Chapter 22.. NANG MAGISING siya agarang nakaramdaman siya na tila may nakapatong sa bewang niya. Ngunit inignora niya iyon dahil habang nakapikit parin pero siya gising na gising ang diwa niya. Na alala niyang nakatulog pala siya sa sofa kakahintay sa binata kaya Segundo at iminulat niya ang dalawang mata. Pero akma na siyang gagalaw ng manlaki ang dalawang mata niya sa nakita. May kamay na nakapatong sa bewang niya. At hindi siya nagkakamaling kamay iyon ng binata, ganoong sila lang dalawa ng binata ang nakatira sa bahay. Paanong nangyareng naging katabi niya ito? At paanong nakahiga siya ngayon sa kama niya at kasama niya itong natulog doon? Kusang napangiti ang gilid ng labi niya. Nakaramdam siya ng kaunting kilig sa katawan ng mga oras na iyon. Gusto niyang lingunin ito para tin