PANAY ang selfie nila ng ama makikita sa mukha nila ang saya. Once lang silang nakapag suot ng ganito ka bongga at gwapo din naman ang kaniyang ama. Nagmukha nga itong celebrity sa suot nito. “Papa ko, para ka na pong artista, lalo kang naging gwapo sa suot mong tuxedo.” “Binobola mo ako anak, alam ko na ako ang pinaka gwapong lalaki sa paningin dahil anak kita.” Nakangiting pahayag ng ama. “Pero ako ang nag-iisang hot and handsome husband.” Lumingon sila pareho ng marinig ang boses ni Chairman ML. Nakangiti ito sa kanilang dalawa at tama ito. Ang hot niyo sa suot na coat and tie, lalo at loose tie ang pagkakalagay ng necktie. Naka bukas ang dalawang butones ng long sleeve black inner na pinatungan ng white coat. “Chairman, halika pumasok ka.” Paanyaya ng ama dito saka iginiya papasok