A quick-update. Apologize for the typos. Here you go...
~~~
"Besh, what was that about? Bakit kayo kinausap ng coach mo?” usisa agad ni Ernel pagkakita sa’kin.
"Kasi yung ugok na yun! It’s all Liam’s fault. Masyado kasing mayabang. Epal pa. Pati ako tuloy nadamay,” padabog na turan ko dito at tinuro ang kinaroroonan ni Liam. “Papansin na, agaw eksena pa. Grrr! Nakakabwesit talaga!” turan ko na. Bigla na lamang itong sumulpot sa likod namin.
“Can I join you, girls? It’s only 5:00 p.m. Are you going home?” tanong nito at sumabay na sa’min maglakad. ”I’ll give you a ride.”
"Sige ba. Ngayon pa lang, thank you na,” malugod na tanggap ni Nica sa offer ni Liam.
"Oh! Akala ko naman nagbibiro ka lang kanina? Sandali—,seryoso nga—may kotse ka?” makulit na tanong dito ni Ernel."Ferrari?”
" Nope. 1998 Pontiac Firebird, auto ng lolo ko,” paliwanag naman ng mayabang na si Liam.
"Ahhh! Akala ko Ferrari, red, eh!”
"You know girls, it's not always about the fancy car because—it's about the fast ride."
"Kayong dalawa! Are you going to flirt with him or are you coming with me? Your boyfriends are waiting for you in the music room. Remember?” singhal ko sa dalawa.
"Nagsalita ang hindi flirt. Jelly-jelly ka lang! Mauna ka na bestie, susunod kami. We want to see his car pa," sabi ni Ernel habang nakatingin pa rin kay Liam like the first day na nakita niya ito.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Liam.”Ikaw! Sino naman nagsabi sayo sumunod ka? Huh? Don't you have friends here? Stop following me! Nakabuntot ka na lang parati kung saan ako magpunta. Nakakaembyerna ka na, Liam!” tinalikuran ko ito at hinarap naman ang mga kaibigan ko.”Kayong dalawa—bahala na nga kayo!”
Dahil may band practice, iniwan ko na silang tatlo at naglakad na papunta sa sa music room.
#
SA MUSIC room…
Pag-pasok ko. Kapansin-pansin na kararating lang din nila. Nag-seset up ng instruments sina Raine, Jaycee at Migz.
"Ryze, balita namin na-patumba mo raw si Princeton, galing ah!” sabi ni Raine.
"May pakpak talaga ang balita. Sino naman nagsabi?” I asked in curiosity.
"Si Nica tinext ako," sabat naman ni Jaycee.
"Hindi naman knockout—“, naalala ko ang mga nangyari,”—but, almost,” tatawa-tawa na sagot ko dito. “Matigas din apog ng isang yun. Hindi nga nagpadala sa clinic,eh. Hmmmp! Pinurahon ko na sana.”
“Baka naman sinadya mo e-combination punch-kick?” tanong ni Raine.
“Hmmp, medyo—-sinadya ko nga. Nakakabwesit s’ya. Ang yabang-yabang. Dapat lang yun sakanya.”
"Ma-iba ako, bakit ikaw lang?” tanong ni Migz.
"Ah! Gusto n’yo malaman? Kung nasaan ang malalandi ninyong girlfriends?"
"Sobra ka naman hindi malandi ang care bear ko," pagtatangol ni Jaycee.
"Yung dalawa nag-u-usyoso pa sa kotse ni Liam. Andun atat sumakay sa kotse ng ugok na yun,” exaggerated na sagot ko Jaycee.
Si Jaycee and Migz lalabas na sana ng music room para sumugod.
"Relax guys! Hindi type ni Liam ang girlfriends n’yo,” awat ni Raine sakanila.
"Ohh?Ang mayabang na yun? Paano mo nalaman? Friend ka ba niya, Raine?” tanong ko dito habang busy siya sa pag-set up ng amplifier. Si Jaycee at Migz naman ay nagtest na rin ng instrumento nila.
I sit by the drumset para makasimula na kami mag-practice para sa battle of the bands. Malapit na kasi fiesta sa ciudad ,dependeng champion kami. Kaya puspusan ang practice namin. Kahit na nga sobrang tight ng schedule and very exhausting. Toxic din ang mga syllabus na binigay ng professors. Kakasimula pa lang ng pasukan maduguang pag-aaral na agad.
Napansin ko na wala pa si Onin. Late lang siguro. I was rolling drums when the door opened. Iniluwa nito ang mayabang na si Liam at sumunod naman si Nica at Ernel.
"Dude, wazz up?” bati nito kay Raine in British accent.
Excited na lumapit si Raine dito at nag-handshake sila na parang sa fraternity. Knuckles naman ang ginawa niya kila Jaycee at Miguel. Si Ernel at Nica naman tumabi sa boyfriends nila.
"Nothing much. Bakit wala ka sa Financial Accounting kanina?” tanong nito kay Raine.
"I had to pick up Samantha,” sagot nito sa bagong dating.
"Magkakilala kayo?” tanong ni Ernel.
Syempre siya ang chismosa at hindi dapat mahuli sa balita ngunit hindi siya updated sa nagaganap ngayon sa music room. Kalurky!
"Yes, best friends kami since elementary,” paliwanag ni Raine.
“Hindi nga? Seryoso ka? Di ba— transferee ka, Liam?” Ernel gives a quick gaze to Liam and turns to Raine,”nag-boarding school ka rin sa London, Raine?” walang prenong sunud-sunod na tanong ni Ernel sa dalawa.
"Hindi ako nag-boarding school. Classmates kami back then in St. John. Magkakilala na kami bago pa man siya pinadala sa London. But, kahit magkalayo—we remained close friends. Actually, we met before classes started,” muling paliwanag ni Raine sa’min.
Tumayo ako sa kina-uupuan ko sa may drumset para ayusin ang bass drum at cymbals. Pina-process ko pa ang mga narinig ko mula sa bibig ni Raine.Hindi ko na napigilan ang sarili at napasigaw ako. Waah! This is too much! Ibig sabihin maaaring kay Raine galing ang mga impormasyon na alam nito tungkol sa’kin.
“Ryze, okay ka lang?” tanong ni Jayce na patakbong pumunta sa tabi ko.
“Huh?”
“Bigla ka na lang kasing sumigaw,” ani ni Jaycee.
“Oh, I screamed?” wala sa sariling tanong ko dito. Lumabas pala sa bibig ko ang dapat na sigaw lamang sa likod ng aking isipan.”I’m okay. Thanks,” sagot ko Jaycee.
“Okay, if you said so, balik na ko sa pwesto,” paalam nito.
Ugali ko ng napapasigaw sa subconsciously.Ngunit minsan ay hindi ko alam na hindi lang pala sa aking isipan pati rin pala ang aking bibig at matabil na dila ay sumisigaw din.
Bigla naman naupo si Liam sa kina-uupuan ko kanina. "Sabi nila magaling ka raw mag drums. Sample naman strawberry,” hirit nito.
"Gusto mo sayo ko esample ang drumstick na hawak ko?” mataray na sagot ko dito. Kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking ito.
" Chill! Bakit ba galit na galit ka sa akin? Awat na! Pinurohan mo nga ako kanina,” malumanay na turan nito sa akin.
"Ah! Basta, I hate you! I hate you! Galit na galit ako sayo!” sigaw ko sa harap ng pagmumukha nito.
"Bukas niyan kayo na! Diyan yan nagsisimula. Kunwari galit, tapos gusto naman,” Raine teased us.
"Parang si care bear galit sakin tapos inlove na kami ngayon,” gatong naman nitong si Jaycee.
"Shut up boys! I’m not asking for your opinions!”
"Practice na tayo,” yaya ni Raine.
"Three rounds lang tayo huh? May raket ako ngayon."
"Racket? What's a racket? Tennis racket?” tanong ni Liam.
"Raket ibig sabihin side-job,” ani Nica.
“Bartender kasi itong si Ryze sa Tropa Resto bar. On call siya tuwing weekends. Actually, nag-perform din kami dun. Bukas may gig kami. Manood ka,” Raine explained.
Hindi ko alam if naintindihan niya ang paliwang ni Raine dito.
Kunot ang noo na humarap ito sa akin. "Why do you have to work? Di ba may––?"
Mabilis kung tinutok sa bibig nito ang drumstick na hawak ko at binantaan ,” You better zipped your mouth or I will kick you out. Got it?"
"Yes, Princess!” talima nito saakin. May kung anong kirot sa puso ko kapag naririnig ko mula sa bibig niya ang salitang ‘princess’. Parang bumabalik ako sa pagkabata noong hindi pa kami mag-kaaway.
"Princess-princess, hindi mo ako madadaan sa pa-princess-princess mo! Tabi! Hindi ikaw ang drummer, ako! Kaya alis dyan. Kung gusto mo manood, doon ka sa dulo, malayo sa paningin ko naaalibadbaran ako sayo! At please lang, tumalikod ka wag mo ako titingnan kung hindi, kita mo 'to? Isaksak ko sa dalawang mata mo. Dun ka! Bilis na!” tinulak ko ito palayo.
"Ryze, wala naman ganyanan. Maawa ka kay Liam. Masyadong harsh ka naman. Naiiyak na,oh?" pang-aasar ni Raine.
"Iiyak na yan! Iiyak na yan!" sabay sabay silang lahat.
"Eh, di umiyak siya. Wait lang, heto oh, tissue pamunas bigay ninyo sa kanya,” walang konsensiyang dagdag ko pa.
"Liam, di ba sabi mo kanina marunong ka rin mag-drums at keyboard? Sample naman,” pag-iibang topic ni Ernel. Siguro, naawa ito dahil hindi ito umimik matapos kung ipagtabuyan.
"Buti nabanggit mo, Ernel. Ryze , wala na pala si Onin. He dropped out kaya wala na tayong keyboardist.”
"Seryoso ka, Raine? Nakita ko siya sa bar last week wala naman nabanggit sa’kin."
"Nag-kita kami nitong Wednesday lang."
"Did he mention why he dropped out?"
"Umuwi na raw erpats niya galing Saudi kaso may cancer. Kaya hindi muna siya mag-aaral this year."
"Oh, no! Bakit hindi niya man lang nabanggit sa’kin?"
"He wants it discreet, knowing you, kululitin mo siya. He doesn't want pity from us."
"Tulongan siya? Bawal ba yun?"
"Well, we can do something for him. Puntahan kaya natin sa Nabua sa Sabado, para mabisita na rin natin si Tito," suhestiyon ni Raine.
"I'm cool with it, payagan ka naman ba ng girlfriend mo?," humarap ako sa tropa at nagtanong sakanila," Okay ba sainyo? Bisitahin natin si Onin at family niya bukas?"
"Kol." ani Migz and Jaycee.
"Were in," sabay na sagot ni Nica at Ernel.
"I'm in," sabi naman ni Raine.” Pero, paano yan wala tayong keyboardist?"
Natigil ang pag-uusap namin ni Raine ng biglang nag-salita si Liam. "I can play keyboard. I volunteer."
Wala pa man sumasagot dito ay pumunta na siya sa may keyboard and he started playing the intro.
"Ryze, can we have him in? Please?” paki-usap ni Raine.
"No! Hindi pwede! Iba na lang, wag lang siya.”
"Ryze, please, we need him,” Raine pleaded again.
"Hindi natin siya kailangan, if we need keyboardist, Nica knows how to play keyboard too. Si Nica na lang,” giit ko dito.
"Don't be a brat! We are known for a lady drummer, not a lady keyboardist. Remember that makes us unique,” pa-sigaw na sagot ni Raine sa’kin marahil ay naiinis na rin sa kaartehan ko.
"Ako Raine? Brat? Kung sabihin ko kaya kay Sister Trini na wala ng battle of the bands and she may put us back to our PE Classes. Gusto mo? So, you can play basketball again and girls will go gaga about you and you will lose your ever dearest girlfriend Jamie Samantha Soriano."
"Walang ganyanan, Ryze. Pinaghirapan kung makuha ang matamis nyang oo."
"Then, do as I say."
"Please Ryze, we should hear him play. If he is not good as Onin, then... we are not taking him."
"Fine!"
Hindi pa namin sinabi na magsimula na siya. Liam already started playing intro of the Thousand Miles by Vanessa Carlton. Pabida talaga! But, the song itself draws me in. Pati ba naman fave song ko alam niya? Infairness magaling siya mas magaling kay Onin. Lahat kami natahimik. Maliban kay Ernel na sinabayan si Liam. She was singing while his playing. Grrrrr pa-pansin talaga!
"Fine! His in,” walang emotion na pag-payag ko sa kagustohan ni Raine.
"Thank you, princess.” I heard him mumble. He walked closer to hug me.
I raised my brows at him and motioned my hands,"Stop! Feeling close? Excuse me, we are not close. Nahawakan mo lang kamay ko kanina feeling mo close na tayo? Wag ka ngang lapit-lapit sa’kin. How many times ko ba kailangan sabihin sayo na-alibadbaran ako sa pag-mumukha mo!”
"Lovers tama na yan, practice na tayo,” pang-aasar ni Raine. Patay malisya naman si Ernel at Nica. Mukhang nakikisakay din si Jaycee at Migz.
"Mukhang magaling naman itong si Liam," sabi ni Migz
Nagpractice na nga kami. Dahil Vanessa Carlton ang audition niya. Yun na rin ang prinactice namin for the show sa bar bukas ng gabi. Naka-apat kaming rounds. Almost 8:00 pm na ng matapos kami. Sinabay naman ako ni Raine sa motorsiklo niya. On the way kasi ang bahay nito sa bar where we work.
Originally, ako lang ang nagtatrabaho dito sa Tropa Resto bar, isa itong bar and grill restaurant. Side-job ko lang kasi nga pina-ninidigan ko ang pagiging independent. Minsan sinama ko ang tropa. Nagkataon wala mag-perform kaya nakiusap si Sir Drew, ang may ari ng bar kung pwede kami tumugtog kahit isang kanta lang.Madami na kasing tao at nakapagbayad na ang mga ito. Noong una, ayaw nila Raine, but I volunteered and I made a good bargain. Tuwing Sabado lang naman ng gabi ang performance. Eventually, na-gustohan na rin nila ang regular Saturday gig.
We signed a contract for a regular show. Every Saturday depending on our availability because we are college students. Si Sir Drew ang naging manager namin at siya na rin ang nagbigay ng pangalan sa banda namin and he called us “Tropa Band.”
The band consists of Raine ang lead vocalist, Jaycee ang lead guitar, Miguel vocalist and guitar. Si Nica and Ernel minsan sumasama din sa amin. Vocalist si Ernel at keyboardist naman si Nica. Pareho silang saling pusa lang sa banda. Si Onin keyboard at ako ang drummer.
Sumasali kami sa mga battle of the bands. Representative kami ng university. Depending champion kami sa nalalapit na competition ng mga banda this coming September, “The Heart of the City Battle of the Bands”. Iba’t ibang banda ang kalahok dito. Nagmula pa sa iba-ibang probinsiya sa Bicol Region. Kung papalarin pangatlong taon na naming kampeon. Marami-rami na rin kaming tagahanga. May umalok na rin na mga recording agency. Ngunit ang pagbabanda ay nananiting hobby lang namin at ang pag-aaral pa rin ang priority ng tropa.
At the bar...
“Ryze, late ka?”
“Busy ngayon sa school Sir Drew. Katatapos lang mag-practice ng tropa. Malapit na po kasi battle of the bands. Sorry po.”
“Okay lang, wag ka na mag-palit. Walang masyadong customer ngayon. Pinag-paalam ka sa’kin ng kapatid ni Logz, may lakad raw kayo.”
“Kapatid ni Logz? Sinong Logz po Sir Drew?” kunot-noo na tanong ko dito.
“Nag-hihintay siya sayo, table seven.”
“Okay po.” Para naman ako nitong nasa nag-work sa night club may naghihintay na customer sa table. Pinuntahan ko naman ang customer naghihintay sa akin sa table seven.“Hi, princess!”
Ang mayabang na si Liam pala. Shocked and anger consumed me. Sinasagad ang pacensiya ko ng lalaking ‘to. Si Kuya Logan, ang Logz na sinasabi ni sir Drew. Hindi talaga titigil ang isang ‘to. Magde-deny pa na hindi stalker ngunit hanggang dito sinusundan ako.
“Cupcake!Hindi mo talaga ako tatantanan?” bati ko dito na puno ng sarcasm.
Hinila ako nito sa tabi niya,“Strawberry, I want to understand why you need to work? You're the heiress of Fuentebella yet you're working as a bartender and a band drummer? Anong kalokohan itong pinasok mo? Hindi ako papayag magtrabaho ka! Kakausapin ko ang Papa mo.” Seryoso tono nito. At himala hindi ko ramdam ang kayabangan nito. Kakaibang Liam ang nasa harapan ko ngayon. Hindi ang mayabang at mapang-asar na lalaki sa eskwelahan but a concerned friend. Pero syempre hindi dapat magpadala sa pa-concern strategy n’ya.
“Kalokohan? It’s none of your business Liam! Tsk! Papa allowed me to do so. Sino ka para paki-alam ang buhay ko, aber?” Hindi ito sumagot bagkus tinitigan lamang ako nito. Since pinag-paalam mo naman ako sa boss ko,uuwi na ko. Bye, cupcake!” ngiti-ngiti kumaripas ako ng takbo. Buti na lang at may tricycle na pumarada sa tapat ng resto bar. Wala ng time para mag-pasundo pa ako kay Manoy Bernie. Nag-commute na lang ako.
Pagkarating ko sa tapat ng bahay. Nakaparada sa labas ng gate ang kotse ni Liam. Nakasandal ito sa kotse at matiyagang naghihintay. Anong ginagawa n’ya sa tapat ng bahay ko?