Chapter 1
KAYLA'S POV
I'm currently wearing an elegant beige french style tied waist collared shirt dress na pinartneran ko ng 4-inch high heels. While I just let my wavy hair flexed in its natural manner. Kinulot ko lamang ito sa bandang laylayan at nilagyan ng hairspray to maintain it's radiant look.
"Good afternoon, Zsa-Zsa." Bati ko sa sekretarya ni Lolo nang maabutan ko sa station nito.
"Good afternoon, Maam Kayla." Nag-abala pa itong tumayo mula sa kaniyang kinauupoan upang mabati lang ako ng pormal na may kasama na ring matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Nginitian ko siya pabalik, pagktapos ay bahagya akong napasilip sa looban ng opisina ni Lolo mula sa pintuan.
"Nandiyan ba si Lolo?"
"Yes po. Nasa loob lang po siya, Ma'am Kayla." sagot niya habang isinasaayos niya ang kaniyang makapal na eyeglasses. Mahigit limang taon na rin pala siyang nagtatrabaho kay Lolo. I can still remember no'ng baguhan pa lamang ako ay sa kaparehong taon rin siya nag apply for her current position.
Lumapit ako sa desk niya at inilagay ang maliit na kaho'ng dala. "Can you take care of this? Sabayan mo na rin ng paboritong inumin ni Lolo mamaya.I smiled at her as she took the box to prepare it.
"Masusunod po, Ma'am." hindi na ako sumagot at nagtungo na sa opisina ni Lolo. I knocked three times first before entering the office para naman ma inform siya na may bisita siya. When I finally saw him, I found him sitting at his favorite black couch. Doon siya parating tumatambay kapag break time niya o kaya walang ginagawa.
He's now wearing his usual dark gray suit which makes him look simply formal paired with black shoes, and a silver watch wrangling his wrist. While his hair is in perfect rush back. Mukhang abalang-abala siya sa iPad niya dahil maging sa pagpasok ko ay hindi niya napansin ang presensya ko. It might be a relevant case to work because he seemed so focus and serious at what he's doing.
"Hi, Lo!" sinadya kong lakasan ng kaunti ang boses ko, enough lang na marinig niya at mapansin ako. Nilapitan ko siya at nagmano. Hindi naman nakatakas sa'kin ang mapanuring tingin niya na mula ulo hanggang paa ay sinusuri ako ng tahimik.
"Bakit hindi ka umuwi sa mansyon kagabi?" he asked me with a firm voice, 'yun pa lang ay alam kong in-expect niya na umuwi ako sa bahay kagabi and he was not happy na hindi ako umuwi. "Nasayang lang 'yong pinahanda kong paborito mong pagkain dahil wala namang ibang kumakain no'n maliban sayo."naiisip ko pa lang ang lechon kawali na manok ay natatakam na ako. Lalo na kapag si Manang Olga ang nagluto ay napakasarap.
"I'm so sorry about that, Lo. Hindi na ko umuwi dahil dumiretso na ako sa condo dahil sa dami ng mga kinakailangan kong tapusin na paperworks." pagdadahilan ko na siyang mali, dahil dumiretso lang naman ako sa condo dahil sa stress na nakuha ko mula sa pag-uusap namin kahapon.
I saw him arching his brow as if it's suspicious for him to believe my excuses. Napansin ko pa nga ang bahagyang pangungunot ng kaniyang noo. "May inaasikaso pero no'ng nagtanong ako sa sekretarya mo kahapon ay maaga ka raw umuwi." medyo tumaas ng kaunti ang kaniyang tono, as if may pinatatamaan siya. And that's none other than me.
"I just took my remaining works yesterday sa condo at doon na tinapos, Lo. Other than going home there ay wala na akong ibang pinuntahang iba." tumikhim lang siya in respond and then binalot na kami ng ilang minutong katahimikan. Something that has grown awkward between us.
Disinterest to talk, yes, we have that. Dahil hindi ko naman alam kung papaano sisimulan 'yung isinadya ko sa pagpunta dito. Tiningnan ko lang siya habang abala sa binabasa niya habang nagiisip ng paraan kung papaano siya kakausapin. Dati-rati ay hindi naman ako nahihirapang kausapin siya. Pero ngayon, ewan, nahihirapan ako.
"Nagtatampo ka pa rin po ba sa'kin, Lolo?" naglalambing kong tanong sa kaniya. May kasalanan ba naman ako dahil sa hindi pag uwi sa bahay kahapon, kaya hindi pwedeng galitin siya lalo.
He sighed heavily. I went to him and hugged him. "I'm sorry po, Lo. Babawi na lang po ako sa inyo sa susunod."sabi ko bilang pampalubag sa sakit ng kalooban niya.
He's naturally strict, mapa-bahay man o sa trabaho. Kaya minsan ay hindi maiwasang hindi niya ako mapagalitan. It's just that, his kind of way to raise me well and I've used to it already.
Now, that he's getting older, lahat ng gusto niya ay hindi ako humihindi. Dahil iyon sa gusto kong iwasan na tumaas ang blood pressure niya lalo pa't may highblood siya. Ayoko nga sana ng korsong tungkol sa negosyo, pero dahil ako lang ang nagiisa niyang apo at naiintindihan ko naman kung bakit niya ako sinasanay sa larangang ito. Wala naman kasing ibang sasalo ng lahat ng meron siya ngayon, maliban sa'kin.
After graduation sa korsong business management, I did my best to conquer all the trainings sa kompaniya namin. I started from scratch, from the very lowest position until I reached my current position. Gano'n siya kahirap, but everything I went through was worth it. And now, I'm the Chief Executive Officer of Wordtech Corporation. Ang layunin ng kompaniya namin ay ang paglalabas ng mga mamahalin at mga bagong model na mga sasakyan.
"Sa susunod kasi, Kayla. Magsabi ka. Para naman hindi ako mag-alala sayo. Kung tungkol sa kahapong pag-uusap ang dahilan kung bakit hindi ka umuwi, pwede mo namang sabihin sa'kin. Ngunit sana, huwag kang magtanim ng sama ng loob sa'kin. Dahil kapakanan mo lang naman ang iniisip ko." makahulogan niyang paliwanag na ikinatango-tango ko.
"Naiintindihan ko po, Lo. Pasensya na po talaga kung hindi ako nakapagpaalam at napag-aalala ko pa kayo ng husto. Hindi na po mauulit." niyakap niya ako pabalik at himinas ng ilang beses ang aking likuran.
"Basta, pag-isipan mo ng mabuti ang pinag-usapan natin kahapon, apo. Sayang ang kompaniya natin kung sa iba lang mapupunta." oh my, heto na naman siya. Pero hindi na lamang ako kumibo at ngumiti na lang sa kaniya. Sakto namang kumatok at pumasok si Zsazsa tulak-tulak ang cart na may carrot cake na pinahahanda ko sa kaniya na may kasama na ring paboritong inumin ni Lolo bilang panulak sa cake.
"Here's your cake and drinks po Sir Fernand and ma'am Kayla." tinulongan ko si Zsazsa na e serve ang mga ito, kalaunan naman ay nagpaalam na rin siyang bumalik sa estasyon niya.
Strict man si Lolo pero alam kung pagdating sa'kin ay hindi niya magalit ng matagal. Mahal niya kasi ako dahil hindi lang basta apo ang turing niya sa'kin, kundi para na ring isang tunay na anak.
Pinagkuha ko si Lolo ng isang slice na carrot cake at inilagay sa platito with fork na rin.
"Lo, tikman mo po ito. Ako po ang nag bake niyan." masayang wika ko, dahil alam kong magugustohan niya iyon. Ito kasi ang pinaka-gusto niya sa lahat ng binibake ko. Imbes na bibili sa labas, ay ako na lamang ang nag b-bake para sa kaniya.
"Ano 'to, peace offering hmm?"
"Well, you can say that. Pero ginawa ko po talaga 'yan exclusively for you, Lo."sagot ko at kumuha na rin ng portion kong cake at naupong muli sa katapat na couch na inuupoan niya.
"Thanks for this, apo." masaya ako dahil na appreciate ni Lolo ang handog ko. "It's been a while simula no'ng huli kong kain nito. Buti naisipan mo kong e pag bake."
I chuckled. "Sorry kung natagalan, Lo. Masyado kasing busy nitong mga nakaraan. Tiyaka kung hindi ka pa bumisita sa'kin kahapon, I wouldn't be here na bisitahin ka." technically, sa sobrang abala ay nakakalimutan ko ng magbigay ng panahon sa aking lolo, kaya ngayon kahit sa maliit na oras ay bumabawi ako.
I understand, Kayla. Buti na lang pala at chi-neck ko ang lagay mo after ko bumisita sa hospital."nawindang ako nang malaman na may hospital visit pala siya kahapon.
"Bakit hindi mo ko tinawagan, Lo? Para naman masamahan kita sa appointment mo."kinailangan niya kasi ang regular na check-ups para matutokan ang kondisyon niya. Mas mainam na rin iyon para maiwasan ang mag panick.
"Masyado kang busy sa trabaho mo, kaya kay Olga at Richard na lang ako nagpasama." Si Olga ay ang mayordomang katulong namin sa mansyon. Si Richard naman ay siya ang personal driver ni Lolo.
"Pasensya ka na, Lo. Nawala sa isip ko ang naka-tuka mong schedule kahapon sa doktor."
"Kaya nga sinadya kitang puntahan sa opisina mo kahapon, dahil patanda na ko ng patanda at hindi na rin bumubuti ang kondisyon ko. I know how shocked you were dahil sa pagdalos-dalos ko. Pero Kayla, hindi ako nagbibiro kung 'yon man ang isinadya mo sa'kin ngayon dito. It's either you'll give me a grandchild or you will lose the company."
'Yon nga ang ipinunta ko dito, and now I know the reason behind his sudden request. Kakagaling niya pala sa hospital, and maybe, may result na hindi maganda leading him to rush me with his plea. Or maybe, may nakita na naman siyang mga patients na kasing edad niya tas may kasa-kasamang mga batang apo. Ganiyan kasi siya minsan. Naiinggit.
"Can't I have some time to think about it, Lo? Mahabang proseso po kasi ang request niyo at hindi talaga madali..." I want to talk about this calmly kaya I chose this manner of conversation. Okay sana kung hihiling ka lang ng lalake, tapos chada! May lalake ka na. Pero hindi.
Alam ko sa sarili ko na labag sa kalooban ni Lolo na ibenta ang company, and I do understand kung bakit niya iyon gagawin dahil ito lang naman ang bagay na mas malapit sa'min na alam niyang ayaw kong mawala. Kahit wala pa akong kamuwang-muwang no'ng lumisan ang mga magulang ko, alam kong pinahahalagahan din nila ang kompaniya kaya't hangga't nandito ako, papahalagahan ko rin ang mga bagay na pinahahalagahan nila dahil ito nalang ang natatanging alaala na meron ako with them.
"Sige, bibigyan kita ng hinihingi mong panahon, but you don't have the right to refuse. You will use this chance to think kung papaano mo isasakatuparan ang hinihingi kong pabor sa'yo. Pakatandaan mo, nakasalalay ang kinabukasan nating dalawa dito."
"Pero, Lo--"
"Hindi, Kayla. Ang gusto ko ang masusunod." pinal niyang sagot, leaving me hopeless.
"Wala na ba talaga akong choice, Lo? Bakit naman yata kailangang mamadaliin? We're not in a race kaya."
"You're not, but I am. Kaya isakatuparan mo na ang akin hiling sa lalong madaling panahon." matigas at walang sense na pagbabago ng isip na paliwanag niya. Wala rin pala akong mapala sa pagpunta ko dito, kung hindi naman mababago ang kaniyang isip.
Now, I have to think kung papaano ko e carry ang misyong ito. Iniisip ko pa nga lang na magpapabuntis ako sa isang lalakeng hindi ko kilala, ay maloloka na ako. Baka't pag nakita ko pa lamang ang manoy ay hihimatayin na ako bago pa maipasok at makaputok ng semelya sa bebengka ko.
Buwesit na buhay to. Bigla tuloy ako nakaramdam ng pagsisisi kung bakit naipanganak pa ako bilang babae.
"What if tututol ako sa gusto niyo?" tanong ko.
Nilasap niya ang natirang icing sa kaniyang tinidor bago ako binalingan ng tingin, "Then, bukas na bukas agad ay magpapa-meeting ako at e a-anunsyo sa board of investors na ibebenta ko na ang shares ko sa kompaniya at ang pagbaba ko bilang chairman."
"Lo, naman eh!" anggil ko. "Para lang sa apo na hindi ko pa kayang ibigay ay isusuko mo na ang lahat? Pa'no naman ako?"naiiyak na ako. Grabe niya kasi. Hindi man lang ba niya ako inisip kung ano ang maging situwasyon ko sa oras na mawala na ang lahat? "Lahat ng mga pinaghirapan ko ay mawawala, Lolo." and literally, tumulo na ang mga luha ko. "Ang mga sakripisyo ko to get where exactly I am now ay maglalaho dahil lang sa hindi kita mabigyan ng gusto mo."
Ngunit kahit anong iyak at ka-dramahan pa ang gagawin ko, hindi talaga siya matitinag, sapagkat wala rin akong nakikitang konsiderasyon mula sa kaniyang mga mata.
I guess I'm on my own simula ngayon.
"I will give you a month of rest, and next month, gusto kong marinig na nagdadalang-tao ka na." halos ramdam ko ang pagyanig ng mundo ko sa sinabi niya. Bakit ba ayaw man lang niya akong pakinggan?
"Excuse me po, Sir. Dumating na po si Mr Tan." Pumasok muli ang sekretarya niya at tinawag siya kaya't napapatayo siya para maghanda sa pag alis. Si Mr Tan ay ang isa sa mga gustong makipag-partnership sa kompaniya namin.
Napatayo rin ako at pinigilan siya sa braso, "Please, Lo. Huwag mo itong gawin sa'kin. Apo mo ko." I was hoping na e c-consider niya ako, pero mas malala pa pala ang makukuha ko sa ginagawang pagmamakaawa.
He pulled my hands off his arm, "Sa susunod na tayo mag usap kapag may dala ka ng magandang balita para sa'kin, Kayla. And also, you're not allowed to come home at the mansion unless you're pregnant."
What?!
Now, I'm also forbidden on going home sa sarili kong bahay?