Ilang minuto ko siyang pinagmasdan. Nakasandal sa kotse paharap sa gate habang nilalaro ang susi ng kotse sa kanyang kaliwang hintuturo. Paulit-ulit nitong pinaikot-ikot iyon. Anong ginagawa n’ya dito?
Pakiramdam ko'y nagbabadya ang masamang panahon. Hindi dahil andito, ang mahangin na si Liam. Walang bituin sa kalangitaan at tahimik ang kapaligiran. Hudyat na anumang oras ay bubuhos ang ulan. Hindi pa man ako nakakarating sa tapat ng gate. Nagsimula ng pumutak ang malalaking butil ng tubig. Patakbo kong tinungo ang tarangkahan ng bahay. Ngunit dahil nakasukbit saaking likod ang backpack na naglalaman ng aking kuwardino't libro at ibang pang kagamitan. Pakiramdam ko ay naging mabigat ang aking bawat habang patungo sa gate ng bahay kahit hindi naman.
Pinindot ko ng makailang ulit ang doorbell ngunit limang minuto na ang nakalipas ay walang bumubukas ng pintuan. Tulog na ba ang lahat? Pero, hindi natutulog ang mommy, kung hindi pa ako nakakauwi. Maliban na lamang, kung nakapagpaalam ako kila Nica matutulog. Hindi ko nga pala nasabing pauwi na ako.
Napako ang atensyon ko sa plaza ng mapadaan ang tricycle na sinakyan ko kanina.Na-aliw ako sa mga kumikinang at sumasayaw na makukulay na ilaw sa plaza. It's only June ngunit ramdam ko na ang simoy ng pasko sa mga palamuting nakasabit sa mga puno at poste sa Plaza Quezon. Isang parke sa gitna ng ciudad katapat ng bulwagan kung saan gaganapin ang battle of the bands sa buwang ng Setyembre.
Ang mga palamuti sa plaza ay paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang sa kapangakan ng lungsod. Ito marahil ay isang kulturang ma-ipagmamalaki ko bilang isang naguena. Isa sa mga dahilan kung bakit ko piniling manatiling manirahan dito kaysa sa hacienda.
Mula sa tricycle na sinakyan ko galing sa trabaho. Bumaba ako sa tapat ng Plaza Quezon. Habang naglalakad at pinagmamasdan ko ang napakagandang palamuti sa parke. Out of curiosity, nainganyo akong lapitan ang kumpulan di kalayuan sa akin. Tindera pala ng tokneneng(kwek-kwek), isaw, betamax, chicken skin, iba pang lamang loob, pork barbecue, hotdog, lumpia, penoy at balut ang pinagkukumpulan nila. Ang amoy nito’y nakakagutom.
Hindi pa nga pala ako naghapunan. Nakipila na rin ako at bumili ng ilang stick ng isaw, betamax at kwek-kwek. Hindi naman ako madalas magawi sa lugar na ito dahil malayo ito sa daan pauwi sa bahay. Sadyang pagkakataon lamang ang magawi ako rito.
I enjoyed the two hours that I'm alone. Nagawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin taliwas sa mga patakaran ng aking Papa. Kung makikita niya ako ngayon na kumakain ng streetfoods ay litanya ng walang katapusan ang aabutin ko. Takot kasi itong magkasakit ako marahil ay dala ng trauma sa pagiging sakitin ko noong ako'y paslit pa.
Habang paulit-ulit kong pinipindot ang doorbell ay iniisip ko naman kung gaano ako kasaya sa nakalipas na dalawang oras.
"Nobody home. Kahit mag-doorbell ka ng buong magdamag ay walang magbubukas ng pintuan," wika ni Liam. Na hindi ko namalayang nasa tapat ko na pala at nakasandal sa pader ng gate. Pinagmamasdan ang padabog na pag-pindot ko sa doorbell.
"Paano mo nalaman kung saan ang bahay ko?" I asked.
"I have my resources, you know," he said.
I sounded stupid for that silly question. Of course, alam niya ang bahay namin. Tambayan niya 'to noong mga bata pa kami.
"Umuwi ka na," malumanay na sabi ko dito. “Lumalakas na ang ihip ng hangin.You should leave now before the rain pours.”
"I can't leave you out here! Pumasok ka na sa kotse,” lumapit ito na pawang aabutin ang backpack na bahagyang nakasabit sa kanang balikat ko. “I'll take you home. Nagmamadaling umalis si Tita Fina kanina kasama ang driver ninyo may emergency raw sa playa,” paliwanag nito.
"Anong home? I am at home. Pinag-sasabi mo? Umalis ka na," I replied.
I searched for my phone in my pocket and dialed mom. "Mommy, bakit hindi mo ako tenext man lang? Isinama mo pala lahat ng tao dito sa bahay. I'm soaking wet outside the house! Mom, sasusunod inform me para hindi naman ako mukhang tanga naghihintay dito sa wala!" walang mudong turan ko dito.
"Watch your mouth Yzabelle! Nanay mo pa rin ako. Kung makasermon ka parang katulong mo lang ako, huh! Hindi kita pinalaking bastos," wika nito.
"I'm sorry. I'm just tired and exhausted. Mommy! It's so dark here, and I'm freaking panicking right now!" Ryze retorted, trembling.
Nanginginig ang mga labi niya habang nagsasalita. She's shivering from the rain at sa malamig na simoy ng hangin. Then, the streetlights coming from the electric post sa tapat ng bahay ay biglang namatay.
Palakas ng palakas ang hangin dahilan para biglang nag-blackout. Sobrang dilim na ng kapiligiran. Ryze is not only hydrophobic but also nyctophobic. Hindi naman malala ang pagka-nyctophobic niya. Kinakain lamang siya ng takot kapag madilim at nag-iisa. Maging sa pagtulog ay nakabukas ang ilaw niya. Sa trabaho naman ay ayaw niyang naglalagi sa madilim na parte ng resto bar kapag nakabukas na ang disco lights. She was locked-up sa trunk ng sasakyan noong makidnap siya labing-tatlong taon na ang nakakalipas at pinag-tripan i-lock ng mga kaklase sa maintenance room noong elementary siya.
"Bakit ka ba nandiyan? Di ba, may trabaho ka? I'm expecting bukas na ang uwi mo," tanong ng mommy niya.
"Matumal ang resto kaya pinauwi ako ng maaga," pagsisinungaling niya. Dahil ang totoo ay pinaalam siya ni Liam sa boss niya.
"Tinawagan ko ang Tita Yen mo kanina. Ibinilin kita sakanya. Bernie should be back there by 7:00 am tomorrow. Wala pa ba dyan si Blake? I told him sunduin ka sa trabaho at ihatid ka sa hotel. Mawawala ako ng ilang linggo. Umeksena ang Kuya Jasper mo sa playa. I need to have the fixtures fixed bago makarating sa Papa," paliwang ng mommy niya.
Kaya pala pina-alam ako ng isang 'to sa trabaho at naghihintay dito dahil inutusan ng mommy. Close pala sila?
Si Jasper my second eldest brother, sobrang pasaway. Ang blacksheep ng pamilya.Ano na naman kaya ang binasag niya sa resort sana ay sa Playa del Sol at hindi sa norte. Dahil kawawa na naman ang nanay ko sa sermon ni papa.
"What about Sam?" she asked.
"Don't worry about her. She's staying with Raine," aniya na para bang normal lamang na mag-stay ang anak niyang babae sa bahay ng boyfriend nito.
"Mom, bakit mo pinayagan?" tanong ko.
"I trust both of you. You are adults. Alam n'yo na ang tama sa mali," malumanay na sagot nito.
"Mom sa apartment na lang ako nila Nica magpapalipas ng gabi. Ayoko dun sa hotel. Doon mo na lang po ako ipasundo kay Manong Bernie. I need him to drive us tomorrow. Bibisitahin namin si Onin. I need to go, mom, bye." She ended the call and started to walk away.
Saglit lang ang naging usupan nila ng mommy niya. Tinanggal niya sa bag ang nakasabit na keychain. It's a mini flashlight ang mama n'ya ang nagpasadya noon. Malakas pa rin ang ulan at pagbugso-bugso ang pagaspas ng hangin. Nilalamig na s'ya buti na lamang at may dalang s'yang extrang damit sa bag. Madalas kasi s'ya tumatambay sa apartment nila Nica at Ernel lalo na kapag war freak mood si Sam.
Tag-ulan sa buwan ng Hunyo normal na umuulan ng malakas kahit na nga ma-araw pa. Bigla-bigla na lamang na sasama ang panahon. Kaya, she's equipped with extra clothes and folding umbrella na hindi n'ya naisipan gamitin kanina pa. She shook her head and scratched her hair. Ang tanga mo talaga Ryze!
Humakbang na siya palayo sa bahay. Kapagdaka'y hinablot ni Liam ang backpack niya na bahagyang nakasabit sa kanyang balikat kanina pa.
"I said, get in the car! You're so stubborn, princess. You'll catch a cold," he said as he yanked the backpack out away from her.
"Liam, ano ba? Umalis ka na! I can manage, okay? I don't need your concern. I'm not too fond of your fake concern. Magbabait-baitan ka ngayon tapos aawayin mo rin lang ako after,” she said in a bitter note.
Inagaw ni Ryze ang bag niya mula dito ngunit napunit ang strap nito sa paghihilahan nilang dalawa. Tuluyan ng kumawala ang mga luha sakanyang mga mata. Hindi niya napigilang mapa-upo sa gitna ng daan at humagulhol na puno ng hinagpis sa dibdib. Kanina pa s'ya naiiyak sa inis dahil walang bumukas ng gate at ng malamang walang tao sa bahay. Pagod na pagod na rin s'ya sa dami ng ginawa n'ya buong araw.
There is always sadness kapalit ng konting oras ng kasiyahan. At nasira pa ang paboritong n'yang bag. Sentimental sakanya ang backpack. Dahil katas iyon ng hirap na dinaanan n'ya sa pagtatatrabaho. Matagal na sakanya ang leather backpack. It was a gift for herself. Hindi ito mumurahin. Ilang libo rin ang ginastos n'ya para mabili ito. Para s'yang namatayan ng alagang tuta sa pagkasira ng pinakakamamahal nyang mochila.
[LIAM]
LUMUHOD si Liam sa tapat nito upang magpantay sila."I'm sorry. I'll buy you a new one," he apologized. He extended his arms para sana yakapin ang dalaga ngunit tinulak siya nito palayo.
"No puedes reemplazar mi mochila!" She said in between her sobs.
"I don't understand you! Your speaking another language. I said, I'm sorry! Now, tumayo ka na dyan. Get in the car! You are soaking wet. We are both soaking wet! Malalagot ako sa mommy at papa mo kapag nagkasakit ka habang nasa pangangalaga kita. You're crying over this old ugly backpack? Napaka childish mo naman!" galit na turan ni Liam.
Basang-basa na rin s'ya at nilalamig na. Hindi rin s'ya nakapaghapunan. Nawawala s'ya sa katinuan at nag-iinit ang ulo kapag gutom na. He intended to take her out for dinner earlier kaya niya ito pinaalam kay Andrew. But she run away from her. Nagbakasali siyang didiretso ito sa bahay ngunit nauna pa siyang nakarating sa bahay ng mga Fuentebella. Naghintay siya ng halos tatlong oras. Pinapapakpak na siya ng lamok ngunit hindi n'ya yun ininda. Ito naman s'yang tanga rin he could have waited inside his car, but he chose to patiently wait outside.
"Sabi ko, ayoko! No voy a ir contigo! (I'm not going with you!)," patuloy na umiyak ang dalaga.
He's losing his patience. Sa palitan n'ya itong pinatayo ngunit nagpumiglas ito. He grabbed her backpack at itinapon n'ya iyon sa back passenger seat ng sasakyan. He walked back to her and picked up the keychain on the ground. Walang pasubaling binuhat niya ito papunta sasakyan. Sliding her into the shotgun seat. He walked towards the driver side and started the car. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan.
Then, he called Ernel and said,"Text me your address!"
Hindi niya na hinintay na sumagot ito. Suppose she doesn't give him an answer. Iuuwi niya si Ryze sa mansion ng kanyang Lolo Mano. Paniguradong matutuwa ang matanda pagnakitang kasama n'ya ang apo ng matalik na kaibigan nito.
He saw how Ryze was shocked by his actions. Natigil ito sa pagngawa at tulalang naupo ng tahimik sa passenger seat. Marunong din naman pala 'tong matakot. Nakakapikon na rin ang kaartehan ng babaeng 'to akala mo naman kagandahan kong mag-inarte. Kung hindi ka lang binilin sa'kin at hindi nakasalalay sayo ang kinabukasan ng negosyo namin hindi ako magtitiyagang suyuin ka.
Pwede naman kitang hayaang mag-isa and figure things out on your own. But, damn it! Bakit hindi ko magawa? Bakit ba sa tuwing nakikita niya ito ay hindi na galit at inis ang nararamdaman niya kundi... guilt? Lalo ng makita n'ya ang takot sa mga mata ng dalaga ng dumilim ang paligid. Ang panginginginig ng katawan nito ay nagdulot sakanya ng matinding awa at pag-aalala sa dalaga.
He couldn't imagine what she went through ng makidnap ito. Dala-dala niya pa rin hanggang ngayon ang guilt na yun. He could have saved her, but he chose not to. Dalawang beses n'ya itong pinahamak noong mga bata pa sila.