bc

Black Eagle VI: Savage: George Legrand

book_age18+
207
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
kicking
like
intro-logo
Blurb

She only have one mission in life, iyun ay ang kunin ang hustisyang ipinagkait sa pamilya ng mga biktang naulila sa isnag m******e na nangyari labing-tatlong taon na ang nakaraan....

He was nothing but just a private mercenary

chap-preview
Free preview
Prologue
Zamboanga City, 2004  Puno ng siglang bumangon si Aaliyah mula sa kanyang kama. Ngayon niya isi-celebrate ang ikalabing-dalawang taong kaarawan. At ngayong araw rin uuwi ang mag-asawang Hakim. Her parents are a very busy couple as one of the members of an aristocratic family in Zamboanga City. Walang hindi nakakakilala sa ina dahil isa itong Franciso, the only daughter of the Spanish businessman in the city. Ang kanyang ama naman na galing sa political dynasty sa Sulu ay ipinagpatukoy ang political career sa probinsya ng mapangasawa si Reah Francisco. "Buenos dias, señorita. Ang aga mong nagising." Hanggang tenga ang ibinigay niyang ngiti sa institutriz na si Aura. "Buenos días, Aura. Today is my birthday. There is no reason for me to be unhappy." "Si. At ngayong araw rin uuwi ang mga magulang mo." Umismid siya. Hindi big deal ang sa tuwinang kawalan ng presensya ng magulang sa bahay dahil sa murang gulang ay namulat siyang wala ang mga ito. Her parents, instead of focusing on family business ay mas piniling maging abala sa pulitika. Kaya ayun ang ina ay laging nakabuntot sa ama sa mga events at meetings nito. "Ano ang plano mo senorita?" "I'm sure Mama and Papa had planned everything already. I am more excited about what I will receive." "Kuuh, ano pa ba ang hihilingin mo at lahat naman ay binibigay na hindi pa man sumasapit ang kaarawan mo." Singit ng kasambahay. Nagningning ang mata niya. Totoo ang sinabi ni Ising. She was pampered by all the luxury in the world, maliban sa isang bagay. Kalayaan. She wanted to study in Cebu. Lagi niyang naririnig ang kwento ni Irene, ang ate ng kaklase niya na nag-aaral doon. Though college na ito ngayon, pero natitiyak niya na walang kaibahan ang highschool at kolehiyo. "Sa tuwing birthday ko ay entitled akong humiling ng isang bagay na hindi nila pwedeng tanggihan." "At ano naman ang hihilingin mo aber?" Napabungisngis siya at napilitang sabihin rito ang plano. Nabura ang ngiti sa labi ng private tutor niya na si Aura. "Naku, tiyak ay hindi ka papayagan." Kantiyaw ni Ising. "And why not? Ano ba ang kaibahan ng nandun ako at nandito sila. We rarely see each other anyways. And Aura will go with me, right dear?" Hindi naituloy ang sagot ng tinanong sa paglapit ng isa sa mga katulong. "Senorita, narito po si Atty. Lagman." Nagkatinginan sila ni Aura. "He's too early-" hindi naituloy ang sasabihin sa paglitaw ng bisita mula kung saan. Ang tangkang pagsita sa paglapit nito ng walang pahintulot ay naputol nang matitigan ang anyo nito. He looked disturbed. At luha ba yung nakikita sa sulok ng mata nito? Pero sa batang gulang ay hindi binigyang puwang ang nakita. "My parents aren't here yet. And I am having my breakfast T-Tio Sammy." Nag-alis ng bara sa lalamunan ang matandang abogado. He's been the family lawyer for whoever knows. Family lawyer pa ng mga Francisco ang ama nito at napasa rito nang manahin ni Reah Francisco ang lahat ng yaman ng magulang. "I know it's too early senorita. Pero hindi makapaghihintay ang sasabihin ko." "Can't you wait for my parents?" Hindi niya gustong idagdag na masyado pa siyang bata sa kung anong nais nitong sabihin. Pero muling bumalik ang lambong sa mga mata nito. "Kailangan mong sumama sa akin." Pabagsak na ibinalik ang kubyertos sa plato. "Senorita, your manners." Tinignan niya ng masama ang katabi. "How dare him ruin my appetite, Aura. Tinuruan mo akong respetuhin ang hapag." Tumayo ito at siyang kumausap sa bisita. Sandaling nag-usap ang dalawa. At kitang-kita ni Aaliyah ang malakas na pagsinghap ng tagapagturo. Lumingon sa kanya at nag-umpisang mamoo ang luha sa mata. "What is it?" Walang emosyong tanong. "S-Sa tingin ko ay kailangan mong sumama kay A-Atty Lagman. Madre dio!It isn't true." "What is happening Aura! And why are you crying?" Ang galit na tinig ay biglang pumiyok nang tuluyan itong humagulgol. "Senorita, you have to go with me. It's urgent!" Kahit anong galit ay hindi ininda ng matandang abogado. Hindi ito nagbigay ng kahit na anong impormasyon hanggang sa mabitbit si Alliyah sa nais pagdalhan. "Madre dio, Aura. You are giving me a creep!" Hindi napigilang komento ni Alliyah. Napapagitnaan ito ng abogado at ng institutriz. "Stop it!" Pero imbes na huminto ay nagpatuloy ito sa pag-iyak. Magda-dalawang oras na nang muling siyang magtanong sa abogado. Hindi ito sumagot. Saktong pumailanlang ang flash report sa radyo na ikinatahimik ng lahat. Isang kalagim-lagim na massacre ang nangyari sa isang maliit na sitio sa Pagadian kagabi. Hindi maintindihan ng dalagitang si Aaliyah kung bakit natuon doon ang atensyon gayung hindi naman siya mahilig makinig sa balita. Ilan sa mga kilalang pamilya sa Zamboanga City ang nasangkot sa naturang engkwentro. Kasalakuyang hinuhukay ang mga labi upang kumpirmahin ang mga katauhan ng mga ito... "That's so morbid!" Wala sa sariling komento. Lalong lumakas ang paghikbi ng katabi. "Deja de llorar, you are starting to annoy me!" Complain niya. Isang mahinang pagtikhim naman ang ginawa ng abogado. At sa pagtataka niya ay inalis nito ang salamin at umaktong tila nagpupunas ng gilid ng mata. "W-Where are we going T-Tio S-Sammy?" She stammered as she saw the sign along the highway. Going to Pagadian... "Mas tarde, senorita." "I-Is it about that news? A-Are we going to P-Pagadian? I-Is it about my parents?" Nilingon niya si Aura at hinahanap ang cellular phone mula dito. Sa tuwina ay doon siya kinokontak ng magulang. "D-Did my mom called? Ask them where they are!" She started panicking. "Aaliyah, hija!" "No! Dimelo, ahora!" Matinis niyang sigaw. "Mantener la calma. Sasabihin ko sayo ang gusto mo. But you have to prepare yourself..." sandali idenetalye ng abogado ang pagpaparoon ng ganun kaaga. "N-No! Que horror! That is not true!" Parang unti-unting nangingupupos ang manipis niyang katawan at napatitig sa radyo. Ang katabing si Aura ay lalong lumakas ang pagpalahaw. "Stop it Aura. It is not true! Is this a joke? T-Today is my birthday! Tio!" Nagsimulang uminit ang magkabilang-tenga. "I don't know how to tell you. Lo siento, hija. I don't know how to tell you." "No! Ya está bien de mentiras. Cortala!" Wala na siyang pakialam kung nagiging bastos na siya. This is the worst joke that someone can ever pull on her. Sa buong byahe ay nanatiling tulala si Aaliyah. Kahit anong tanong ng mga katabi ay walang sagot pagkatapos ng isiniwalat ng abogado. This is just a dream! This is just a dream. Paulit-ulit na sigaw ng isipan ng dalagita. Halos mag-breakdown ng marating ang naturang lugar kung saan dinala at inambush ang mga sasakyan ng mga na-massacre sa naturang lugar. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng panginginig ng katawan si Aaliyah. Maraming tao ang nadatnan sa maburol na parte ng maliit na sitio sa labas ng Pagadian City. It must be a mistake! Paano makakasama ng ama ang naturang pulitiko gayung hindi nito kahanay ang vice governor ng Zamboanga del Norte. Medias are everywhere too. Kasama sa ilang nasawi ay myembro ng media na nais lang i-cover ang pag-file sana ng certificate of candidacy ng nabanggit na pulitiko sa pagtakbo nito bilang gobernador. Kasaluluyang hinuhukay ang katawan ng mga nasawi gayundin ang ilang mga sasakyang tinabunan ng lupa upang itago sana ang krimen. "No, por favor!" Hindi niya kayang tignan ang naturang eksena. She was born in Zamboanga City where crimes happen almost everywhere in the outskirts. Pero hindi niya kailanman inakalang masasaksihan ang ganuong kalagim-lagim na pangyayari at lalong malamang involved ang mga magulang. "T-Tio?" Luhaan ang matang nilingon ang family Atty. "I-It can't be!" Humagod ng kamay nito sa likuran pero wala siyang anumang simapatyang maramdaman. "N-No!" "Nasa listahan ng sumama ang magulang mo. They were only invited in a dinner event. At nakita ang sasakyan nilang kasama sa convoy kahapon." "B-But they have not found their body. They're probably wrong. I should go home. Baka pauwi na sina Mama at Papa!" Tatalikod na sana nang mula sa hinuhukay ay lumitaw ang pamilyar na sasakyan. "I-It can't be!" Naitulos siya, kasabay ng malakas na pagpalahaw ng katabing si Aura. Awtomatikong humakbang ang paa at hindi alintana ang inilagay na harang ng mga pulis. She wanted to make sure! She has to know. She has to confirm if it was her parent's car. "Senorita!" "Hija, hindi ka pwedeng lumapit!" Halos magkasabay na sigaw ng mga katabi pero hindi pinansin yun. She was almost near the site when someone grabbed her. "Hindi ka pwede dito." "Get off me! I-I have to see my parents." Nagpupumiglas siya. Pero dahil maliit ang katawan ay nahila siya pabalik. "No! Madre dio! It can't be. Mama! P-Papa!" Pinaghalong luha at sipon ang nasa mukha habang unti-unting inaangat ang sasakyan ng magulang. "N-No!" Isang kagimbal-gimbal na tanawin ang nasaksihan na siyang tuluyang nagpawala ng kamalayan. Ang ina at ama na naka-seatbelt pa sa loob ng sasakyan at parehong wala ng buhay...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook