“COME, ipapakilala kita sa nag-iisa kong anak,” Halos nabati na nila ang lahat ng bisita sa party na iyon maliban sa grupo nina Colt. Ibig sabihin isa sa mga ito ang anak ni Conrad Ventura. Bigla siyang nanlamig. Ngayon lang niya naalala na Ventura rin ang apelyido ni Colt. Hindi kaya ito ang tinutukoy na anak ni Conrad? No! Baka mali rin sapantaha dahil sa pagkakaalam niya ay ganoon din ang apelyido ng mga pinsan nito. Napakantanga niya na hindi man lang naisip na maaring related ang mga ito kay Conrad Ventura. Bakit nawaglit sa utak niya ang napakahalagang bagay na iyon? Bakit hindi niya muna inalam? Hindi niya alam kung nararamdaman ni Conrad Ventura ang panlalamig ng kamay niyang naka-abresiete sa braso nito. Naging mabuway siya sa paglakad. Hindi nga niya alam kung paano niya nagaw