Sobrang sakit ng katawan ko. Nagising ako na nakahiga na sa sahig, for the second time. Parang totoo iyong panaginip ko na katabi kong natulog si Pluma, na yakap ko ito. Pero gaya no'ng una, wala namang Pluma sa tabi ko noong magising ako. Nagpasya na lang akong bumangon, may trabaho pang naghihintay sa akin. Kung ayaw nitong magpakita, bahala muna s'ya, kahit pa miss na miss ko na s'ya ay may mga empleyado akong umaasa sa akin. Kailangan kong magtrabaho hindi lang para sa akin, kung 'di para na rin sa mga tauhan ko sa resort. Nagkape muna ako bago pumanhik sa silid at dumeretso sa banyo. Akmang huhubarin ko na sana ang pantalon na suot ko nang mapansin ko ang telang nakalagay sa bulsa. Nang hugutin ko iyon ay kulay pulang underwear. Fuck! Kanino ito? Mas lalo atang sumakit ang u