Chapter 42 HINDI ako agad nakatulong nong gabi na ‘yon, hindi ko na rin nakausap si Hendrix o kahit na sino sa mga gems ang nagpakita sa ‘kin para pakalmahin ako o sabihing tama ako at mali sila sa paniniwala ng batas sa Onyx lalo na sa Linux. Gising na gising ang buong diwa ko, ang daming pumapasok sa isip ko at gumugulo sa mga oras na ‘yon. Hindi ko pa rin sila sa mapapatawad sa ginawa nila kay Io. Nanatili lang akong nakaupo sa dulo ng kama, hindi pa rin nakakapagpalit ng uniporme at hinayaan ko lang ang sarili kong matuyuan ng basa sa katawan. Napasulyap ako sa awang pinto sa paanan nito ng may mapansin akong may humarang sa liwanag na nang gagaling sa labas. Matagal at malikot ang mga paang naroon. Ang alam ko tulog na ang lahat. Hindi kaya gems ang mga ‘yon? Lalo akong nabigla n