Para s'yang bulang naglaho na naman. Isang linggo, kahit sa panaginip ay hindi man lang nagparamdam. "Bakit ba ang init ng ulo mo? Umayos ka nga." Saway ng aking inang si Zenia. "Leave me alone, Mom!" aburidong ani ko sa ina. Habang abala sa papeles na kailangan kong matapos pag-aralan ngayon. "Alam kong hindi ka busy. Puro ka na lang alak. Ano bang problema mo? Iyon bang Pluma? Anak, marami pa d'yang iba. Iyong kapantay lang natin. Hindi katulad n'ya na hamak na lifeguard lang. Anak, gusto mo bang mag-set up ako ng blind date? Just tell me, si Mommy na ang bahala. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo." "Leave!" mahina pero may diing ani ko rito. "Son!" irritable na ring hiyaw ng ginang."Hindi ka na naman nakikinig. Bakit ba ang tigas na naman ng ulo mo? Kung dahil lang 'yan sa isang ba