"ANO na naman ang binabalak ninyong magkakapatid? Huwag n'yong sabihing tumulad kayo sa mga pinsan ninyo kay Kuya Aries Dale? Tsk! Tsk! Magsilayas kayong lima sa harapan ko kung iyon ang binabalak n'yo!" ismid ni Jovanni sa mga anak. Kaso ang apat niyang manugang ang napahagikhik. "Hanep si Tatay. Paano kami lalayas kung si Nanay ang nakaharang," nakatawang pahayag ng manugang nila sa panganay na kaagad ding sinundan ng military officer. "Kahit palayasin ninyo kaming lahat, 'Tay. Babalik at babalik kami upang kumbinsihin kayo ni Nanay. Pero kung ayaw po ninyong mag-out of the country, baka naman maaring inside na lang. Sani nga po ni Jose Rizal ay tangkilikin ang sariling atin." Bakas sa mukha nito ang kasiyahan. "Ay, bet ko iyan, Sis! Wow! Oo nga naman. Huwag ng palabasin ng bansa per