Tulog na si Nat. Kaya naman naisipan kong maglakad-lakad muna sa dalampasigan. Ang dami kong iniisip. Inabutan n'ya ako kanina ng PT gusto n'ya akong mag-test para raw makatiyak kung buntis ako. Iilan-ilan na lang din ang tao sa dalampasigan. Maraming guest ang resort pero maagang nagsipagpasok sa mga hotel room nila. Naramdaman ko ang yabag na sumusunod sa akin. Malawak ang resort ni Nathaniel. Ang daang tinahak ko ay patungo sa niyugan. Mas lalong madilim sa parteng ito. Mula sa buwan lang ang kaunting liwanag na tumatanglaw sa akin. Hindi ito si Nathaniel. Kilala ko ang yabag ng lalaki kaya alam kong ang taong sumusunod sa akin ay sign lang ng danger. Nang tuluyan itong nakalapit ay naramdaman ko ang patalim na idinikit nito sa akin. Feeling ko nga ay nasugat pa ako. Mabilis

