Chapter 46 NAPASINGHAP ako nang ako’y magising mula sa panaginip. Sinalubong ako ng madilim na kakahuyan at mga puno. Sa unang tingin ang akala ko nagpakita muli ang mga kaluluwang tumulong sa ‘kin na makatakas ngunit bumungad sa ‘kin ang tatlong maskara at mga nakaitim na toga. Wala na si Athran at hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nawalan ng malay. “Ayos ka lang ba?” Tanong ni Allisya nang alisin niya ang maskara niyang suot at pinatong sa ibabaw ng ulo niya. Hindi ako agad nakapagsalita nong tinulungan nila akong makatayo, inayos nila ang punit sa balikat ko at do’n ko lang napagtanto na wala na akong nararamdaman na sakit katulad kanina. “Kailangan na nating umalis bago pa man makita ka nila rito,” sabi ni Fiona. Lumapit si Hamish sa punong malapit sa amin, tinapat n