Dinala agad sa kanyang silid ang ginang. Natataranta si Nat na magpatawag ng doctor. Pero ako, kalmado lang na pinanonood ang mga ito. Nang lumabas ng silid si Nat ay agad akong lumapit kay Zenia. Alam kong gising na ito, siguro'y hindi pa kayang iproseso kaya ayaw pang dumilat. "Dumilat ka na! Oo, anak ako ni Mariella Marie. Exciting, 'di ba?" napabalikwas agad ito saka dinampot ang unan at ibinato sa akin. Sapol ako sa mukha. Nakangising maingat akong naupo sa sahig at inayos ang pwesto. "Anong ginagawa mo?" gigil na tanong nito sa akin. "Anong ginagawa ko? Nandito ako para baliwin ka. Kukunin ko ang anak mo, wawasakin ko ang lahat ng ari-arian mo. Babawiin ko ang yaman na para sa Mama ko. Alam ba ng mag-ama mo ito? Alam din ba nilang pinapapatay mo ako?" humagikgik ako. Muli ito

