makisig, matangkad, tapos gentleman. Kahit sino ay mahuhulog doon kung sana ay hindi lang siya bakla. Kaya hindi na rin ako nagtataka na napa-oo ako do'n eh. "Hahaha! Malas ka lang kay Earl, hindi kasi babae ang bet. Nakabingwit ka ba naman ng shukla." hayan na naman siya, lakas ng tama mang asar eh. "Malay ko bang bakla siya? Kung hindi ko pa nadatnan makipag chukchakan sa lalake, hindi ko pa malalaman na magkasing gender pala kami by heart." sa sagot ko, siya naman itong mamatay-matay sa tawa. "Kaloka ka, Kayla! Huwag mo na masyadong pagkaitan ang sarili mo para sa ibang lalake nang dahil lang sa bakla. Hindi na bagay sayo ang mag mukmok noh! Ako sayo, lumabas ka at mag warla sa mga parties kagaya ng dati! Sinasayang mo ang alindog mo sa ginagawa mong 'to." "Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito eh. Kung hindi mo lang ni reto sa'kin--"siya talaga may kasalanan kaya nga pinutol ako sa paninisi ngayon. "Oo na. So, pano? Anong plano mo sa gusto ng Lolo mo?" pag-iiba niya. Napabuntong hininga ako ng malalim. "Hindi ko alam, Claudia. Gusto kong isipin na pannakot lang niya sa'kin 'yon kanina. Pero hindi kasi gano'n ang nakikita ko sa mga mata niya..." I can't help but re-remember how Lolo's eyes spoke to me earlier. "He raised me by himself and we've never ended a conversation with a threat." "Eh, paano kung seryoso nga talaga siya? Paano kong totohanin ang banta niyang ibenta nga talaga ang kompaniya? Makakaya mo bang mawala iyon sa'yo, Kayla?" 'Yon na nga ang point, what if gagawin niya? Ang sakit na ng ulo ko ngayon kakaisip. Ilang taon na akong nagtrabaho sa kompanya ni Lolo and I know to myself na napamahal na rin ako doon. Hindi ko lubos maisip na basta-basta na lang itong mawala. "Hindi niya gagawin iyon." still, I convinced myself that way. "In fact, magandang deal na nga iyon Kayla. Di'ba ayaw mo naman mag asawa? What if maghanap ka nalang ng lalaki na bubuntis sa'yo. Tulungan kita, marami naman sa bar. I can pull some for you." "Wow! Ayaw ko nga magpadikit sa lalaki tapos in-expect mo pa talaga na makikipag-ano ako sa kanila?" goosebumps talaga ako sa narinig from her. Maniwala man kayo o sa hindi, wala pang nakakakuha ng aking pag ka birhen! Dati-rati pa man ay sinabi ko na sa sarili ko na sa katangi-tanging tao na magmamahal sa'kin ko lamang ibibigay ang dignidad ko as a woman. Yung tipong pinipili ako sa araw-araw. Sa bawat desisyon at higit sa lahat kinokonsidera ako bilang parte ng buhay niya. Bakit? Kasi 'yon naman talaga ang pinakamahalagang aspeto na dapat isinasaisip ng mga babae. Bago man lang sumugal at ibigay ang lahat-lahat sa lalakeng mahal nila, dapat kinikilatis at kinokompirma kung talagang mahal din ba talaga sila nito kagaya na lamang ng pagmamahal na meron sila para dito. It is considered as a long process ngunit nakasalalay naman ang future mo. Nasasabi ko ang mga bagay na 'yan dahil sa mga naranasan na rin. Not only did I met Earl, dahil before him meron pang maraming lalake na dumaan sa'kin bago siya. But totally, he's the most comedy na nangyari sa'kin. Well, anyway, majority sa mga nakilala ko dati they are possessed with a sweet tongues. Sweet tongues kasi ang gaganda ng words of choice, napapakilig ka talaga. Napapatawa ka at eventually hindi na rin exempted ang ma fall. Naaalala ko pa, madalas nilang bukambibig na pangako sa'kin ay 'maghintay ako kung kailan ka ready', 'kahit gaano pa ka tagal 'yan, nandito lamang ako para sa'yo', and last but not the least ay 'yung sinasabihan ka kung gaano ka nila ka mahal when in fact, iiwanan ka rin naman pala nila. Naisip niyo ba 'yon? Kung nasa situwasyon kayo at narinig ang mga katagang iyan, syempre, babae lang tayo, we always seek for assurances from the man we ought to love as of that moment. Pero, kapag hindi natin naibigay 'yung treatment at mga gusto nila, para lang 'yang bubbles. Nag pop sa ere dahil sinampal ng hangin kaya nawalan ng interes. Men always chase relationships with s*x. Period. Maybe, I was lucky enough na hindi gano'n si Earl during our relationship. I really thought that he's one of the rarest guy living on earth dahil hindi naman siya nag open up regarding that subject. Or even let me have a sign or a clue na gusto niyang makipag ano. 'Yun pala iba ang tipo. "Ano game ka na ba, Kayla? Dahil hahanapan na kita ng lalaki sa bar na pwede mong maka one night stand?" nabalik muli ako sa reyalidad dahil sa napaka supportive kong kaibigan. Na sa sobrang suportive ay ang sarap wasakin ng maliit niyang utak. Naiiling na lamang ako sa naisip. "Wow ha?! Napaka supportive mo." "Eyy, thanks! Alam mo naman na noon pa man ay--" "Chakka ka, ang lala mong maging kaibigan! Gusto mo bigyan kita ng extra screws? Para kasing lumuwang na ang mga nakatuka diyan sa utak mo. Buset ka!" anggil ko sa kaniya na sinundan niya lang ng matulis na halakhak. "Oh? Bakit kasi sa'kin ka nag ra-rant? Tutulongan ka na nga sa problema mo, choosy ka pa, heh!" "Oh? Papano kung mahawa ako ng sakit na HIV, or any STI diseases diyan sa gagawin mo?" punto ko naman. Kahit na na-tempt na ako sa kagustohan niya ay naisip ko ring mali. "Baka 'yan pa ang dahilan ng ikakamatay ko. Wala ng ibang AKO sa mundong 'to, kaya umayos ka, gaga!" "Praning, syempre magpa screening muna bago chukchakan. Akala mo ba hindi ko alam na mataas ang rate ng HIV ngayon dito sa Pilipinas? Kahit ganito ako, Kayla. Kaibigan mo pa rin ako. Your safety is important to me." Huminto ako sa mismog parking lot ko dito sa basement ng condominium building na tinutuloyan ko ngayon. Walang masyadong tao, ngunit maraming mga sasakyan na naka-park. I just took my bag and some files na isinama ko pag uwi at nagtungo na sa elevator upang umakyat na sa unit ko. Nagkibit-balikat lamang ako sa kaniya, "Bahala ka nga."saka ko pinutol 'yung tawag at napabuntong-hininga ng malalim. Limang taon na nga pala akong naninirahan dito sa condominium kong ito. What I like about living alone is may peace ako. Bonus na 'yung mga special amenities and vibrance na meron dito sa kinuha kong unit. Tiyaka, mas malapit ito sa kompanya kaysa umuuwi ako sa mansyon araw-araw, despite having a car as a source of transportation. When I reached my desired floor, lumabas na kaagad ako at naglakad sa hall way. As usual, tahimik. And I barely see people loitering around the corridors. Tumigil lamang ako when I get to meet the door of my unit. I took the card key from my special edition gucci bag to get in. This condo unit was just perfectly made for someone like me, na mahilig mapag-isa. Hindi masyadong malaki at sakto lang. It has two bedrooms, a dining area, a kitchen and more importantly may living area for my visitors just in case may bibisita. I placed my things on my long but midi glass table here sa sala bago sumampa sa couch at pinahinga ang katawang pagod. Heavens, I didn't knew I'm this tired. Kung hindi pa ako hihiga ay hindi ko maramdaman ang kabigatan ng aking katawan after loads of work ngayong araw. Isama na rin 'yung stress na nakuha ko mula sa pangungulit ni Lolo na magka-apo. Ipinikit ko muna ang mga mata ko at ninanamnam ang comfort ng pag uwi ko dito. Finally, nakakapagpahinga na rin ng walang disturbo. Subalit, hindi pa man ako tuloyang nakatulog ay may kung sinong epal na ang nag doorbell sa pinto. Naiinis akong napabangon. "Lintik naman, don't tell me, siya na naman ito?" Natatamad akong naglakad patungo sa pintuan as if napakabigat rin ng mga paa ko dahil gumagawa ng mabibigat na ingay ang bawat hakbang ko. May neighbor kasi ako na makulet. Akala mo naman close kami. "Anong kailangan mo?" Wala sa mood kong tanong, samantalang siya ay abot hanggang tenga ang ngiti. I just rolled my eyes at him dahil alam kong may kung anong gimmick na naman siyang kaakibat. "Hi, Babes." "You know what? Pagod ako, huwag ngayon, pwede?" pagsu-sungit ko. Mas lalo lang ako na bu-buwesit sa pagmumukha niya kasi. Lalo na nang maalala ko ang kagustohan ni Lolo na magka-apo. Nandidiri kasi ako! By the way, he is John Aris Madrigal. My annoying neigbor next door. Magkatabi lang ang unit namin. And like me, I believe he's also living alone. Kasi hindi naman siya mangangambala ng kapitbahay kung may kasama siya. Siguro wala lang siyang ibang aliw sa buhay kaya't dinadamay niya ako sa ka boringan niya. "Ito naman, kakauwi mo lang nagsusungit ka na naman." Aniya. "Pero kahit ngunot 'yang mukha mo sa pagta-taray, you're still beautiful." Ewan ko ba, parang uminit ng slight ang mga pisngi ko sa panis niyang linyahan. " "Tumahimik ka nga, nang-iisturbo ka eh! Tiyaka, kahit hindi mo sabihin iyan, alam kong maganda ako kahit ano pang emosyon ang naka-plaster sa mukha ko." bobo mo na lang siguro para hindi malamang banat niya lang 'yon. Let me tell a few feedback about him, guwapo naman siya. May matipuno na katawan, matangkad I think hanggang leeg niya lang ang height ko. Maputi din siya pero hindi masyadong maputi sakto lang. Tapos, yung ilong niya matangos naman, may mga mata din siyang nakakalula na kulay chocolate almond kasi tingin ko may half siyang ibang lahi eh. Para kang hihigupin o kaya ma hypnotize when you look at them for long. And then, yung jawline niya tiyaka adams apple, they're very appealing as well. And I believe his specs are one of the ideals ng mga babae. Lalo na ngayon that he's wearing a white sando and a summer trunk shorts which highlights his gorgeousness. With our distance right now, mapapansin mo talaga ang kaniyang pinagmamalaking abs and muscles all over his body. Hindi na rin bago sa'kin na maraming nagkakagusto sa kaniya, dahil minsan nakikita ko siya sa park ng premises na may mga babaeng kakuwentuhan. He's kind naman. Pero nakaka turn off lang dahil ang ugali niya as being sociable ay hindi bagay sa psyche niya. Mature niya kasing tingnan, kumpara sa ugali niyang parang teenager na binabalot na lamang ng puro banat. Para bang hindi thirty-three years old. Malay ko rin kung bakit sa edad niyang 'to ay wala pa siyang asawa, eh mukhang wala namang kulang sa kaniya. Akmang pagsasarhan ko na siya ng pinto nang agad niyang pinigilan ang pintuan from closing. "Relax, ikalma mo lang babes." Hirit nito na hindi ko nagustohan, lalo na ang ginagawa niyang pagpapa-cute sa'kin ngayon. "Ikaw naman, ang init-init kaagad ng ulo mo kapag nakikita ako." Dapat wala akong pakealam eh, pero bakit tila na konsensya ako? "Ano ba kasing kailangan mo?" "Wala naman akong kailangan, babes. Actually, may gusto lang akong ibigay sayo."tas pinakita niya sa'kin 'yung kanina niya pa pala bitbit. "Here, for you."hindi ko maiwasang mapangiwi nang mapagtantong saging na lakatan na naman ang kaniyang inihahandog. "Seriously? Saging na naman?" Aba! May sa unggoy ata ang mokong na ito eh. "Wala ka bang ibang kaya na ibigay sa'kin bukod sa saging?" araw-araw niya na kasi akong binibigyan ng saging, 'yung iba nga ay hindi natatapon ko na dahil sa nalanta na at hindi ko na kayang ubosin. Pasensya, tao lang din, nagsasawa. Nahihiya pa kamo siyang nagkamot sa kaniyang ulo, ano, may kuto ba doon? "Ehh, pagpasensiyahan mo na muna, babes. Iyan lang kasi ang meron ako."he offered me his gift closely again, "Sige na babes, kunin mo na." paghihikayat nito sa'kin na tanggapin ko, which is tinitigan ko lamang. Nagdadalawang-isip ako na tanggapin. "Umalis ka na nga, Aris. Hindi mo ba alam na naaalibadbaran na ako sa pagmumukha mo, lalo na kapag naririnig kitang tinatawag ako na babes! Hindi mo ko girlfriend o fling mo kaya tigilan mo na ako!" pinilit kong isara ang pintuan ko, not minding if he gets his hand hurt. Kasalanan niya naman kung bakit niya pinigilan. Ngunit masyado siyang malakas para tuloyan ko siyang mapagsarhan. Takneneng, ayaw niya ba talaga akong tigilan?! Bumukod nga ako sa'min dahil gusto ko ng peace, tapos may garapata pang panay sa panggugulo. I gave him a very sharp gaze, "Get lost!" "Sandali lang, babes. Tanggapin mo muna itong saging na dala ko para sayo at pinapangako kong aalis ako kapag tinanggap mo na." he even winked at me which is cringed. Nangingilabot ako sa kaniya, my god! "Sige na, kunin mo na. Sorry na babes." sinusuyo pa nga niya ako, at ako naman ay wala ng ibang choice kundi tanggapin ang saging niya para lang matantanan na ako. "Nakaka-buwesit ka naman kasi!" Paghihimutok ko na lamang at inirapan siya pagkatapos. Pero ang gago, ngiting-ngiti pa rin. Baliw na nga yata siya. "Ano ba kasing meron sa saging mo? Masarap ba 'yan?" Tumitig lang ako sa saging na dala nito at niluwagan ko ng unti ang pagkakabukas ng pintuan. Yung ngiti niya ay lumawak at kalaunan ay naging ngising loko-loko. "Anong itinatawa-tawa mo? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" I froze when he leaned closer to me, and I became speechless when I feel his breathe on my tender neck. "Which one are you implying for, babes? Ito bang saging na hawak ko, o kaya itong saging ko?" saka siya dumistansya at binigyan ako ng makahulogang tingin pababa sa isa pa niyang saging. Ako naman si shunga sumunod. My face heated instantly like wildfire sa sss, sasampalin ko sana siya pero mabilis siyang nakailag. Yes, I'm freaking out! Sa inis ko ay itinapon ko sa dibdib niya ang saging niya at itinulak siya. "Fvck off, jerk!" parapinagbagsakan ko siya ng pintuhan sa pagmumukha niya pagkatapos. Ang loko-lokong 'yon, ang lakas ng trip. "Babes, sorry na. Nagbibiro lang naman ako." dinig ko pang pagtawag at paghingi niyang paumanhin sa'kin habang kumakatok. "Buksan mo na ang pintuan, babes. Sayang itong saging oh!" the nerve of this guy, ginagamit pa talaga ang saging para konsesyahin ako. "Manigas ka!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
99.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
162.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
92.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
24.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook