"LIMANG taon na ang nakalipas, anak. Wala ka pa rin bang balak ipaalam sa mag-ama mong buhay na buhay ka at kailanman ay hindi lumayo rito sa Baguio?" ani Ginang Janellah Pearl sa dalagang si Magdalene Falcon. "Tama ang Tita mo, Hija. Nagtapos ka na rin sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in management and recently, you've passed the civil service. As you can see, mas dumalas na ang pagdalaw ng batang iyon sa bahay. Sabi nga niya baka wala raw siya kapag bumabalik ka roon." Pagsang-ayon pa ni Ginoong Jameston. Well, tumupad sila sa lahat ng napag-usapan limang taon na ang nakalipas. Kahit pa mamatay-matay sila noong ibinalita ng inutusang tao na sunduin sa terminal ng Nueva Ecija. Dahil ang napagkasunduan nila after aresto portion ay pupunta ito sa lugar na wa