PART 5

1621 Words
"Kirsten Mae Bajala?! Nasa'n kang bruha ka?!" tanong agad sa kaniya ni Joy nang sinagot niya ang tawag. Galit na ang kaniyang pinsan dahil kinumpleto na nito ang kaniyang pangalan. "Dito sa prince charming ko, insan," gayunman ay kilig niyang sagot. Binalewala niya ang galit nito. Kasalukuyang nakaupo at titig na titig kasi siya sa may tapat ni Sean. Nasa gitna nila ang round table na pinagto-Tong-Its-an ng tatlong binata. "Sige na maya ka na lang tumawag. Busy ako. Bye." Makikitang pigil ang ngiti at tawa nina Gani, Romeo at Teddy. Iniiripan kasi ang mga ito ni Sean. "Oh, Tong Its na ako,” mayamaya ay wika ni Sean sabay baba sa lahat ng baraha na hawak nito. "Ay, ang galing! Ang galing-galing mo naman!" Nagpapapalakpak si Kirsten. Tuwang-tuwa siya na akala mo'y nanalo sa olympics ang binata kung maka-proud. Gusto ulit magtatawa ang tatlong tauhan ni Sean. Sa tingin kasi nila ay may sayad ang dalaga, nabuang sa bosing nila. "Mukhang malakas ang tama sa 'yo, bossing," natatawang bulong ni Romeo kay Sean. Napabuntong-hininga si Sean at napangiwi. "Malakas ang tama sa ulo siguro. Nababaliw na yata o baka takas sa mental. Luka-luka, eh," bulong na wika rin nito at tumayo na. "Maliligo lang ako," at anito upang makaiwas sa bababeng galing nga yata sa mental. "Ingat ka, baka madulas ka!" pahabol na kaway ni Kirsten dito. Sa puntong iyon ay inilabas na nina Romeo, Teddy at Gani ang malulutong nilang tawa. Pinagtawanan nila si Kirsten. "Ano'ng nakakatawa?!" subalit pagtataray ni Kirsten sa kanila. “Madulas naman talaga ang banyo, ah? Concern lang ako kay Sean.” Napahiya ang tatlong binata kaya kunwa'y nagsiubuan ang mga ito. Natahimik sila at itinuloy ang pagto-Tong Its habang wala si Sean. Kikibot-kibot ang mga labi ni Kirsten na inabala muna ang sarili sa pagtingin-tingin sa buong kabahayan. Well, halatang bahay talaga ito ng mga kalalakihan dahil parang sinabugan ng granada ang mga gamit na nagkalat kung saan-saan. "Ano'ng trabaho niyo?" tanong niya dahil na-amaze siya sa mga nakita niyang larawan na nakadikit sa mga dingding. Mga larawan ng grupo na may mga hawak na baril. Pero 'yong iba naman ay mga larawan na nagkakasiyahan sa inuman. Nagkatinginan ang tatlo. Walang gustong sumagot. "Mga sindikato kami. Nagbebenta ng laman loob ng tao. Bakit mo natanong?" Si Sean ang sumagot. Galing sa isang silid ang binata at may nakasampay nang tuwalya sa may kanang balikat. "Weh? 'Di nga?!" Bigla natakot si Kirsten. Napaurong ng isang hakbang. Gusto ulit magtatawa sina Gani, Teddy at Romeo. Ngumisi si Sean pagkuwa'y lumapit sa dalaga, as in malapit na malapit. Napaurong pa si Kirsten hanggang sa nasandal na siya sa pader. "Oo nga. Kaya kung ayaw mong maibenta ang mga laman loob mo. You'd better go before it's too late,” may pagbabanta pang wika ni Sean. Napalunok si Kirsten at napangiwi. Nakaramdam na talaga siya ng matinding takot. Woah! Parang monster na si Sean! "Maligo na ako," mayamaya ay seryosong talikod ulit ni Sean. Naiwang tuliro si Kirsten. Sa isip-isip niya ay totoo kaya 'yon? Pinasadahan niya ng tingin ang tatlong nagto-Tong Its. Parang walang mga pakialam sa mundo lang. Sabagay mukha nga silang mga sindikato talaga. "Totoo ba 'yon? Nagbebenta kayo ng mga laman-loob ng tao?" Bagaman alanganin nang naroon siya sa lugar na iyon ay kinalabit niya si Teddy nang umupo ulit siya sa kinauupuan kanina. Ngumisi sa kaniya si Teddy. "Oo, totoo 'yon kaya kung ako sa 'yo habang mabait pa sa 'yo si bosing namin, eh, umalis ka na,” tapos ay pananakot sa kaniya. Humalukipkip siya. "Ayoko nga,” saka mahaba ang ngusong sagot niya. Napamaang ang tatlong binata. Akala kasi nila ay matatakot ang dalaga, pero hindi pala. "Hindi ka natatakot?” takang tanong ni Romeo. Umiling siya. Kamot-ulo sa kaniya ang tatlo. Nawirduhan na talaga sa kaniya. Nag-isip naman siya. Saglit lamang ay napatayo siya. "Alam ko na. Ido-donate ko na lang sa inyo ang isang kidney ko. Okay ba 'yon? Okay ba 'yon kay Sean?!" saka maliksi niyang sabi nang makaisip siya ng paraan. Ang dahilan niya, hindi bale nang mawalan siya ng isang kidney huwag lang ang pag-asa niyang magka-boyfriend. Oh, 'di ba? Ang genius niya! Literal na nalaglag tuloy ang mga panga ng tatlong lalaki sa tinuran niyang iyon. Por dyos por santo! Tama nga yata si Bosing nila! Takas nga yata sa mental ang babaeng 'to! ••• "WALA na ba ang luka-luka na babaeng 'yon?" seryosong tanong ni Sean na hindi tumitingin sa taong pumasok sa silid niya. Abala siya sa paglalagay ng belt sa pantalon niya. He finished bathing. "Sino? Ako? Ako ang luka-luka?" tanong ng pumasok na tinuro pa ang sarili. Gulat na gulat tuloy si Sean na nilingon ang nagsalitang babae. He almost jumped when he saw the crazy girl behind him. Ang ganda pa talaga ng pagkakangiti sa kaniya ng babaeng luka-luka. "What the hell you're doing here?!" hindi mailarawan ang mukha na sita niya rito nang makahuma siya. Mabilis niyang kinuha ang tuwalya at itinakip sa katawan. Hindi pa kasi siya nagti-T shirt. Nailang siya kahit sabihin niyang macho naman siya. Manipis ang kaniyang tiyan. May abs dahil mahilig siyang magpunta sa gym kapag walang ginagawa. Nga lang, hindi siya sanay na may babae sa kaniyang kuwarto. Humagikgik si Kirsten. "Nahiya ka pa. Nakita ko na, eh.” "Get out!" singhal niya rito. Napalabi ang babaeng luka-luka na iginala ang paningin sa silid kaysa ang sundin siya, at mukhang humanga ito. Siguro ay dahil kabaliktaran sa labas ang hitsura ng silid niya. Kung sa labas kasi ay magulo, sa kuwarto niya ay napakaayos at kumpleto gamit. Amaze ang hitsura ng babae na napatitig sa kaniya ang ibalik ang tingin sa kaniya. "What?!" angil niya. "Wala." "Then get out! Umuwi ka na!” "Oo na nga. Magpapaalam lang ako sa 'yo kaya pumasok ako rito.” "Hindi mo na kailangang magpaalam. Umalis ka kung gusto mong umalis.” "Kailangan kasi ikaw ang prince charming ko." "Anong prince charming? Nababaliw ka na ba talaga, huh?!" Humagikgik ulit ang babaeng luka-luka. “Nababaliw siguro sa iyo.” "Ewan ko sa iyo! Alis na!" "Sungit mo naman. Siguro meron ka, ano?" nagawa pa ring ibiro ng dalaga. Sa sobrang inis ni Sean ay siya na ang unang lumabas ng silid. "Oy, joke lang.” Sumunod agad sa kaniya ang babaeng luka-luka. Derideritso siya sa main door ng bahay. Nakasunod pa rin si Kirsten. Takang napatingin sa kanila ang mga tauhan niya na pigil na naman ang mga tawa. Padaskol na binuksan ni Sean ang pinto nang marating iyon. "Get out! Umuwi ka na!" "Nagmamadali ka?” pang-aasar pa sa kaniya ng babaeng luka-luka. Walang epekto ang pagsusungit niya. "I said get out!" Siya na tuloy ang tumulak palabas sa dalaga kundi ay siya ang mababaliw. Promise. "Oy, teka lang!" angal sana ni Kirsten pero mabilis niya nang naisara ang pinto. Hindi niya na ito binigyan ng pagkakataon. “Goodness!” Napabuga siya ng hangin na napasandal sa dahon ng pinto nang magwagi siya. Hitsurang hapung-hapo. "'Yan ang mahirap 'pag guwapo. Hinahabol ng chicks. Buti na lang hindi ako guwapo," nakatawang todyo ni Gani. Nagtawanan ang lahat. Pero mga natigil din nang pinasadahan niya ang mga ito ng masamang tingin. "Oy, Sean, buksan mo ang pinto!"Katok ng babaeng luka-luka sa labas. "Umalis ka na sabi! Go to hell!" gigil na gigil na talagang sigaw ni Sean sa dalaga. Kung lalaki lang 'to pinaputukan na niya ng shotgun. F*ck! "Nakahanap na yata ng katapat na babae si bossing," bulong ni Teddy kay Romeo. "Parang ganoon na nga," sang-ayon ni Romeo kay Teddy. Napapangiti na lang sila sa kulitan nina Sean at ng babaeng luka-luka. "Prince charming, buksan mo ang pinto muna please? May sasabihin lang ako,” pangungulit pa rin ni Kirsten. "No! Umalis ka na! Hindi ako ang prince charming mo! You're crazy!" Matagal na hindi sumagot ang babaeng luka-luka na nasa labas. Wala na yata at buti naman. Aalis na sana si Sean sa pinto nang magsalita ulit si Kirsten sa labas. "Sige, aalis na ako pero babalik ako bukas, okay? Alam mo kasi ay handa kong i-donate ang kidney ko sa ‘yo! Magpapaalam muna ako kay mama!" "Ghad! Nababaliw na talaga!" Sa narinig ay lalong a-stress si Sean. Malapit na ring mabaliw na nakulumos niya ang mukha. Malulutong na tawa ng kalalakihan ang umalingawngaw sa buong kabahayan. "What's funny, assholes?!" ngunit dahil singhal niya sa mga ito kaya mga nagtigil ulit. Malalaki ang hakbang niyang lumayo na talaga sa pinto. "Alis na ako at huwag kang mag-alala dahil papayag siguro si Mama na ibigay ko sa 'yo ang kidney ko!" muling salita ni Kirsten sa labas na umabot pa rin sa pandinig niya. Muling nagtawanan ang tatlong tauhan niya. Siya naman ay hindi makapaniwalang lumingon sa pinto. "Sira ulo!" at malakas na malakas na bulyaw niya. Papasok na sana siya sa silid niya pero natigilan siya sa parinig ni Gani. "Baka pag-trip-an na naman 'yon ng mga kalaban sa labas, bossing?" Natigilan siya, napamaywang at napabuga ng hangin. At ano naman ngayon? Kinonsensya pa siya! Tama na ang isang pagliligtas niya rito for Pete's sake! "Bossing, sundan ko,” pagpapaalam ni Teddy. Kagat-labing napapapikit siya na lumingon sa mga kasamahan. Nakakahalata na siya, ah! Parang tuwang-tuwa ang mga ito sa babaeng luka-luka na 'yon, ah? "Bossing, delikado na siya sa labas kasi nakilala siya ni Boy Tigas na syota mo," sabi naman ni Romeo. Hay! Ano bang pakialam niya sa babaeng 'yon? Pero tama sila, delikado nga baka makita ulit nina Boy Tigas ang babaeng 'yon kargo de konsensiya pa niya. "Sige sundan mo,” mayamaya ay pabuntong-hininga niyang utos kay Teddy. Hindi rin siya nakatiis.. Agad kumaripas ng labas si Teddy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD