"Saan ka ba galing na bata ka, ha? Nag-alala kami ng papa mo. Maghapon kang wala. Hindi porke't bakasyon ay gala ka na lang nang gala. Dapat ay sinasamantala mo kami na tumulong sa'min lalo na sa 'kin sa mga gawaing bahay," sermon agad ni Aling Corazon nang makita si Kirsten.
Kamot-ulo si Kirsten. "Sa mall, Ma. Nagpasama kasi si Joy ulit sa akin. Alam mo naman iyon. Hindi makaalis kung wala ako.”
"Iyon na nga. Magkasama kayo ni Joy pero kanina pa pabalik-balik rito si Joy kakahanap sa 'yo. Alalang-alala sa iyo ang pinsan mo. Saan ka ba nagpunta at bigla mo raw siyang iniwan?”
"Diyan lang po, Ma." Para matigil ang mama niya ay niyakap niya ito sa baywang at naglambing. "Gutom na po ako. Ano'ng miryenda natin?"
"May pancake akong niluto. Gusto mo ba?"
See, bumait agad. Kabisado na kasi niya ang ina kaya chill lang siya kahit galit na galit na ito.
"Pancake? Wow! Sige po, Ma, gusto ko kasi the best ang pancake mo," panglilibak pa niya’t umupo na at parang batang paslit na naghintay.
"Pero saan ka ba talaga galing, ha?" nga lang ay balik-tanong pa rin ng kaniyang mama habang inihahanda ang miryenda niya. Hindi pa rin pala siya lusot.
"Diyan nga lang po talaga. Sa isang kaibigan," giit niyang sagot. Hindi siya pwedeng umamin na naglandi siya.
Napailing na lang ang kaniyang ina. "Oh, heto na. Kumain ka na.” Inilapag nito ang pancake sa harap niya.
Agad niya iyong pinapak. Talagang gutom siya. Ni hindi man lang kasi siya pinagmiryenda nina Sean tuloy para siyang patay-gutom ngayon. Speaking of Sean, may naalala siya!
Napatingin siya sa ina. "Ma, okay lang ba kung i-donate ko ang kidney ko sa isang kakilala?"
Ang lakas ng pagkakatanong ng kanyang ina ng, "Ano?!"
"Isa lang naman po," sutil niya.
"Tumigil ka ngang bata ka! Akala mo ba'y madali ang mabawasan ng isang kidney?! Ay, ay, huwag na huwag mong gagawin 'yan!”
"Sige na, Ma, pumayag ka na. Promise isa lang ang ibibigay ko," sumamo niya pa rin. Pinaawa effect niya ang kanyang mukha.
Nag-init agad ang ulo ng mama niya. "Hindi! Subukan mong i-donate niyan nang makita mo!"
Hindi na siya umimik pa. Inasahan naman niyang hindi papayag ang kaniyang mama. Ang kaso paano na kaya ito? Paano siya matatanggap ni Sean nito?
Nilamutak na lang niya ang pancake. Doon niya binuhos ang sama ng loob sa mama niya. Ano naman ang masama kung mabawasan siya ng isang kidney? Eh, 'yong iba nga ang alam niya binibenta pa nga, ‘di ba?!
"Pagkatapos mo diyan ay maglinis ka sa kuwarto mo! Pumasok ako roon kanina, ang gulo-gulo! Buti pa 'yong kapatid mo malinis sa kuwarto niya kahit lalaki siya!"
"Opo," walang gana niyang sagot.
Tumayo na siya ng matapos niyang makain ang pancake na miryenda niya.
"'Yung sinabi ko sa 'yo, Kirsten. Maglinis ka.” Lingon sa kanya ng ina na nagluluto ng panghapunan.
"Opo. Maglilinis na po ako."
"Sige."
"Pero, Ma, hindi ba talaga puwede iyong sinabi ko rin?"
"Ang alin?"
"Iyong i-donate ko ang isang kidney ko sa kakilala ko?" Subok lang ulit baka pumayag na.
"Gusto mo ako na lang ang mag-alis ng kidney mo?!" Ngunit humarap ang kaniyang mama na may hawak na kutsilyo.
Woah! Eh, di takbo na!
•••
IT WAS almost one o'clock in the morning, but no matter what Sean did, he still couldn't sleep. Nandiyan 'yung napapabangon siya bigla. Nandiyan 'yung pabaling-baling lang ang ulo niya habang nakapikit. At nandiyan din 'yung napapayakap siya sa kaniyang unan tapos ay bigla na lang niyang ibabalibag sa sahig.
"Nakakahawa ba ang kabaliwan ng babaeng 'yon? Sh*t!" mayamaya ay inis niyang bigkas na muling napabalikwas ng bangon. Hindi siya talaga makatulog. Kahit ano’ng gawin niya ay sumisiksik pa rin sa kaniyang isipan ang kakulitan ng babaeng luka-luka na iyon.
Dinampot niya ang kaniyang cellphone para tingnan ang oras. Ala-una kuwarenta na ng gabi pero an’linaw pa rin ng kaniyang mga mata.
Naisip rin niya, hindi kaya kinukulum siya ng lukang-luka na 'yon?
Nagulo-gulo niya ang buhok. Muling ilalapag niya sana ang kaniyang cellphone nang bigla iyong tumunog. Takang napatingin siya sa screen n'on, and he let out a heavy sigh when he saw who was calling.
"Hello, Tita?!" tinatamad niyang sagot.
"Thank God you answered, Sean!"
Kadalasan ay iniiwasan niya ang tawag ng mga kamag-anak o kahit kakilala niya kaya naman hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon na lang ka-dramatic ang tiyahin.
He propped himself up on one elbow, brought his knee forward, and nuzzled her nape. "Tita Merced, why did you call? What’s up?"
"Sean, your lola. Dinala ulit namin dito sa hospital?"
Shocked, he bolted upright in bed. "Bakit po?! What happened to her?!"
"Don't worry, she's fine for now. But Sean, she's really sick. At napatawag ako dahil pangalan niyo ng kapatid mo ang lagi niyang binabanggit. "I think you two need to go back home."
With a sigh of mixed relief and sadness, he sat back down on his bed. "Sorry, Tita, but I can't," tapos ay nalungkot niyang saad.
"But, Sean—"
"You know my reason, Tita. So, please huwag mo na akong pilitin. Pakibantayan na lang po si Lola para sa akin."
Ang tiyahin naman niya ang ang napabuntong-hininga. "Okay? Pero piwede bang makisuyo sa 'yo kung ganoon?"
"What is it, Tita?"
"Please find your brother at piliting umuwi na rito," nagsusumamo ang tinig ng tiyahin.
"Alam mong hindi ko rin pwedeng gawin ang sinasabi mo, Tita."
"Please, Sean? I'm begging you, for the sake of your lola. Kahit isa man lang sana sa inyo ay umuwi rito at makita niya."
Muli siyang napabuntong-hininga. "Okay po. Pero may alam na ba kayo tungkol kay Erik?"
"Yes, may mga information akong nalaman. Ite-text ko na lang sa 'yo."
"Sige po, Tita." Malungkot niyang pinindot ang end button ng kaniyang cellphone. At muli'y napabuntong-hininga, mas malalim na buntong-hininga.
Erik Raneses is his younger sibling on his father's side only, and they have both known this ever since. Wala kasing inilihim sa kanila ng kanilang lola. At kahit kailan walang naging problema sa kanilang magkapatid ang bagay na iyon. Tanggap nila parehas at mahal nila ang isa’t isa.
Kinailangan lang talaga niyang umalis sa mansyon ng kanilang lola noon sa kadahilanang gusto niyang hanapin ang kaniyang ina na noong bata pa siya ay gusto na niyang gawin. Napadpad siya sa lugar na ito dahil sa reason na iyon. Ayon sa napag-alaman niya kasi ay sa lugar na 'to kung saan nakilala siyang gangster ay matagal na nanirahan ang kaniyang tunay na ina, kaya naman nandito siya, waiting and hoping that he'll see her again here.
Iyon ang dahilan niya. Matinding dahilan kaya nagtitiis siya sa lugar na ito at pagkamalang gangster na walang alam kundi gulo.
The only thing he didn't understand was why Erik also fled the mansion like him. At mas malala ang kaniyang kapatid dahil walang nakakaalam talaga kung saan nagpunta. Hindi man lang nagpaalam ang loko kahit man sa kaniya.
KINABUKASAN ay maagang umalis si Sean sa bahay. Tulog pa ang mga tauhan niya kaya hindi na niya mga ito inistorbo.
Pagbibigyan niya ang Tita Merced niya, he will try to find Erik for their grandmother. Sa kanilang dalawa kasi na apo ng lola nila ay mas gusto ng lola nila si Erik dahil ito ang bunso. Gayunman, okay lang 'yon sa kaniya. Mahal din naman niya ang kapatid.
Mahaba ang kaniyang byahe. Tapos ay nakakita pa siya ng babaeng nasiraan ng sasakyan nang nasa probinsya na siya banda ng Pampanga.
"Miss, may problema?” Hindi niya natiis na hindi ito hintuan at tulungan.
(see part 27 of ALMOST WASTED LOVE story)
"Oo, eh. Ayaw mag-start," kaswal na sagot ng babaeng maganda. Halatang natuwa ito.
"Wait lang. I'll help you." Pinarada niya muna ang kotse niya Saka bumaba. Naka-shades siya at naka-jacket ng itim. Style niya sa pananamit mula pinili niyang maging gangster sa lugar ng kanIyang ina. Kapag kasi hihina-hina ka sa lugar na iyon ay gagawin ka lang tau-tauhan. Ayaw niya namang gamitin ang kaniyang impluwensya at baka lalong hindi magpakita ang mama niya kapag nalamang naroon siya sa lugar na 'yon.
Lumapit siya sa babae na ngiting-ngiti, saka nagtanggal ng shades. Kita niya ang pagningning sa mga mata ng babae, siguro naguwapohan sa kaniya. At sanay na siya sa mga nagpapa-cute na mga babae kaya deadma.
"Let me check your car baka makatulong ako," offer niya.
"S-sure please," kiming sagot sa kaniya ng babae. Inipit nito sa tainga ang tumikwas na buhok niya. Nagpa-cute talaga sa kaniya. Napapangiti naman siya ng lihim.
Yes, maganda ang babae pero wala siyang maramdaman para rito na espesyal. Inabala na lang niya ang pag-check sa sasakyan, kahit na naaasiwa siya minsan sa pagtitig sa kaniya ng babae.
"Try mo nang i-start, Miss," he said after a while. Buti na lang at nakita niya agad ang diperensya ng kotse. Kundi baka matunaw na siya sa pagtitig sa kaniya ng babae.
"Huh, okay na?!" Nagulat pa konti ang babae.
"Try mo muna na." Gusto niyang matawa para naman kasing nakagawa siya ng himala.
"Ah, si-sige.” Nagmadaling pumasok sa kotse ang babae, at parang nahihiya na ito sa kaniya. Siguro ay dahil nahuli niya itong nakatitig sa kaniya. Well, wala naman iyon sa kaniya.
At anong tuwa ng babae nang mag-start na ang kotse nito. Bumaba ulit ito. "Salamat, ha?"
"You're welcome," he said, smiling. "Anyway, I have to go. Ingat na lang sa pagda-drive," at paalam na niya dahil kailangan na niyang umpisahan ang paghahanap sa kaniyang kapatid.
"Um, wait," subalit pigil sa kaniya ng babae.
"Yes?"
"Um, a-ano, baka gusto mo munang magmiryenda? My treat of course because you helped me."
Ngumiti siya. "Thank you, but I really need to go now. Maybe next time."
"Nagmamadali ka? Why?"
"May hinahanap kasi akong tao rito," he answered.
"Gf mo?"
Natawa siya. "No. Brother ko. Naglayas kasi."
"Oh, I see.”
"Alis na ako.”
Tumango ang babae pero saglit lang ay tinawag pa rin siya talaga ulit nito bago pa man siya makapasok sa kotse. "Ano pala ang pangalan mo?"
"I'm Sean. Sean Mark Labor. Ikaw?!"
"Crismafel Fogata!"
Natigilan siya nang banggitin ng babae ang pangalan nito, nagtaka kasi siya. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa at bumuka ang bibig niya. May nais siyang itanong pero huwag na lang.
"Nice meeting you, Crismafel. Bye!" paalam na niya ng tuluyan. Imposible kasi ang naisip niya.
•••
"Crismafel? Crisma? Parang iisa talaga." Nakabalik na si Sean sa Maynila galing Pampanga at ginugulo pa rin siya ng pangalan ng babaeng 'yon. Ang ipinagtataka niya ay kapangalan ito ng babaeng sinabi ng Tita Merced niya na ikinabaliw raw ni Erik kaya naglayas ang kaniyang kapatid.
Napahawak sa bibig niya ang isang kamay niya habang ang isa ay sa manibela. Nahulog ulit siya sa malalim na pag-iisip.
"Hindi kaya siya 'yong pinapahanap sa 'kin ni Tita Mered na dahilan ng paglalayas ni Erik?" sa isip-isip niya pa. "Pero imposible," subalit siya rin ang kumontra.
Pabalik-balik din sa isip niya ang sabi sa kaniya ng tiyahin sa cellphone nang tumawag ulit sa kaniya.
…"Si Crisma. Siya ang sinabi sa 'kin ng isang classmate ni Erik sa USC na posibleng dahilan bakit bigla na lang nawalang parang bula ang kapatid mo."
"Saan ko matatagpuan ang babaeng 'yon?" tanong niya.
"Sa Pampanga. Doon nakatira ang ita na babae na iyon pero hindi ko alam ang eksaktong address niya. Puntahan mo siya roon at baka nandoon din si—”
"Wait, Tita,” he cutted off, “Did you say that Crisma is an Ita?"
"Yes, Sean. Isang katutubong ita si Crisma na pinag-aral ni Miss Juliet Paja Mejia noon sa USC para tulungan. Ang masama ay nagkagusto yata ang kapatid mo sa babaeng 'yon."
His jaw literally dropped. He can't believe it. Si Erik? Magkakagusto sa isang ita? Parang imposible yata?...
Ipinilig ni Sean ang ulo matapos ang mabilis na ala-la. Hindi. Hindi si Crismafel na katutubong ita ang babaeng 'yon dahil napakaputi ng Crismafel na tinulongan niya kanina. Yes, medyo mababa ang height ng Crismafel pero hindi talaga siya ita kung titingnan. Maputi kasi ang babaeng 'yon at unat ang buhok.
Nawala lang siya sa malalim na pag-iisip nang mapansin niya ang isang babaeng naglalakad mag-isa sa gilid ng kalsada. Parang kilala niya.
Nalampasan na niya ito pero pinaatras niya ang kotse hanggang mapatapat ulit siya sa babaeng naglalakad. At napakunot-noo siya nang makumpirmang ito nga iyong babaeng luka-luka.
"Hay, nababaliw na ba talaga siya kaya parang tangang naglalakad itong mag-isa ngayon? Hindi man lang naisip na mapanganib ang maglakad ng nag-isa sa gabi? Lalo na't babae siya?” sa loob-loob niya.
Bababa na sana siya sa kotse para komprontahin o pagsabihan ito pero naisip niyang hindi siya puwedeng makita ng babae na may dalang kotse kaya naman naghanap muna siya ng mapag-parking-an bago sinundan ang dalaga sa paglalakad. Nakapamulsa ang dalawa niyang kamay at naiiling siya habang sinusundan niya ito.
"Hindi man lang makaramdam! Tss!" inis na bulong niya sa sarili nang malayo-layo na ang nalakad niya kakasunod dito. Kung masamang tao pala siya ay lagot na ang babaeng 'to sa kaniya.
Mayamaya ay umupo basta-basta ang dalaga sa gilid ng kalsada
Lalong nagsalubong naman ang dalawang kilay ni Sean. Wala talagang pakialam sa sarili. Ang dumi-dumi ng kalsada, eh.
Nang hindi siya makatiis ay padaskol niyang hinila ang isang kamay nito at sapilitang ipinatayo.
Gulat na gulat si Kirsten. Nanlaki ang mga mata niya sa pagsapilitang pagpapatayo sa kaniya ng sinumang taong nasa likod nito. Pero mas nagulat ang dalaga nang makita nitong si Sean pala.
"Ano'ng ginagawa mo sa gilid ng kalsada na ganitong oras? Gusto mong magpa-r**e? Sorry pero sa tingin ko walang papatol sa 'yo,” madilim ang mukhang singhal ni Sean sa dalaga.
Napalabi si Kirsten. "Pa'no ang tagal mo kasi. Kasalanan mo.”
He gasped. "Ano naman ang kinalaman ko sa paglalakad mong mag-isa rito?"
"Kanina pa kita inaantay sa labas ng bahay niyo pero an'tagal mo kaya heto naglakad-lakad muna ako.”
"'Di ba sinabi ko naman na sa 'yo huwag ka nang babalik sa bahay??”
"Oo na! Hindi na ako babalik do'n! Ever!" Iba na ang tono ni Kirsten. Galit na.
"Buti naman," maiksing sabi lang ni Sean kahit na medyo nagtaka.
Napabuntong-hininga ng malalim ang dalaga. "Talaga dahil kanina habang inaantay kita ay naisip ko na baka nga hindi ikaw ang prince charming ko!”
Sean's brows knitted. Seryoso pala talaga ang luka-lukang babaeng ito sa pinagsasabi noon na prince charming? What the hell?!
"Kasi naisip ko ang prince charming ay mabait, malambing at nagtatanggol. Kabaliktaran lahat 'yon sa 'yo, eh.”
"Mabuti naman.” Ang dapat ay magiginhawaan talaga si Sean subalit kabaliktaran niyon dahil naiinis naman siya.
"Oo. Isa pa, walang prince charming na himihingi ng kidney sa isang babae,” dahilan pa ni Kirsten.
"Hindi ko naman hinihingi ang kidney mo, ah?!" Lumakas ulit ang boses ni Sean. Ibang klaseng babae talaga ang kausap. Seryoso nga talaga sa kidney.
Nang may mapansin siya.
"Kahit na!" pairap na wika ni Kirsten. Hinalukipkipan siya nito ng mataas. Kala mo kung sinong mataray. “Huwag kang mag-alala hindi na ako mangungulit sa 'yo!"
"Lumapit ka rito,” nang-uutos na sabi niya rito. Hindi niya pinansin ang sinasabit nito dahil may nakita siya sa likod nito.
"Ayoko!" subalit bulyaw ng dalaga. "Ngayong ayaw na kitang maging prince charming ay saka ka maghahabol? Manigas ka!”
"I said lumapit ka sa 'kin! Bi. Li. San. Mo!" napakadiing sabi pa rin niya.
Napamaang si Kirsten dahil napansin nitong may masamang tinitingnan si Sean sa likod nito. Nakaramdam na ng panganib ang dalaga.
"Halika na!Dali!” Inilahad ni Sean ang isang kamay niya sa dalaga kasabay ng pasimpleng pagsensyas niya na huwag itong lilingon sa likuran nito.
"Rayot na naman ba ito?” nababahalang ani sa isipan ni Kirsten. Dahan-dahan nitong inabot ang kamay ni Sean. Nag-umpisa na itong manginig sa takot.
"'Pag sinabi kong—" sasabihin sana ni Sean.
"Takbo na!" Subalit inunahan na ito ni Kirsten. Ito na ang humila sa binata. Napatakbo tuloy na wala sa oras na rin si Sean.
"Hoy! Bumalik kayo rito!” Habol sa kanila nina Boy Tigas na palapit palang sana sa kinaroroonan nila. Sila ang nakita ni Sean. Ang mga asungot!.