(Paalalala,pacensiya na po kung may typos excited din naman po ako sa eksena sa chapter na ‘to. Kaya na carried away na rin ako. Wag po kalimutan ang tissue...hehehe! Happy Reading! Don’t forget to comment!)
Chapter starts here...
Inabot ni Liam ang duffle bag sa likod ng sasakyan at kinapa doon ang tuwalya at t-shirt. Supposedly, magliliwaliw siya kung saan kinabukasan. Kaya may dala siyang damit sa sasakyan. Ngunit nagbago ang plano niya dahil sa biglaang pagsali sa banda. Dinagdag pa ang utos ng mommy niya na sunduin si Ryze sa trabaho.
Nang makuha niya ang nais. Pabalibag na itinapon niya ito kay Ryze na hindi tumitingin. He didn't expect na sa mukha ng dalaga tatama ang tuwalya.
"Dry yourself and change your clothes," he said.
Nagulat si Ryze sa pagbagsak ng tuwalya sa mukha niya. Nainis siya lalo sa inakto ni Liam.
A look of irritation clouded her face.
"Ouch! Ano ba?! Hindi mo kailangan itapon sa mukha ko!" she yelped.
"Magbihis ka na!Kasalanan ko pa kung magkasakit ka." He said, gazing at the woman seated on his passenger seat.
"Are you being serious? Pagbibihisin mo...ako?... sa—harap—mo?" Tanong nito na nakatingin ng diretso sakanya.
A smile played on his lips and vexingly said," What's the big deal? Akin ka naman? Besides, I've seen so many naked women. Are you ashamed, princess? Come on, 'di naman kagandahan ang katawan mo," he smirked. "Ah... mm-hmm...flat—chested—ka—rin."
She felt insulted. Dinampot ni Ryze ang tuwalya at malakas na ibinalibag sa mukha ni Liam. "Bastos!" she squealed.
Sakto sa mukha ni Liam bumagsak ang tuwalya. Then, the car started swerving buti na lang ay alisto siya. Muntik na silang bumanga sa kasalubong na bus. He abruptly stomped the break," gusto mo na bang mamatay? Dahil ako? Hindi—ko—pa—gusto. Hindi pa nga kita...natitikman. Kaya umayos ka!"
Ano bang pinagsasabi niya? Kinain niya ang mga sinabi kanina. Walang pakundagang hinubad ni Ryze ang suot na uniform sa harap niya. Hinablot nito ang tuwalyang tinapon mula sakanya. Sinadsadya siguro nitong inisin siya. Dahil nakatitig ito sakanyang mga mata habang mabagal na dinadampi ang tuwalya sa katawan nito.
RYZE started drying herself in a slow phase moving seductively. Ginaya niya yung sa romance movies kapag inakit ng babae ang lalaki. Sinimulan n'ya ang mabagal na ritmo ng pagpatuyo ng katawan. She started from her legs up to her head. Sinadya niyang bagalan pa lalo ang galaw.Her head sideways to the right with her longhair draping on her right shoulder. Mabagal ang pagpunas sa basang buhok kasing bagal ng usad ng pagong. Kapagdaka'y inayos n'ya ang pakakaupo. She locked her eyes on Liam na nakatitig pa rin sakanya. She held her head straight and lifted her arms halfway holding the towel on her head. Sinadya niya ang position na yun upang ipakita sa lalaki ang size ng kanyang hinaharap.
Buti na lamang at matinong undergarments ang gamit niya at hindi ang kina sanayang sports bra. Suot niya ang regalo ni Ernel na pair ng Avon undergarments. The black bandeau push-up bra she's wearing gives her breast a fuller firmer look. Nagmukhang malaki ito kahit sakto lang ang size nito. She’s sporty kaya toned at balingkinitan ang kanyang katawan. The hipster bikini she's wearing also made her waist sexier at meron din naman s'yang ipagmamalaki ang muscled abs n'ya at matambok na puwit. Ang kinaiingitan sakanya ni Samantha.
Tumigil s'ya sa pagpunas habang bahagyang nakataas ang mga braso at pinupulupot ang tuwalya sa kanyang ulo. Walang mintis ang titigan nila ng lalaking kaharap. At the back of her mind nilalamon na siya ng kahihiyan. Ano bang pumasok sa kukuti mo Ryze? He provoked her at naapakan ng pangiinsulto nito ang p********e niya. Kailangang itaas ang bandera!
LIAM was speechless. Hindi niya akalaing may pagka-wild pala ang isang 'to. Napako ang mga mata niya sa dibdib nito. He can't take off his eyes sa kaakit-akit na katawan ng dalaga na kanina lang ay ininsulto niya. Darn it! Her body is freaking gorgeous. Ryze tawny skin complexion makes her body more stunning. Hindi ni Liam akalaing may itinatagong ganda pala ang dalaga.
"Hindi—ako—flat—chested!" Ryze screamed to the top of her lungs.
Natauhan yata? O siya ang natauhan? Ano bang naisip ni Ryze at naghubad ng damit sa harap niya? He was only provoking her. Kanina lang ngumangawa at tulala ito. Ngayon naman ay tila balik sa beast mood. Ramdam ni Liam sa mga mata nitong kanina pa niya tinitigan ang nagaapoy na galit. Mabilis nitong tinanggal ang tuwalya sa ulo at tinakip sa katawan. Matapos ay inabot ang t-shirt sa dashboard at sinuot iyon.
"Sabi ko nga. Hindi—ka—pala...flat—chested," sagot niya.
Pinaandar n'ya ng muli ang sasakyan. Sumilay ang pilyong ngiti sakanyang mga labi. He didn't expect an innocent war freak girl to pull a seductive act infront of him. He can't deny it. She fed his libido. Nananuyo ang kanyang lalamunan sa pakikipagtitigan nito. Inaamin niya uminit ang kanyang katawan na kanina lang ay nilalamig sa pagkabasa sa ulan.
"Assumero ka kasi. Sasaksakan pa ng yabang!" she mumbled.
Liam heard it clearly. Mali na basta niya na lamang tinapon ang tuwalya at t-shirt kay Ryze instead of giving it to her nicely. Well, he is pissed off of her kaartehan. Okay, he's a bit of an airhead, arrogant, and totally smug sometimes. But he was just concerned na baka magkasakit ito. Basang-basa ang damit nito ng ulan. He was wearing a leather jacket kaya 'di gaano mababad ang katawan niya sa tubig ulan.
"You shut up woman or I'll push you out of my car!" Liam snarled.
"Tsk! I'm not here on my own accord. Just so you know, ha! Sapilitan mo kaya akong isinakay dito!" Ryze yelled.
"I'm just concerned, okay? What you expect me to do? Hayaan kitang ngumuwa buong magdamag sa ilalim ng bagyo?"
Natawa si Ryze sa sinabi nito.”Your exaggerating, bagyo? It's just rain!"
"Look, ibinilin ka ng mommy mo sa akin. You don't have a choice here woman! Susundin mo o susunduin mo ang gusto ko! I'm your guardian as of the moment. Do you understand?"
"Tsk! Guardian? Kaya ko mag-isa. Hindi kita kailangan! Ihinto mo, bababa ako!"
She unbuckled herself ready to step out of the car.
"Yzabelle! Don't push my limits!" he screamed in anger and exhaustion.
"Ano ba Blake? Stop your acting, okay? I’m getting sick of it! Nakakasuka na! Kala mo ba di ko alam ang mga palabas mo? Y—you trying to be close to me... ano pa bang gusto mo? Pinatawad na kita. You want to go back to where we were before? Asa ka! Hindi na maibabalik pa ang dating tayo. Please lang,—tantanan...mo...na...ako,” galit na turan ni Ryze. Nakataas ang kilay nito at namumula na ang tenga. Indikasyon na galit na galit na nga ito.
"If only I can stay away from you. Believe me... I would do that. Pero... hindi, eh! Responsibilidad kita."
Naihilamos ni Liam ang mga kamay sakanyang mukha sa pagtitimpi sa dalaga. Baka maisiwalat niya dito ang katotohanan ng di oras. Akala ba nito madali sakanya niya ang lahat. His making effort here. And to top it all hinalon niya na nga ang ego at pride niya.
Para na nga siyang stalker sa kasusunod dito. Mukha na rin siyang tanga sa kakatanong kay Raine sa mga bagay tungkol sa dalaga. Kinaibigan niya pa ang best friends nito para malaman ang mga gusto niya. Simula sa pagkain hanggang sa araw-araw na gawain. Pati na rin kung saan ang tambayan ng dalaga ay inalam niya pa.
He finds it awkward and uncomfortable dahil sa kahihiyan sa mga nagawa niya noon. Ngunit kailangan niyang maging malapit sa ninang ng kuya niya at best friend ng daddy niya. Ang mommy ni Ryze. Ang kanyang Tita Fina. Buti na nga lang ay mabilis niyang nakuha ang loob nito. Today is the day na hinintay niya. Ang ipagkatiwala nito ang anak sakanya.
RYZE thinking, bit her lip and pinned him with her eyes and said,
"Responsibilidad mo ako?” she said. She widened her eyes on him and a smile of sarcasm flooded her face.
"Ahhh! Magkaliwanagan nga tayo! Ano mo ba ako, huh? Mag ano ba tayo? Boyfriend ba kita? Hindi, di ba? Nanliligaw, ka ba? Hindi rin, di ba? Kaibigan lang kita, Blake! So, tell me, paano mo ako naging responsibilidad, Blake?
"Unless, you know something between our families na hindi ko alam. Feeling close ka sa mommy at papa ko. Hmmp! Don't tell me your dreaming to be part of my family. Ah!... Right?Perhaps, my mom's son in law? Kaya ka ba dikit ng dikit sa nanay ko?
"Ano? Tell me... Is this the part you will rekindle your love with my twin sister? Aagawin mo na si Samantha kay Raine? Tataluhin mo ang best friend mo? Di ba gustong-gusto mo si Samantha? Kaya mo lang naman ako kinaibigan noon para mapalapit ka sa kakambal ko. Am I right?
"Oh yeah! Itinulak mo ako nga pala ako sa pool dahil sabi sayo ni Sam ‘she will be friends with you kapag binura mo ako sa mundo niya.’” She paused and put a thin smile on her lips. "Ano naging friends ba kayo? Hindi di ba? Ginamit ka lang niya! And now, pinagmumukha mong kasalan ko kung bakit pinatapon ka ni Lolo Mano sa London?
"Hindi ko alam kung saang lupalop ka ng mundo napunta dahil miserable ang naging buhay ko after kung magising sa hospital. Countless doctor visits...endless therapies...more than a thousand doses of medication. Buti na lang nga nakapaglakad at natuto akong magsalita muli. I was blessed to wake up from being comatose for several months, but I was unlucky to open my eyes and find myself like a withering vegetable and worst, I couldn't speak!”
Ryze said continously feeling extremely agitated. Her body started to tremble. Anger shook her nerves and voice. The mask of her yesterday is giving her too much pain.Sumisikip ang dibdib niya sa sobrang sama ng loob. Hindi niya namalayan isa-isang butil ng tubig ang pumapatak sakanyang mga mata.
"Alam mo kung ano ang pinakamasakit sa mga nangyari, Blake? I - I ... lost my twin sister. W-we used to be so close. Sam and I used to be so closed and I damn miss that, you know?... Hindi kami mapaghiwalay noon.” She sniffs in between her sobs. “Ngunit dahil sa ginawa mo! Nagalit sa akin ang kambal ko. She held grudge against me. She blames me that our family neglected her...na lahat sila ako lang ang mahal,” Ryze voice trembles as she weeps.
"Masisi ko ba si Sam na magalit sa akin? Hindi! Dahil yun ang totoo!” Ryze paused and look outside the window. Pinaghalo ng sipon at luha ang dumadaloy sa kanyang mukha. Para na rin siyang maapusan ng hininga. Ryze can’t remember that last time she cried horribly like this time.
“I was helpless...I can't eat on my own...I can't bathe myself... I was a completely useless crippled child—handicapped for seven hundred thirty-one days! You know, Blake? Sana may paraan para maibsan ang sakit dito,” Ryze pointed her heart,” sana pwedeng mawala na lang ang lahat ng masasamang alaala dito na parang idlap,” Ryze pointed her head. “I am suffering from this pain long enough. Ni hindi ko masabi sa mga kaibigan ko ang katotohanan. Hindi ko maipagtapat kay Nica at Ernel na matagal na kaming magkakilala...ni Raine...na kapatid ko—si Sam.
"Now, tell me? Mas masahol ba ang karanasan mo sa boarding school at malayo sa pamilya mo than what I've been through? Nagagalit ka saakin dahil pinatapon ka sa ibang bansa? You must be thankful instead. You live like a prince in there, I bet. Now, what—?” she asked losing her voice “—ako ba ang childish? Sinong isip bata sa ating dalawa ngayon, Blake?" mahabang litanya niya sa lalaki.
Ryze was holding everything inside. Magaan pala sa pakiramdam na mailabas ang sama ng loob.Hindi namalayan ni Ryze na parang talon na ang buhos ng luha sakanyang mga mata.
LIAM didn't say a word. He was in deep silence. Ryze calling him Blake shocked him. Akala ni Liam hinding hindi na siya tatawagin Blake muli ni Ryze katulad ng mga bata pa sila. Dahil noon si Ryze ang aking princesa Yzabelle at ako ang principe Blake niya. Nasaktan siya sa mga nalaman. Iba pala ang sinabi ni Sam kay Yzabelle. Gusto niyang yakapin ang dalaga ng sobrang higpit at hagkan ito. Instead, he grabbed the towel that was on Ryze lap and wiped her tears away.
"Wala naman nagbago dito," he whispered closed to her face at inilagay ang kaliwang kamay sa dibdib habang ang isa ay nakahawak sa headrest ng passenger seat. "Ikaw pa rin ang uhuging princesa Yzabelle ko," he said and let out a soft laugh.
"Nakakainis ka talaga, Blake!"akmang sasampalin na ni Ryze si Liam. Ngunit nahawakan ng mga kamay niyang nakasandal sa headrest kanina ang kamay nito. Unti-unti niyang binaba ang kamay nito at mahigpit na hinawakan. He intertwined their hands. His eyes locked on hers. "Naalala mo pa...nung mga bata pa tayo? Di ba pinangako ko sayo, na kapag magkasing laki na ang kamay natin. Pakakasal na tayo." Inangat ang magsiklop na mga kamay and he smiled sincerely.
Pakiramdam ni Ryze tumigil ang mundo niya kasabay ng pagtigil ng sasakyan. She felt butterflies in her stomach. What a cliche? Ganito ba talaga ang feeling kapag magtatapat na si prince charming? Sa oras na ito mabilis ang t***k ng puso niya. Mainit ang dugong dumadaloy sakanyang kalamnan. Ngunit hindi dahil sa galit ngunit dahil sa kilig na nararamdaman niya. Konting-konting pang pakipot Reaghen Yzabelle. Kayanin mo pang makipagmatigasan. Hindi niya pa nagagawa ang humingi ng tawad na may luha. Di ba nga sabi sa movies ‘You can only tell his sincerity if there are tears when he apologizes.’
“Ah! Huh? Talaga?... Are you sure—?” Ryze gave Liam a half-smile “—it’s me?”
Ramdam ni Liam na nagkukunwaring hindi maalala ni Ryze ang pangako noong mga bata oa sila. Hindi maikakaila sa mga mata niya ang kinang ng pagkagalak, taliwas sa nagaapoy na mga mata nito kanina. Hindi niya na mapipigilan ang sidhi ng damdamin. He saw her flinched and gazed outside the window. He can sense uneasiness on her. It shows the way she moves her body. Ilang segundo ang lumipas, humurap itong muli sakanya nakakunot-noo,"I don't remember that promi—" mabilis nilapat ni Liam ang kanyang mga labi sa nakaawang na labi ng Ryze. Hindi niya pinatapos pa ang sasabihin nito. He can tell it's her first kiss. She didn't twitch or moved her lips. Wala man lang reaksyon ito. He was expecting na magasawang sampal ang isusukli nito sakanya o ang matigas nitong kamao lalapat sakanyang mukha. But she allowed him to kiss her.
Liam doesn't know how to explain this feeling. Is this the feeling when you are in cloud nine? He is in pure bliss. Sa wakas naparamdam niya na dito ang tunay na saloobin. Dahil hindi lahat ng nararamdaman ay may katumbas na salita. When you find true love, no words can express the feeling you have inside your heart and mind. Then he cupped her face. Tinitigan niya ito sa mga mata ng ilang segundo. Kusang tumulo ang mga luha sakanyang mga mata. This is so gay. Why am in tears?
NATULALA si Ryze. First time niyang mahalikan. First time na may lumapat ng mga labi sakanyang mga labi and the feeling is—unexplainable. Dapat sasampalin niya ang lalaki sa pagnakaw ng first kiss niya. Akmang itaas niya na ang mga kamay ng pumutak ang mga luha nito sa mga mata. Ang mga titig nitong nagsusumamo. Hindi n'ya man narinig ang mga katagang gusto n'yang marining. Ramdam na ramdam n'ya na man iyon.
Pakiramdam ni Ryze ang ganda-ganda niya. Mas mahaba pa kay Rapunzel ang kanyang buhok. Ano kayang maging reaksyon ni Ernel at Nica? Kikiligin din kaya sila? Dahil ngayon kilig na kilig siya. Hindi niya alam kung excitement ang nararamdaman niya o kaba?
And then, he kissed her again. Ang mga labi ni Ryze ay nakasara na tila ba nakakandado. Her lips locked together, his like kissing a wall. Liam continued with gentle kisses. Ramdam ni Ryze ang pag-init ng kanyang katawan. Tinatraydor siya ng sariling katawan. She intentionally closed her mouth at huwag tumugon sa mga halik nito. He might think na gusto niya naman. Hindi nga ba? Dahil kung hindi niya gusto tinulak niya dapat si Liam pala. Pero hinayaang niya itong halikan siya. Tuwang tuwa naman ang katawan niya pati lamang loob niya ay naghuhuromintada na sa di maipalawanag na nararamdaman.
Kusang bumaka ang labi ng Ryze. Lihim na natuwa si Liam. He didn't waste a second. Sinumulan niya sa mabagal na ritmo ng pahalik sa pangtaas na labi nito. Hanggang sa hindi niya intention na makagat ang pangbaba labi. Akala niya lalapat na talaga ang mga kamao nito sa mukha niya. Instead, she wrapped her arms around his neck. Their position was a little uncomfortable. Nakaupo siya sa driver set at nasa passenger naman ang dalaga. Buti na lang ay tinted ang window ng kotse. He doesn't know exactly where they are. Dahil basta niya na lamang hininto ang sasakyan ng magalit ang dalaga sakanya.
LIAM pushed his driver seat backwards. Giving his body more room with the intention of having her girl closer to him. Quickly, he lifted her up with his arms from the shotgun seat.Then, abruptly swinging her to the driver seat making her seat on top of his lap. Hindi niya na binitawan ang dalaga. His arms wrapped around her waist feels heaven. Hindi rin nito inalis ang mga brasong nakapulupot sakanyang batok. Their lips never parted. With her on top of his lap pakiramdam niya ay sakanya niya ang dalaga. He was holding her so close to him the way he wanted kanina ng maghubad ito ng damit sa harap niya. Finally,she’s mine! He silent whispered. He wanted her to respond to his kisses when she did, their gentle kisses went deeper. It was a passionate sensual kiss that became more and more intense.
RYZE felt here entire body burning. Pakiramdam niya ay para siyang nasa tapat ng burn fire. Ganito ba talaga kapag papunta na sa intimate moments? Ang mapaggumiit na mga labi ni Liam na pilit pinaghihiwalay ang kanyang nanginginig na mga labi. Ito’y nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa buong kalamnan at buong katawan niya. Ang sensasyong hindi niya matukoy kung ano ang tawag. Ang kakaibang pakiramdam na pumakaw sakanya upang tumugon sa pakiramdam na hindi niya akalaing kaya niyang maramdaman. At bago pa man siya magising sa pag-kakalunod sa di maipaliwang na galak sa kaibuturan ng kanyang damdamin Ryze find her lips responding to his insistent lips. She was intensely kissing Liam back.
And, then...
"You have a text message. You have a text message" Liam's Nokia 3210 ringtone repeatedly alarmed.