CHAPTER- 118

1817 Words

MAHIRAP pa rin sa kaniya ang kumilos kahit ilang araw na siyang nakalabas ng ospital. At kailangan na talaga niyang umuwi ng bahay. Dahil nangako siya sa kaniyang papa na uuwi ng weekend. “Hindi ka pa pwedeng umuwi sa inyo. Kung ayaw mong malaman ng papa mo ang totoong kalagayan mo.” “Nangako ako kay papa na uuwi this weekend. At alam ko hindi na siya makatulog sa gabi nag-alaala sa akin. Kaya sana maintindihan mo po chairman. Pangako babalik ako sa lunes upang mag-duty.” “Hindi mo pa nga kaya ang katawan mo paano kung may biglang umatake sayo?” Hindi siya sumagot dahil alam niya umiiral na naman ang katigasan ng kaniyang ulo. Pero naisip niya din na posibleng mangyari sa kaniya ang sinabi ng chairman. At pag nagkatotoo yon sigurado mamamatay na siya baka madamay pa ang kaniyang ama.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD