BAKIT pag lalaki ang laging nakasigaw o nakasinghal parang hindi big deal. Pero kung babae ang gagawa ng ganun sasabihin agad nagger. At parang walang karapatan na mag desisyon. Lalo pa at mayaman ang lalaki kahit nakagawa ng p*******t parang ayos pa rin. Kagaya na lang ng ginawa ni Marco Luther, sa kaniya. “Anak, malalim na naman ang iniisip mo?” agaw atensyon ng ama sa mga iniisip niya. “Wala po ito papa, gusto ko lang talaga tumuloy sa Thailand.” Wika niya sa ama. “Tatanungin kita kaya mo nga ba talaga hiwalayan ang asawa mo?” “Nasabi ko naman po sa inyo ang lahat. Kung ano ang naging buhay ko sa kaniya sa loob ng tatlong taon,” “Alam ko yon anak, ang tinatanong ko kaya mo ba talaga tapusin ang ugnayan nyong dalawa? Baka mamaya pag pinirmahan na niya ang annulment papers. Saka ka n