"AKALA ko ba ay engrandeng reunion ang party mga anak? Aba'y...Hah! Alam ko na! Pinagkaisahan n'yo kami ng Nanay ninyo!" malakas na sabi ni Jovanni. "Huwag ka ng magalit, Papa. Eh, gusto nga po naming handugan kayo ng party na hindi kayo lalabas ng Baguio. Ito na po iyon. Smile na po." Kaagad na umakbay si Marc Terrence sa amang salubong ang kilay at napasigaw kahit nasa 'engrandeng reunion' sila. "Anak, nasabi na namin ng Papa mo na waste of time lang ang ganito. Maari naman tayong mag-celebrate ng kahit ano'ng party in a simplest way. Kahit hindi ninyo sabihin ay malaking pera ang nagastos ninyong magkakapatid." Pagitna na rin ni Magdalene. Nagulat siya oo. Dahil tiwalang-tiwala naman silang mag-asawa na engrandeng reunion talaga ang magaganap sa araw na iyon. Subalit may humarang sa