Chapter 11 | Blake and Yzabelle

2718 Words
"[How’s the firs kiss? Kilig much? Ganern? Oh, siya!Balik comedy naman tayo. Comment po kayo sa message box :) Heto na ang flashback ng childhood pakipot much ni Liam ^_^ ] Chapter 11 | starts here... “You have a text message. You have a text message" Liam's Nokia 3210 ringtone repeatedly alarmed. Okay na sana ang lahat. Andun na,eh. Malapit na. Tumutugon na ito sa mga halik niya. Bwesit na cellphone 'to. She finally learned to kiss him back. Istorbo! He broke off with their kiss at kinapa ang telepono na basta n'ya tinapon sa dashboard kanina.  He opened his phone's inbox. The message from Ernel said... 777 Kalye Sinukluban Narra Avenue Bakit Liam? Mangliligaw ka ba? I'll say yes kaso I'm already taken :( Ooops! Wag na lang pala. Patayin pa ako ni bestie. Pero pwede ka tumambay dito. Kung bet mo, dito ka na rin matulog. Kung hindi mo alam ang daan. Drive towards the university papunta sa Tropa Resto bar. Alam mo naman siguro yun >_What are his options? Choice A. Ernel's house. Ngunit nagdadalawang isip siya sa creepy place na yun ba siya pupunta? Choice B. Sa mansion kaya? Baka isipin ng mommy n'ya na may nangyari na sakanila ni Ryza sermon ang aabotin n'ya. Baka bugbogin pa s'ya ng daddy n'ya. Malaking X. Choice C. Kung sa hotel kaya? Paano niya naman dadalhin si Ryze sa presidential suite n'ya makikita ang lahat ang hitsura nito at suot pa ang damit niya. Malalaman pa rin ng mga magulang n'ya. Still X. Choice D. Sa hospital kaya? Anong iisiping ng mga nurses at doctor? Inapoy ng lagnat ang nobya niya after nila maghalikan? Sila na ba? Girlfriend niya ba ito? Siguro,but sh*t, no! Hindi sa ospital. Malaking X pa rin. Okay, back to option A. Ernel’s kapilya. Binilisan n'ya ang pagpapatakbo. Pagkalampas sa cemetery ay saglit n'yang binagalan ang takbo. Ayaw n'yang makalampas sa bahay na parang kapilya. Natanaw n'ya na di kalayuan ang puting bahay. He get spooked sa lugar. Nang malapit na s'ya ay kinapa niya ang cellphone at dinial ang number ni Ernel. "Kung ayaw mo matulog magbiti ka na lang! Istorbo, natutulog ako!" sagot nito. Nilayo n'ya ang phone sa tenga. May saltik pala ang isang 'to. Maya-maya. "Hello? Hello? Liam andyan ka pa ba? Sorry akala ko prank caller," aniya. Halatang na alimpungatan ito. "I'm outside can you come out. Bring blanket, please," paki-usap n'ya. "Blanket? Hubo't hubad ka? Ay! Liam! Hindi ako ready ang baho pa ng hininga ko!" "I don’t have time for you silly jokes, Ernel! Inaapoy ng lagnat ang prinsesa ko, so please, hurry!” "Lagnat? Eh, ba't dito mo dinala? Bak-," bastos binabaan s'ya. Dahil antok pa basta n'ya na lamang hinablot ang comforter. "Ano ba Teresa! Magpatulog ka naman,"ani Nica. "Janica, ang prinsesa este bestie ano n-nasa... gising! Nasa labas si Liam kasama si prinsesa este bestie... si Ryze nilalagnat-" Hindi n'ya natapos ang sasabihin bumangon ito agad na nauna pa sakanya na makarating sasakyan na nakapaa lamang. Sabog ang buhok nito na parang white lady dahil nakabistida itong puti na hanggang talampakan ang haba. Pagkakita ni Liam sa dalawa. He shook his head in disbelief. Kung gaano ito kakulit at bibo sa umaga ay siya namang kabaliktaran sa gabi. Para itong zombies. Hindi niya mawari kung paano ba naging kaibigan ang mga 'to ng prinsesa niya. They are freaking creepy crazy! Weirdos! "Liam! H-heto na ang blanket." Inabot ni Ernel ang makapal na comforter sakanya." Sorry,nataranta ako," nag-peace sign ito. Mukha rin itong white lady in white pajamas. Sabog ang buhok sa mukha.Binuksan naman ni Nica ang pintuan ng passenger seat. Binalot agad ni Liam ng comforter na oversize sa laki si Ryze.Tinapon niya kay Ernel ang susi ng kotse."Grab my duffle bag and lock my car,please. Nica, show me the way,please." "Ah! Oh, sundan mo ako,” ani Nica. Ang ika-pitong pinto na sinasabi ni Ernel ay nasa ika-apat na palapag ng bahay na kawangis ng kapilya. Hindi nito binanggit sa text na nasa fourth floor pala ang apartment nila. He was breathing hard when they entered the apartment. "Ipasok mo si besh dito Liam. Dito ang kwarto n'ya," ani Nica. Sumunod naman si Ernel na hangos hangos din. Tumakbo siguro pabalik dito. "Liam, here's your bag and key. Mukhang basang-basa ang damit mo. Maligo ka muna at magpalit ng damit. Kami ng bahala kay bestie. Saglit, ihihiram kita ng damit kay Jaycee." Pumunta ito sa katapat na kwarto at paglabas ay may dalang damit."Pacensiya na no undies,” Ernel said na nahihiya pa ibigay ang dala-dalang damit. "Thanks! I actually have some extra clothes, but I can use the shirt.” Liam replied and kinuha ang damit kay Ernel. "Dito ang bathroom. Yung bodywash at shampoo na lang ni bestie gamitin mo. Nakalagay sa red basket yung kanya. Sorry, we don't have extra toiletress din.” "Okay, thanks!" Papasok na sana siya sa bathroom."Ah, red towel din pala yung kanya,” Ernel added. He nodded in response. Kadalasan ay isang oras ang nilalagi niya sa shower. He was expecting a warm shower ngunit malaking drum ng malamig tubig. Sobrang lamig, malamig pa sa iceblock with a small deeper ang nasa harap n'ya. Nahagip ng mata niya ang red basket sa ibabaw nito ay nakatuping red bath towel. Red pa rin pala ang paboritong kulay ni Ryze. He quickly took of his clothes and take a bath. Nang matapos maligo pumunta siya sa silid kung saan niya iniwan ang dalaga. Nabihisan na ito ng mga kaibigan at pinupunasan ni Nica ng tubig na may alcohol. "Was she able to take meds?" "Hindi eh, ginigising namin ayaw magising." "Ako na Nica. Pakuha na lang ng paracetamol if meron.Kung wala I'll go back in town. Meron namang twenty-four hours drug stores dito, di ba?" "Merong paracetamol dito. Itong liquid na lang ipainom mo. Bukas na yan magigising.Lagnatin talaga si bestie kaya parati kaming may dalang paracetamol kahit sila Raine, Jaycee at Migz. Always ready ang tropa. Konting ambon nilalagnat yan. Kaya wag ka ng magalala. She easily get's fever lalo na kapag involve ang tubig. Na-ulanan ba kayo?" Ernel asked. He nodded again in response. Hindi niya naisip hydrophobic nga pala ito. Pinilit niyang gisingin ang dalaga ngunit puro mahinang hmmm lamang ang sagot nito. Pinaupo niya ito at binuka ang bibig,”Ernel, paabot ng gamot." Matapos mapainom ng gamot ay hiniga na niya itong muli. "Liam anong ginawa mo sa bestie ko? Bakit ganyan ang itsura niya. Damit mo ba yan? Bakit namamaga ang mga labi ni bestie? Ha?” Susunod-sunod na tanong ni Ernel. Back to talakera ang isang 'to. Tinapunan niya lamang ito ng tingin at pinagpatuloy ang pagpunas sa dalaga.”You girls can go back to sleep. I can manage.I’ll take care of princess.I’m sorry to bother you girls this late,” Liam apologized. "Sumagot ka Liam! Nag—ano ba kayo?" "Teresa, ang bibig mo. Wala kang paki-alam kung nag-ano man sila. Eh, ano naman sayo kung nag—!ano nga sila?” ani Nica at bumaling ito sakanya. "Kumain ka na ba?" Narinig siguro nito ang pag-alburuto ng tiyan niya. He shake his head in response. "Okay lang ba ang Lucky Me, Liam?" Nica asked again. "Yes." "Beef or chicken?" "Anything, thank you, Nica!” Nagtungo sa kusina si Nica at pinagluto ng chicken noodles ang bagong kaibigan. Naawa ito itsura nito. Bakas ang pagod at pag-aalala sa mukha nito. Sumagi sa isip niya. Bakit nga ba ito magkasama? Suot pa ang damit nito ng kaibigan. Nag-ano nga ba talaga sila? Erase. Erase. Erase. Hindi yun magagawa ng beshie niya. Nilagay nito ang noodles sa mangkok at dinala sa kwarto ni Ryze."Liam, kain ka muna. Iwan mo na lang dyan pagkatapos mo kumain. Sige, matulog na kami," bilin ni Nica at lumabas na ng pinto. Wala pang dalawang segundo bumalik ito."Ah...s’ya nga pala.You can close the door but iwan mong nakabukas ang ilaw. Nyctophobic si beshie,eh.” “Nyctophobic?!" nagulat s'ya sa nalaman. “Takot si Ryze sa dilim?" "Oo. Pero, kasi hindi niya kinukuwento kung bakit. Saka talakera lang talaga yan si beshie. Kung gaano kalakas boses niyan kabaliktaran naman kung usisain mo yan. Hindi yan makuwento tungkol sa buhay niya,” Paliwanag ni Nica at tumalikod na ito sakanya at sinara ang pintuan. Nang matapos niyang punasan si Ryze ay nilagyan niya naman ng malamig na bimpo sa noo. Kinuha niya ang mangkok na may laman ng mainit na noodles. Habang kumakain nagreplay ang mga nangyari kanina. A thin smile formed on her lips. They kissed. In someway ang istorbong text message ni Ernel saved him. Kung hindi dahil sa text message ay baka nagawa na nila ang hindi dapat. Habang nag-iisip. Nagsimulang mag-sisigaw si Ryze na kung hindi siya nagkakamali ay Spanish. "No! Por favor abre la puerta! Abre la puerta! Por favor, por favor. Abre la puerta! Abre la puerta!" Pabaling-baling ang ulo nito na tila takot na takot. Tumulo ang luha nito habang tulog at nanaginip. Inalapag niya sa lamisita ang wala ng lamang mangkok at tumabi sa dalaga. Niyakap niya si Ryze,”Shhh... princess,I'm here. I’m not leaving you again. I promise from today no one can bully or hurt you.” Hinalikan niya ito sa labi at niyakap ng mahigpit. Hindi niya alam ang mga nangyari dito matapos siyang tumira sa ibang bansa. Naisip niya ano pa ba ang mga pinagdaanan ni Ryze habang wala siya. Ano kayang pasakit ang ginawa ni Sam dito. Ano pa kaya ang mga sinabi ni Sam kay Ryze. All of it was a lie. Sam is a liar, a shapeshifter. Kanina napalitan ng awa ang galit niya kay Ryze. She was right.He did live a luxurios life in London except that his away from his family. Kanyang napagtanto na hindi pala awa lang ang nararamdaman niya dahil mahal niya si Ryze. Mahal na mahal mula noon hanggang ngayon. Habang buhay niya itong mamahalin. Sana'y mapawi na ang galit nito sakanya dahil hindi naman talaga siya galit dito. Pagtatampo siguro ang tamang explanation sa naramdaman niya dito. Habang yakap-yakap si Ryze nagbaliktanaw siya sa nakaraan nila. Hindi niya alam ang mga nangyari matapos ang aksidente. Hindi naman talaga siya ang tumulak dito. Hindi rin siya inutasan ni Sam na itulak ito. Hindi niya gusto si Samantha. Gusto niya lamang ito maging kaibigan dahil kay Raine. Crush ni Raine si Sam mula pagkabata. Ngunit hindi naman siya nito pinapansin. Makikipaglaro lamang ito kay Raine kung kasama siya. Totoong humingi ng kondisyon si Samantha ngunit hindi ang itulak ang kambal nito. Hiniling niya na ibili sila niYzabelle ng laruan kapag bumalik kami sa London. Kapag nangyari yun kakaibiganin niya si Raine. Sa kaarawan nila binigyan ko si Sam ng Barbie doll at remote controled miniature yacht kay Ryze. Marahil yun ang tinanim ni Sam sa utak ni Ryze at yun ang pinaniwalaan nito. RAINE, Sam and him were playing langit-lupa habang si Yzabelle naman ay nakatayo sa edge ng pool. Nilalaro nito ang laruang bangka na di motor na regalo n'ya. It was a remote controlled red miniature yacht. Pinasadya niya pang palagyan iyon ng pangalang "Princess Yzabelle". Nagkakasiyahan ang lahat. Maraming bisita sa mansion ng mga Fuentebella. Lahat ng kamag-anakan at kaibigan ng mga ito ay dumalo sa pagdiriwang. Hindi lang kasi iyon basta birthday party ni Ryze at Sam. It was also a celebration ng pagiging ganap na Fuentebella ng kaibigan. Ryze was legally adopted at inabot ng ilang taon ang proseso dahil sa pagtanggi ng tatay nito. Tumatakbo silang dalawa ni Raine palayo kay Sam. Ito kasi ang taya. Bigla siyang tumigil sa tapat na pool kung saan nandon nakatayo ang kaibigan. Napako ang tingin niya kay Yzabelle na tuwang-tuwa sa bilis ng takbo ng laruang bangka. Ang tawa nito ay parang mahika sakanyang pangdinig. Nang abutan siya ni Sam itunulak siya nito. Dapat ay touch lamang ngunit napalakas ang pagtouch nito at nasagi niya si Ryze sa likod. Malakas ang pagkakatulak sakanya ni Sam at huli na ng aabotin niya sana ang kamay ng kaibigan ay nahulog na ito sa pool. Natulala siya at walang nagawa. Sampung metro ang lalim ng swimming pool sa hacienda. Hindi niya naman kayang masagip ang kaibigan bata rin lang siya. Maraming tao sa hacienda ngunit iilan lang sa may pool at karamihan ay mga batang naglakaro rin katulad nila. Sumigaw ng sumigaw si Samantha at tumakbo naman si Raine sa kinatatayuan ni Don Sebastian. Nagkagulo ang lahat. Nagsitalunan ang ilan sa mga bisita to rescue Yzabelle. Hindi niya na matandaan kung sino ang sumagip dito. Mabilis na nangyari ang lahat. Kinabukasan ay bumisita sila ng kanyang Lolo Mano sa hospital. Natutulog pa raw ang kaibigan. Pinauwi muna sila at tatawagan na lamang kung magising na ito. Ngunit ilang linggo ang lumipas ay walang tawag mula sa mga Fuentebella. Matapos ang aksidente. Araw-araw ay naglalasing ang daddy niya at kapag inabutan siya nito mukha niya lang ang walang latay ng sinturon. Bumalik na sa London ang mommy niya noon kasama ang kuya niya. Isang araw ay pinatawag ang lolo niya sa hacienda ng mga Fuentebella. Pinilit ni Liam na isama siya.Nang makarating sa mansion ay pinuntahan niya agad ang kwarto ng kaibigan. Ngunit wala doon si Yzabelle. Nang makita niya si Don Sebastian at Doña Soledad humingi siya ng tawad. Hindi naman ito galit sakanya. Naikwento na raw ni Raine ang nangyari at naipaliwang na ni Sam ang lahat. Inakap siya ni Doña Soledad ngunit dahil puno ng pasa ang katawan niya ay napahiyaw si Liam sa sakit. Doon na sila nagpalipas ng gabi sa hacienda. Kinabukasan ay dumaan sila ulit sa hospital ngunit yun na ang huling pagkakataong nasilayan ang kaibigan. Dahil dinala na siya ng Lolo Mano niya sa London. Inakala niya na makakasama ang ina ngunit sa isang boarding school siya iniwan nito. Kung maibabalik niya lamang ang kanilang kabataan na puno ng tawanan at kasiyahan gagawin niya. Ganito na sila noon away bati. Ngunit katulad ng kambal nito hindi sila mapaghiwalay.Sana ay hindi nagbago ang lahat at nanatiling si Blake at Yzabelle ay matalik na magkaibigan. Hindi gusto ni Liam na tanging Liam na lamang ang tawag ni Ryze sakanya. But, he was surprised when she called him Blake again earlier. Katulad noong mga bata pa sila na Blake pa ang tawag ng lahat sakanya. Hudyat na kaya ito na kailangan ko ng magtapat sakanya? Kailangan ko ng bang sabihin sakanya ang patungkol sa kasunduan? He planted a gentle kiss on Ryze lips and buried his face on her neck with his left arms under her head and the other wrapped around her waist. "Tomorrow will be different,princess," he mumbled.Nilamon na siya ng antok at pagod...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD