"KAPAG ako ang mamatay dahil sa kagagawan ninyong magkakapatid ay ako mismo ang mumulto sa inyo! Hah! Kung wala lang sana sa pagamutan ang Kuya ninyo at hindi si Oliver Lewis ang umeksamin ay aakalain kong kasali sa kalokohan ninyong dalawa!" Nakapamaywang na wika ni Magdalene sa kambal na inakalang nasa pagamutan kung saan nila dinala ang baklitang anak. Kaso! "Adults na tayong lahat kaya't hindi ko na idudugtong ang madalas naming itawag sa inyo noong malilit pa kami na Gurang. Pero pasensiya na po kayong dalawa, Ate Dalene at Kuya Vanni. Dahil tinulungan po namin sila upang maisagawa ang kanilang plano. About Marc Terrence? Totoo po na may problema sa tiyan niya ngunit kagaya nang pahayag ni Johnson Kurt kahapon ay makukuha pa po sa gamot." Kakamot-kamot sa ulo na paliwanag ni Ol