NAKATINGIN si Lily sa sariling repleksiyon sa salamin. Blangko ang kanyang mukha. Pinipilit niya maging manhid. Tuluyan na siyang kinuha at pinatira ni Conrad sa mansyon nito, total daw ay malapit na silang ikasal. Balak na lang niyang pa-rentahan ang Condo na binili nito sa kanya dahil sayang naman kung walang titira. Nakasuot siya ng black sexy nighties na lumagpas lang ng kaunti sa kanyang hita. Basa pa ang kanyang buhok dahil bagong ligo siya. Anumang oras ay papasok sa sa silid na iyon si Conrad. Hinanda na niya ang sarili sa sitwasyong kinasuungan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggal sa utak niya ang paghaharap nila ni Colt sa party na hinanda ni Conrad. Hindi pa rin siya makapaniwala na magiging stepmother siya nito. Mababakas sa mukha nito ang matinding galit at hindi niy