"KUMUSTA na raw ang Kuya ninyo?" may pag-aalalang tanong ni Jovanni sa kambal na anak. Nasa pagamutan sila sa oras na iyon. Dahil na rin sa binabae nilang anak. Ayon sa mga ito ay bigla lamang itong nagsusuka ng dugo. Kung hindi pa raw naagapan ng militar na anak ay baka natumba ito ng tuluyan. "Wala pang resulta, Tatay. Maari ko naman po sanang isagawa ang pagsusuri kaso limited ang equipment sa bahay. Ibang usapan po kasi kapag dugo," maagap na paliwanag ni Johnson Kurt. "Nawala tuloy ang excitement kong ibalita ang good news dahil sa nangyari. Pero doktor ka, twin brother. Baka naman may hints ka riyan sa nangyari kay Ate MT." Pagitna ni Jansen kaso siniko naman ng tinanong. "Tsk! Nakiuso ka kay Ate marina. Aba'y para sa kanilang dalawa lang iyon," wika pa nito. Tuloy! Kahit nasa