George I: Agent, Come home

2218 Words
MANILA, PHILIPPINES. 2017  Mula sa pagkakahiga sa kama ay umahon si Rin at agad dinampot ang remote control upang buhayin ang telebisyon. Hindi siya pwedeng magpahuli sa balita. Gusto niyang maging updated sa kasong isinampa ng magkakapatid na Legrand kay Rodrigo Alvarez. Mahirap na, sa sobrang dami pa naman ng mga galamay ng matanda at sa dami ng koneksyon nito ay baka malusutan pa sila. Hanggang sa kasalukuyan ay nakatutok pa rin siya sa naturang assignment kahit hindi na siya nagpapakita sa mga miyembro ng Black Eagles. Napapalabas lang siya kapag kinakailangan at tanging si Rick ang kinokontak. Ang mga Legrand ang tatapos ng trabaho dahil hindi siya pwedeng lumantad sa publiko. Ang totoo ay buryong-buryo na siya. Mula nang mangayri ang engkwentro sa hotel ay iniwasan niyang lumabas sa inuupahang kwarto. May nakakita sa mukha niya na hotel staff at ginagawa kaya kailangan niyang mag-lie low. Naglakad siya palapit sa ref at kumuha ng tubig. Mamaya ay balak niyang pumuslit upang makiramdam sa paligid. Masakit na rin kasi ang katawan sa walang katapusang paghiga. Nabitin ang gagawin pag-inom ng pumailanlang ang flash report sa screen. Agad bumungad ang mukha ni Rodrigo Alvarez. "You really can't judge the book by its cover." Nakaismid na komento at naupo sa sofa ng nakaangkala ang isang paa sa armrest. "Kung sana ay hindi ka nagpabibo noon at nagpakitang-tao, di hindi mo sana daranasin ang kahihiyan na yan ngayon." Puno ng galak na pinanood ang paglalakad ng matandang Alvarez palabas ng mansyon nito. Sa magkabilang-gilid ay may escort na pulis at naka-posas ang mga kamay. Isang hindi inaasahang komprontasyon ang nangyari na aksidenteng nakunan ng camera. Ang panunumbat ni Don sa magkakapatid na Legrand na naroon upang saksihan ang pag-aresto rito. Rick answered him back with full of hate, pero halatang nagpipigil. "You are too obvious, Rick. Pag-ingitan mong huwag ma-involve ang relasyon ninyo ni Ellis. Kung hindi ay baka hindi mo magawang tapusin ang trabaho." Isa pa yun sa mga rason kung bakit hindi siya makaalis. Kinakabahan siyang baka sa bandang huli ay mas manaig ang damdamin ng isa sa mga Legrand. Kailangan niyang mag-standby. Kung sakali ay handa siyang tapusin ang trabaho. Tunog ng cellphone ang biglang nagpaalis ng atensyon sa pinapanood. Mensahe yun galing sa base. AGENT, COME HOME. "What! At narito ako at pinangangatawanan ang bilin sa aking huwag alisan ng tingin ang target. Well, mukhang tuluyan ko ng buburahin ang kasong ito sa sistema ko." Sabay ingos. Pilit iniignora ang mga alaalang pilit sumisiksik habang kasama ang mga miyembro ng Black Eagles. Sa lahat ng assignment na natoka sa kanya ay tanging yun ang masasabing kaiba sa dating nakagawian. Sa unang pagkakataon kasi ay may mga nakasama siya. At aminin man niya o hindi ay may kakaibang excitement siyang naramdaman sa kaibuturan ng puso. Something she had never felt before. Na kinayang baguhin ng ibang tao ang opinyon. She was very much willing to kill Rodrigo Alvarez in her own hands. Ang pagkapoot para rito nang malaman kung paano ito naging connected sa sariling pagkatao. But the Legrands changed her mind. Gusto pa nga niyang isipin na nagkaroon ng kaunting soft pot ang puso niya sa sandaling pananatili sa Quezon Province. Pinilig ang ulo at inalis ang nasa isip. "You are trained to perform dirty missions. Wala ka dapat maramdamang kahit na ano sa trabaho o sa naging mga kasama mo. Hindi ka tulad ng mga babaeng nakadaupang palad mo nitong mga nakaraan." Sandaling pumasok sa isip si Shinna nang gawin nila ang isang interview. Na sa kabila ng mga ginawang masama ni Rodrigo Alvarez dito ay nanatiling napakabuti ng puso. She remained sweet and fragile. Si Ellis. Na handang talikuran ang lahat masunod lang ang itinibok ng puso. Si Lana na hanggang sa pagdadalaga ay nanatiling puro at inosente. Yun ay dahil hindi nila naranasan ang mga pinagdaanan mo. Hindi mo pwedeng ikumpara ang sarili mo sa kahit na sino! "Kaya kalimutan mo ang tungkol sa kanilang lahat!" Bulong niya sa sarili. Pero kahit anong pilit sa sariling ignorahin ang mga naging kasama ay nagawa pa rin niyang kitain ang isa sa mga Legrand. "Anong ginagawa mo dito?" Nakasimangot na bungad ni George na kapapasok lang sa bahay ni Rick. "Hindi ko alam na bahay mo rin ito. Si Rick ang ipinunta ko rito." Balik-pagtataray ni Rin. And here she thought they're okay since they worked together during the party. Ito ang ka-partner niya nun at kahit papano ay naging maganda ang pakikitungo nila sa isat-isa. Sa katunayan ay nais sana niyang magpaalam rin dito. Napigil ang pagsagot ni George sa paglabas ni Rick mula sa kusina. "O George, akala ko ba ay may lakad ka?" Si George ay prenteng naglakad papunta sa sofa at walang paalam na naupo paharap sa bisita. "Tinamad ako bigla." "At sinipag kang pumunta dito?" "Mas malapit ito sa condo. At isa sa mga araw na ito ay hahanap rin ako ng ganito. Hindi komportable ang umuwi doon." "Paanong komportable ka dito gayung parehong bagong lipat lang tayo. At wala pa akong gamit." Sagot ni Rick sabay abot ng in-can na soda sa bisita. Nagkibit-balikat ang tinanong. Kaya napilitan si Rick na harapin si Rin. "Mabalik tayo sa pinag-uusapan natin. Sa tingin ko ay magiging maayos naman ang magiging takbo ng kaso. Marami tayong hawak na ebidensya. Kahit anong tanggi o paghabi ng kwento ang gawin ng side nila ay natitiyak kong wala ng lusot si Don. Pwede mong ipagkatiwala sa amin ang mga mangyayari." "I just want to make sure before I leave. Kapag naumpisahan ko ang bagong assignment ko ay hindi ko na ito mahaharap pa. Gusto kong makasigurado na may mapupuntahan ang mga pinaghirapan ko." "You are leaving?" Sabay pang napalingon ang dalawa sa nagsalitang si George. "Kinontak na siya ng boss niya. Pinagre-report na siya sa kanila kaya siya narito." Sagot ni Rick. Nagsalubong ang kilay ni George at na-focus kay Rin ang atensyon. "Pagkatapos mong hindi magpakita ay may gana kang magpaalam ng ganito?" "I am not here to bid you my goodbye." Iritableng depensa ni Rin. "Gusto ko lang siguraduhin na tatapusin ninyo ang mga inumpisahan natin. Hindi ko kailangan lumantad sa publiko. Ang trabaho ko lang ay ang mangalap ng bahong pwedeng ibato kay Rodrigo Alvarez para mabulok siya sa kulungan. Na kung ako lang ang masusunod ay mas gusto kong patayin na lang siya. But you guys are right, may proseso ang lahat." "Ganun lang ba yun?" Umalsa ang galit niya dahil sa pagkayamot na nakikita sa mukha ni George. "Ano bang gusto mong marinig mula sa akin?" "Dapat ay kasama ka ring humaharap sa korte." "I can't do that!" "Bakit hanggang ngayon ay tinatago mo ang tungkol sayo? Sino ka ba? Sino ang nagpadala sayo." Hindi nakaimik si Rin at lihim na nakuyom ang kamao. Mula sa Zamboanga, sa Quezon Province at hanggang sa kasalukuyan ay yun na ang naging tanong ng binata sa kanya. At hindi siya makapaniwalang hanggang ngayon ay iki-kwestyon nito ang tungkol sa katauahan niya. Bago pa siya makasagot ay inunahan na siya ni Rick. "Hindi niya kailangang sagutin ang tanong mo George. Sinabi na niyang confidential ang tungkol sa pagkatao niya. Respetuhin natin yun." "I just came to say my final goodbye. At para na rin sabihin na ito na ang huling beses na makikipagkita ako sa kahit na sino sa inyo." Pasimpleng sinulyapan ng pailalim ang nasa kabilang panig. Hindi niya gustong makita ang reaksyon nito pero nako-curious siya. "Huwag mong alalahanin ang tungkol sa kaso," sagot ni Rick. "Titiyakin naming pagbabayaran ni Don ang lahat ng kasamaang gianwa niya." Doon ngumiti si Rin. "I don't usually give my trust to people, especially to stranger. Pero sa pagkakataong ito ay ipagkakatiwala ko ang napakahalagang bagay na ito sa inyo. Kailangan mong siguraduhin na mabubulok siya sa kulungan. He has to!" Sandaling nabuhay ang pagkapoot sa puso niya. She promised that she will not take this mission personally. Pero kapag naiisip ang mga kasamaang ginawa ng matandang Alvarez sa ibang tao at sa kanya mismo ay napupuno ng galit ang puso niya. "Or else, I might end up killing him." Nabuhay ang tensyon sa mukha ng dalawang kaharap. Maya-maya din lang ay nag-alis ng bara sa lalamunan si Rick at nagsalita. "Sanay hindi tayo dumating sa puntong yan. Hindi mo kailangan dungisan ang mga kamay mo para lang makuha ang gusto mong resulta." "You don't know me personally. Wala kang ideya kung anong mga ginawa ko na-" "Pero hindi ka masamang tao. Yan ang natitiyak ko." Napalunok siya. Gusto niyang i-take ang compliment na sinabi ni Rick. Pero sino ang niloko niya. "You have to prepare yourselves. Hindi madaling mapabagsak ang tulad ni Don Alvarez. Gagawa at gagawa siya ng paraan para hindi siya madiin sa lahat ng ipaparatang ninyo sa kanya." "Ipinapangako ko sayo." Puno ng determinasyon na pahayag ni Rick. "Makukuha natin ang katarungang gusto natin. At hindi mo kailangang mamaalam ng ganito. Sa ayaw at gusto mo ay may pinagsamahan na tayo. Pwede kang dumalaw para makibalita anumang oras." Tempting. Pero kahit ang naghihintay na gantimpalang pangako ni Madam D. kapag natapos ng maayos ang trabaho ay hindi pa rin niya pwedeng i-contact ang mga ito. Nakilala siya ng mga ito bilang si Rin. Kasabay ng pag-alis niya sa Wildflowers ay iiwan niya ang katauhang yun sa planong pagbabagong-buhay. Isang pilit na ngiti ang ipinaskil niya sa labi at tumayo na. "I will take my leave then." Ni hindi tiningnan ang nasa kabilang sofa at tumuloy sa pintuan. She will not see him again. Hindi niya kailangan alalahanin ang magiging opinyon nito. Ngunit bago pa siya makalabas ng gate ay sumunod si George. Nilingon niya ito. "Saan ang punta mo? Bakit kailangan mong magpaalam sa ganitong paraan?" "Anong kailangan mo, Mr. Legrand? Hindi ba't mas pabor sayo na hindi niyo na ako makikita. Wala kang tiwala sa akin noon pa man. Bakit ngayon ay kini-kwestyon mo pati ang pag-alis ko." Sandali itong napipilan. Nagpatuloy si Rin. "Kinailangan kong magpaalam ng ganito dahil gusto kong siguraduhing matatapos ninyo ng maayos ang naumpisahan natin. Yun lang yun." "Bakit kay Rick?" "Dahil siya ang unang taong nagtiwala sa kakayahan ko." Walang kagatol-gatol na sagot. "Noong una ay kinundina ko ang tungkol doon. He shouldn't be trusting. Pero sa paglipas ng mga araw ay nalaman ko ang rason niya." "Ginawa ko ang pagku-kwestyon sa katauhan mo para protektahan kaming magkakapatid. Sa parteng iyon ay mas lamang ako kay Rick." "Hindi ko kailangan purihin ka sa ginawa mo Mr. Legrand. Pareho nating hindi gusto ang presensya ng isa't isa. Ang minsang pagkakasundo natin dahil nagkasama tayo sa isang trabaho ay hindi nangangahulugan ng pagbura ko sa mga alaala kung paano mo pagdudahan ang pagkatao ko." Mapait siyang ngumiti. Pilit dini-deny ng isip na apektado siya sa confrontation nila. "You 're right not to trust me. Nagkataong pareho tayo ng layunin, pero kung sakaling nasa magkabilang panig tayo ay ni hindi ako magdadalawang-isip na sagasaan kayo." Nagsigawan ang mga muscle sa mukha nito. "Kaya ba bigla ka nalang nawala na parang bula nang gabing yun? Pagkatapos ay magpapakita ka na parang gusto mo magpaalam ng maayos. Alam mong on-going ang kaso." "Ipinaliwanag ko na kay Rick ang tungkol diyan. At hindi ko utang na ipaliwanag sayo kung ano man ang naging aksyon ko. This is my last goodbye to you Mr. Legrand." Sandaling pinagsawa ni Rin ang mata sa gwapong mukha ng binata. Nang gabing magka-team up sila ay nagkaroon siya ng kaunting pagkakataon para kilalanin ito. Sandaling ipinasilip ng binata ang ibang side nito. There, in that small space where the only person is the two of them, she found out something. At may isang bagay ang pumukaw sa interes. Talaga namang napaka-hot nito. His seriousness suits him well. Nagbibigay ng aura ng pagiging misteryoso. And how she loves his color. Kaiba sa mga kapatid ay kulay krema ang kutis nito. "Are you really leaving?" Nagulat siya sa tono ng tanong nito. "This might be the last time you're going to see me. Like I said, the moment na tanggapin ko ang susunod kong assignment ay hindi na ako pwedeng mangialam pa sa kasong ito." Tumango ito. Sa pagkakataong yun ay isang ngiti ang pinakawalan niya para rito. "That night, you really did well. Pareho nating hindi gustong maging mag-partner nun, per naging maganda ang resulta. It was really nice working with you." Siya ang nagkusang maglahad ng kamay. For the very last time, gusto niyang maging okay sila nito. "It was nice working with you, George Legrand." Matagal nitong tinitigan ang kamay niya. Pagkatapos ay bumalik sa mukha niya. "At least accept my handshake, handsome. Kahit ang mga kasamahan mo sa grupo ay pinuri ang trabaho nating dalawa. Kahit sa huling pagkakataon man lang ba ay hindi mo ako pagbibigyan?" Itinaas pa niya lalo ang palad upang tanggapin nito yun. Sa wakas ay gumuhit sa labi ni George. "Tama ka. At bilang pasasalamat sa lahat ng tulong mo ay dapat kitang pasalamatan. Pero hindi ako kailanman nakipag-kamay sa isang babae. May ibang paraan ako para diyan." At bago pa makahuma si Rin ay inisang hakbang ni George ang pagitan nila. Inilagay sa bewang niya ang isang palad at hinapit siya palapit. Sa isang iglap ay nahanap ang sariling nasa mga bisig nito at tuluyang sinakop ang labi niya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD