Chapter 2

2566 Words
Chapter 2 KAYLAS POV "Next. Next. Next! Oh my god! Wala na bang ibang matino dito?" I kept on swiping to different profiles sa isang dating app na ni-recommend sa'kin ni Claudine and correction, hindi ako ang nag download at nag create ng profile. Siya lahat ang gumawa, dahil wala naman akong alam sa pasikot-sikot sa dating app na 'to. Basta binigay niya na lang sa'kin at pinapapili ako by swiping different profiles. Pero kahit ni isa ay wala akong nagustohan! Nakakainis, am I really going to do this? tahimik na pag anggil ko sa sarili at nag give up na sa ginagawa as I carelessly threw my iPad on the couch, walang pakealam kung masira iyon. "Kayla, pwede bang kalmahan mo lang? Papa'no kung masira 'tong iPad mo?" really, mas nag-aalala siya sa iPad samantalang ako na kaibigan niya na na halos mabaliw dahil sa problema, ay okay lang na hindi maging masaya. "Mahal pa naman 'to." "They looked exactly just the same! Ayoko na, Claudine. Kung gusto mo, ikaw na ang gumawa." asik ko habang hindi maipinta ang mukha at nakasimangot. "Oo, pero hindi naman ako ang nasa situwasyon mo. Malas mo lang kasi sayo nangyari. Ikaw na nga 'tong tinutulongan mag isip. Gaga." sagot naman niya na may malawak na ngisi sa mga labi. Lakas talaga ng amats at nagawa pa akong asarin. "Bwesit ka." inirapan ko lang siya pagkatapos ay nagpunta sa kusina. "Mas inisip mo pang mahal ang iPad na napaka kuripot mo." "Alangan ikaw ang iisipin ko, eh malaki ka na." naiinis na napabangon ako sa couch sabay dampot ng throw pillow na pinakamalapit sa'kin at ibinato iyon sa kaniya. Nasalo niya naman kaya't mas napalakas ang tawa niya. "Shut up! Hindi ka na nakakatuwa." banta ko na hindi naman niya sineryoso at pinagtawanan lang ako. Bakit ko nga ba ito naging kaibigan? I took the clean glass on the midi table at nagsalin ng orange juice. Omg, parang kinakailangan malamigan ng aking ulo at baka mapuruhan ko pa ang gaga. Feel ko kasi yung dugo ko mula talampakan ay umakyat papunta sa ulo ko. Kaya kahit inaasar-asar ako, ay hindi ko kayang e digest yun as asar. "Ako na nga lang ang pipili para sa'yo. Ano ba kasi ang mga tipo mo?" lumapit siya sa'kin at nakiupo sa tabi ko. Umusog naman ako para makaupo siya ng maayos. "Perfection, gusto ko ng lalakeng perfect sa lahat ng mata na titingin. 'Yun ang hanapin mo."alam kong imposibleng makahanap ng ga'non, pero deserve rin naman ng kiffy ko ang much better. Kung papasakan rin naman pala, eh, pipiliin ko na 'yung rarest type man alive. "Correction, walang perperktong tao. Tao ba talaga ang hinahanap mo?" Tila hindi makapaniwala niyang sagot. "Kaya nga perfect sa mata ng mga matang titingin di'ba? Hindi ka ba marunong umintindi? Ibalik kita sa elementary eh." In the end, nang magkatinginan kaming dalawa ay sabay kaming napatawa na parang mga baliw. "Oh siya, halika dito. Ito macho naman, moreno, pogi, matangos rin ang ilong." And just like that, nagsimula na ulit kami sa pamimili, but this time kaming dalawa na ang tumitingin. "Ayoko, masyadong very pinoy ang vibes."gusto ko may magandang genes, tas may lahing bughaw. Para hindi lugi at maganda rin ang maging anak ko. "Wow, maka judge ha?" "Eh, kiffy mo ba ang papasukan? Ikaw magbuntis? ha?" She swiped to a different profile. "Ewan ko sayo, Kayla. Dami mong ka-artehan sa buhay. Trenta anyos ka na ha, ipapaalala ko sayo. Kaya bawas-bawasan mo 'yang ka-artehan mo." Kahit ganito ang ugali ko, I can say, blessed pa rin ako to meet Claudine. Kasi siya lang kasi 'yung kayang e tolerate ang ugali ko. Lalo na sa mga ka-artehan ko sa buhay. We've been friends for too long, at sa tagal ay masasabi ko talagang we're made to be bestfriends in this lifetime. "Tandaan mo, ikaw ang nangangailangan at hindi ako. Isipin mo rin na sa loob ng iilang linggo na natitirang palugit ng lolo mo at hindi ka pa buntis, bye-bye assets ka talaga. Goodluck at magiging pulubi ka na soon kung ipagpapatuloy mo 'yan." Bagsak ang balikat na napapahilig ako sa hiligan nitong couch. I hanged my neck to see the dimmed ceiling, "Labag talaga sa gusto ko, Claudine. Ano ba kasing ginawa kong mali to deserve this torture? Can't I have the freedom to fall in love and choose the person I want to marry nang walang hinahabol na deadline?" And I'm sure, kahit sino man ang nasa situwasyon ko ay magkakaroon ng mixed emotions. Galit, lungkot at literal na high level of annoyance. Kasi nga, helpless ka and the things you really care of were at stake. Two weeks na pala ang nakararaan no'ng binisita ko si Lolo. Nag effort pa naman akong mag bake para sana magbago ang isip niya using his favorite carrot cake eh. And maybe I was unfortunate not to get any change of mind from him. At sa ginawa kong pagbisita na 'yon ay mas pinalala ko lang ang situwasyon ko. "Oh eto, kapag hinindian mo pa ito eh sa sobrang lakas ng s*x appeal at angas. I know, ganito rin ang mga bet mo dahil may pagka-malandi ka naman dati." Napaayos muli ako sa pagkakaupo and I could feel my eyes widened in anticipation as realization hits me when this person looks exactly just the same as the person I know! "Ang guwapo niya lalo na kapag tinititigan mo. Makinis at maputi ang balat. Muscles are all over his body and in perfect figure. Look at his V-line at titigan mo 'yung gitna, kahit may takip pang shorts talagang jackpot ka na sa laki! And, look at his torso. Eight packs abs na 'yan, Kayla! E grab mo na 'to. May lahi pa 'yang foreigner. Perfect hanap mo di'ba? Ito na!" Bakit siya nandiyan? Really? Sa dating app? Speechless pa rin ako to the point na napapatameme ako ng ilang segundo. Ni hindi ko na marinig ang mga pinagsasabi ni Claudia. "Kilala ko 'yan eh!" Sabi ko at itinuro ang pagmumukha ng taong nasa screen, na siyang kasabay rin ng pag ring ng doorbell sa labas ng unit ko. "Are you expecting someone, Kayla?" Tanong ni Claudine na agad kong ikinailing. "Baka 'yung makulit ko lang na kapitbahay."sabi ko at tumayo na para sitahin itong tumigil kakapangulit. "Wait, saan ka pupunta?" "Papatigilin ko lang. Hindi kasi 'yan tumitigil kung hindi papansinin." Geez, huwag lang sana sumunod sakin si Claudia at baka siya rin ay magulat. At baka ang malala pa ay makealam. Pakealamera pa naman siya. "Lalake ba 'yan? Sama ako!" Jusko, binilisan ko na ang paglalakad ko papuntang pintuan at nang pagkabukas ko ay tama talaga ang hinala ko. "Ano na naman ang ginagawa mo at panay doorbell ka?" Bungad ko sa nakangising si Aris. "Hi babes, good morning!" Kahit kailan ay hindi ko makuha ang gimmick niya. Wala naman siyang makukuha sa'kin sa araw-araw na panggugulo niya. "Babes? Sino ka?" Feeling ko ay lumipad na ang kaluluwa ko sa kabilang pader dahil sa biglaang pagsulpot ni Claudine sa likuran ko. Iniakbay pa nga niya ang kaniyang baba sa aking balikat. At malamang nakita na niya si Aris. "Hi, I'm Aris." Si Aris naman na walang preno magpakilala kay Claudia. Hindi man lang nagdalawang-isip. Nilingon ko si Claudia at kaagad na nakita ang kaniyang reaksyon. Namimilog ang mga mata at tila nahihiwaga nang may nalalaman. "Teka, ikaw itong nasa dating app diba?" At ang gaga ay sumingit sa harapan ko dala pa rin ang iPad at ipinakita kay Aris ang nakita namin. Actually, sasabihin ko na sana kay Claudia kanina, pero timing talaga itong si Aris kahit kailan. "Yes, it's me. How'd you find me? Naggamit ka rin ng dating app?"at sila na nga 'yung nag-uusap. Exit na kaya ako noh? "Actually, hindi ako. Siya." This girl, tinuro pa talaga ako at mukhang kaya akong ibenta sa lalakeng 'to anytime. "Huwag kang sinungaling, ikaw ang nag download at naggamit niyan."panglalaglag ko pa sa kaniya pero matalino talaga at may lusot palagi. "Information mo naman ang nakalagay." Giit niya at pinakita kay Aris ang profile information ko sa dating app. Aagawin ko nga sana ang iPad nang mabilis niya iyong inilayo. Warka! "Gumagamit ka pala ng dating app, babes? Bakit hindi ka naman nagsabi." Sabi naman ng isa. As if kinailangan kong sabihin sa kaniya. "Kanina lang 'yan. E de-delete ko rin mamaya."wait, bakit pa ako nag explain? I don't think it's relevant for me to do so? "Oo, talagang e uninstall na niya kahit ngayon na. Kasi may nahanap ng ka-match." Ngiting-ngiti si Claudine nang tiningnan ko ng masama. Kumindat pa sa'kin ang loka-loka as if she has everything under control. "Single ka naman di'ba?" Si Aris na medyo nagtataka ay sumasagot pa rin kay Claudine. Lintik naman oh. Talagang bet na bet niya 'tong kapitbahay ko eh. "Oo, single." "Ayown! Kasi si Kayla, single rin."hindi na nga ako nakatiis at kinurot ko si Claudine ng patago sa tagiliran. "Tumigil ka nga! Hindi ko siya gusto." Sita ko na dineadma lang din niya sa pamamagitan ng pag siko ng kamay ko palayo sa kaniya. "Can't you see? This guy's a good catch. Ikaw na nga 'tong tinutulongan, makisama ka na lang." Sabi niya naman ng pabulong without letting Aris hear. Pero surely halata na nagbubulongan kaming dalawa sa harapan niya. "Kapag hindi ka pa nakahanap ng lalake, ay ako naman ang gugulohin mo. Ilang weeks na lang na palugit sa'yo, aayaw ka pa?"dagdag niya na ipinagkibit-balikat ko nalang. Sabagay, siya naman talaga ang gugulihin ko sa problema ko. Nang mapatingin ako sa mga mata ni Aris, naalala ko bigla 'yung nangyari noon na sobrang nakakahiya talaga. Mula no'n ay ayaw ko na sa saging. "Walang sabit? Like fling, ex-wife, ex-girlfriend?" Bahagyang natawa si Aris sa pamamaraan ng pag interrogate ni Claudine sa kaniya, kahit ako ay muntik ng matawa. Tas naalala ko, hindi pala ako dapat matawa, kasi hindi ko gustong nangyayari. "Wala. Like, purely single. And if you are to ask me kung may anak din ba ako, wala rin." Alam ko naman na single siya, hindi naman kasi siguro siya araw-araw na mang-isturbo kung meron. "Aris, do you mind if I invite you inside?" "Okay lang sa'kin, pero kung ayaw ni babes I understand." Infairness, he's way considerate this time. "Hindi ko naman siya gustong galitin." "No, papayag 'yan si Kayla. Kasi actually kailangan ka talaga niya." Namilog ang mga mata ko nang gano'n magsalita ang kaibigan ko. Ang katalasan ng bibig niya ay talagang nakakaturn-off sa kaniya eh. "Claudine, huwag na siya. Marami namang iba. Tiyaka, busy 'yan si Aris. Let him go." Pangungumbinsi ko sa kaniya at pinilit siyang hatakin papasok. "Aris, busy ka ba?" Ang gaga tinanong pa ang lalaki. Ngumiti si Aris at umiling, "Hindi naman ako busy." Napapalakpak si Claudine ng isang beses, 'yung tipong sinasabi niyang 'PERFECT' without actually verbalizing it. "Taga saan ka pala? At bakit ka napapunta dito sa unit ni Kayla?" Parang sa puntong ito ay gusto ko na lang siyang sipain palabas at pag sarhan sila ng pintuan, total mukhang itong kaibigan ko naman talaga ang may interes dito kay Aris. Eh, wala namang kaganda-ganda sa lalaking 'to. "Actually, sa katabing unit lang nitong unit ni babes. Ibibigay ko sana itong saba ng saging." Saka ko lang napansin ang saging na bitbit niya. Papaanong hindi ko napansin, eh sa tuwing nagpupupunta siya dito ay may dala naman siyang saging palagi. Parang gusto ko na lamang maghilamos ng mukha sa hiya. "Ahh, malapit lang pala. Halika, pasok muna tayo sa loob." Aba, kung makapag-decide itong si Claudine ay parang wala lang ako dito na may-ari ng bahay. Kinurot ko siya sa tagiliran nang niluwangan niya ang pagkabukas ng pintuan para patuloyin si Aris, "Nahihibang ka na ba? Papapasokin mo talaga siya sa bahay ko? Hindi natin siya kilala, baka snatcher 'yan o holdapper." pumasok na rin si Aris kalaunan. "Hindi ka naman siguro snatcher o akyat-bahay gang di'ba, Aris?" Nahihibang na talaga itong kaibigan ko, pwedeng magpalamon na lang ako sa lupa ngayon na? Ako ang nahihiya para sa kaniya eh. Napatawa ng marahan si Aris, and why does it seem so manly sa pandinig ko? "Hindi, and I have a stable job para maging gano'n." Naglalakad pa sila niyan papuntang dining area, habang ako ay ginawang taga-sara ng pintuan. Nang mapatingin ako kay Claudine ay binigyan niya ako ng makahulogang ngiti as if she just proved na mali ang inakala ko. Napapabuntong hininga na lamang ako ng malalim at sumunod na sa kanila. By the way, I'm Claudine. Kayla's friend.pagpapakilala niya kay Aris habang ang mga ngiti ay abot hanggang sa tenga niya. Hindi pa nakuntento at nakipagkamay pa dito. It's my pleasure to meet you, Claudine.sagot naman ni Aris at tinanggap ang kamay ni Claudine. Nagkamayan silang dalawa. Ngayon nga lang sila nagkakilala pero kay dali lang nagkagaanan ng loob. Ewan, pero ang sakit sa mata. "Alam mo Aris, if hindi ka mentally prepared, ngayon pa lang ay sinasabi ko sa'yong umalis ka na. Kasi my friend is not just inviting you here para makipag-usap about getting to know each other." diretsyahan kong sabi habang nakatayo sa may dulo ng lamesa, pagkatapos ay naisipan kong kumuha ng malamig na tubig sa ref at dinala iyon sa mesa to share it with them. "I'm always prepared, babes. Huwag kang mag alala, matibay to." Paniniguro niya sa'kin na may kasamang pag kindat. Jusko, parang naduduling ako sa kaniya. Hindi na lamang ako sumagot. At least, binalaan ko na siya. Pinandilatan ako ni Claudine ng mga mata, akala niya siguro ay things will go on her way. "Tama si Kayla, Aris. In fact, I invited you here to offer you a job."sa mababang boses, ay sumang-ayon si Claudine sa'kin. "But first, I would like to ask you if interesado ka whatever the job is?" Si Aris na walang kaalam-alam naman ay nakangiting tumango, "Sakto, kailangan ko rin ng partime. Anong trabaho ba iyan at ano ang aking mga gagawin?" "You'll have to make me pregnant."ako na ang sumagot, kaysa si Claudine pa ang magsabi, since ako naman talaga ang nangangailangan ng lalake. I saw how it surprised him, but it didn't stopped me from telling more, "Huwag kang mag-alala as I will pay you with the price you deserve."Claudine handed the iPad to him na naglalaman ng kontratang ginawa ko. "Nakalakip sa kontratang iyan ang terms and conditions, maging ang mga bagay at halaga na matatanggap mo sa oras na mabuntis mo ako." He was silent and his face says it all, pero pinaglalaanan niya naman ng atensyon ang kontratang naka-showcase sa iPad at binasa. I know na ang greedy ko pakinggan, ngunit hindi ko naman na gustong magpaligoy-ligoy pa sapagkat dinala na rin naman siya dito ni Claudine. Habang tumatagal ang katahimikan ni Aris ay may isa namang na guilty, "Pasensya ka na at nagulat kita Aris dahil sa hindi ko pagsabi agad sa'yo." Tumikhim naman ako, "You can say no if hindi ka komportable sa trabaho, the decision is yours to choose." Sabi ko at tumayo na. Maghahanda na muna lamang ako para sa trabaho ko mamaya. Para na rin makaiwas sa kahihiyan at makahinga ng maluwang dahil hindi naman naging madali ang maging blatant towards this. It requires courage. Just so when I was about to leave to prepare, he spoke. "Pumapayag ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD