Chapter 2

2061 Words
Chapter 2 "Ooppss boy," ulas sa labi ni Nadine kasabay ng pag angat ng kamay niya. "Wala kang ibidensya?! Kaya huwag kang magbibintang!" asik niyang wika sa kaharap na lalaki. "Baka sa prisinto tayo mag abot at ipakulong pa kita, maka bintang ka wagas, huh! Baka ipapulis kita sa mga maling iniisip mo!" dagdag pa niya habang nagtuturumpitan ang laway. Pinapalakas niya ang sarili sa kaharap, pero iba ang kutob niya. Sa nakikita niya tama nga ito na baka siya ang nakabasag sa likuran ng kotse nito. Dahil nakailan beses siyang bumato at hindi niya alam na sa kotse nito tatama ang mga batang iyon. Pero puwwdedin iba ang gumawa non, pero sa kutob niya tipa siya talaga ang nakabasag nun. Kaya kailangan niyang sindakin ang binata. Wala siyang perang pampagawa ng kotse nito. Ang masakit pa, baka angsinasabi niyang ipakukulong niya ito dahilan sa pagbibintang baka sa kaniya pa nito gawin iyon. Ilang segundo nararamdaman na niyang nangangatog ang kaniyang dalawang tuhod dahil mukhang mayaman yata ang binatang kaharap. At madali para dito ang hilahin siya sa presinyo lalo na nabanggit niya ang police. "Paktay na.." pabulong niyang saad na siya lang ang nakakarinig. "Aba't--- urgh!!" gulat na wika ni Jacob, "Ikaw yung tumatakbo! And i 'am sure yung lalaking dumaan dito, yun yung hinahabol mo!" madiing wika nito sa kaniya, at itsurang hindi yata siya makakalusot, "At sigurado sayo galing yung mga batong nagliparan papunta dito sa kotse ko!" bulyaw pa nitong sabi sa kaniya. "Alam no naman pala eh!" madiin niyang sagot. Kailangan niyang maging matapang. Kung hindi, hindi malayong sa kulungan na siya mabubulok, "Bakit hindi mo hinarang?! Bayagan kita dyan e!" matapang niyang wika, kailangan niyang ipakita na wala siyang inuurungan. At para masindak niya ang kaharap. "What the--- Ipagawa mo yung kotse!" galit na bigkas ni Jacob sa kaharap tila siya pa yata ang tinatakot ganoong halatadong ito ang nanira sa sasakyan niya, "Dahil alam kong ikaw yung may gawa n'yan!" pabulyaw pa niyang sabi. Kung susuriin ang dalaga, may maganda itong mukha na bilugan, kaya nga lang natatakpan ito ng kadungisan. Naka sombrero ito ngunit pabaligtad. Pero hindi niya mahulaan kung lesbian ba ito o babae. At kung babae ito tiyak maraming lalakeng magkakagusto dito. May dala din itong box na pahaba na tila nagtapunan ang mga laman 'non dahil sa pagtakbo. May natira pa itong i ilang candy. Pero akma na ring pahulog. Hindi mapigilan nabigkas ko, "Shit!" habang nakatingin sa Ferarri Car ko. Dahil ang paborito ko'ng hindi ko lubos maisip na ngayun ay wasak ang likuran at ang masakit plat pa ang gulong. "Buhay nga naman oh.. Tapos makakatagpo ka ng ganitong babae. Oh lord give me patience!!" nagtitimping pabulong habang umiiling. "Boy! Kung pinigilan mo yung lalaking nagnakaw ng bag ko, hindi ko sana mababato yung kotse mo." sabay napahagod ako ng tingin sa kotse nito. Hindi maiwasan mapalunok sa nakita. "Grabe saan ako kukuha ng ibabayad dito? Aray kopo! Ninakaw na nga yung pera ko, pagbabyarin pa ako." pabulong na sabi ni Nadine habang patuloy na nakatitig sa kotseng wasak ang harapan. Maangas itong vendor girl na ito. Tingnan natin. Saka kumibo ulit siya, "Diba ang sabi mo sa presinto tayo mag uusap? Okay, Lets go! Ayoko ng maraming usapan!" bulalas na lang niyang wika sa dalaga. Itsurang ayaw patalo sa kaniya. "Ha?" Namumutla nitong sagot sa akin. "Ang sabi k—." hindi na niya naituloy ang sasabihin. "1, 2, 3! Takbo Nadine!!" kumaripas ako ng takbo. Wala akong kawala dito dahil saan ako kukuha ng ibabayad para ipagawa ang kotse nito. Yung makain nga namin magkakapatid kulang pa, ito pa kayang ipagawa yung kotse nito. Kung makukulong ako paano na ang mga kapatid ko? Tumatakbong wika ng isip ni Nadine. Kailangan niya matakasan ang may ari ng kotseng nasira niya. At ng lingunin ko ito, tumatakbo rin ito ng nakasunod sa akin ngunit malayo ng kaunti sa akin. Lalo siyang kinabaham sa nakita, talagang hindi siya hihintuan nito. Kaya lalo siyang kumaripas ng takbo habang nililingon ko ito. "Stop!! Bitch girl Stop!" hiyaw ko sa babaeng kumakaripas ng takbo. Ano bang ginagawa ko? Kaya ko namang ipagawa yung kotse ko bakit hinahabol kopa itong bitch girl na ito? Mabuti na lamang at walang masyadong tao at walang nakakilala sa akin. Gaya ng babaeng ito. Mukhang hindi sya nakilala o kilala. Maya at napahinto siya habang nakatingin sa dalaga, alam kase niyang babangga ito sa isang posted dahil hindi nito tinitingnan ang dinadaanan nito. At hindi nga siya nagkamali nangyare nga iyon. Bbllllaaaaaggggsss!! "Aray!!" ani Nadine. Pakat sa isang poste ang katawan nya dahil bumangga sya doon. Hindi niya napansin kakatingin niya sa lalakeng may ari ng kotse babangga na pala siya sa isang posteng hindi niya alam kung tanong kalseng poste, "Nasa heaven naba ako?" pabulong niya tanong, sabay napalupasay ako sa simento at nagpatay patayan habang nakikita ko'ng papapalapit si boy. "Hoy gumising ka dyan! Gising!" Dinig ko'ng sabi nito ilang segundo ng makalapit ito sa akin. Ayokong imulat ang aking dalawang mga mata, para mapagkamalan ako nitong patay na. "Hoy miss! Are you dead?" tanong nito habang kitang kita ko itong pinagmamasdan ako. Segundo natahimik ito habang patuloy sa pagmasaid sa mukha ko, mamaya at nagsalita din ito. "Ok, i will call the ambulance. Doon na lang tayo mag usap sa pulisya, pag okay kana." aakma ng tatalikod si Jacob para iwanan ang dalaga, pero biglang napabangon si Nadine sa pagkakahiga sa simento. "Ambulance?!" mabilis niyang wikang patanong. Wala na ngang makain magbabayad pa ako sa hospital? Kaya bigla akong napatayo. "Okay na 'ko boy! Ok lang." habang hawak niya ang ulong nanakit. Nakita niyang tumango ang allaking kaharap. Matinde itong babae na ito! Bumangga nasa poste nakatayo pa. Anong klaseng tao ito? Hindi nakatiis, nagsalita ako, "Ipagawa mo yung kotse ko, kung ayaw mong ipa pulis kita." wika niya sa dalagang hawak ang ulo, pero mahinahon ang boses niya. "Maniwala ka boy, wala akong pampagawa ng kotse mo. Ninakawan ako ng lalakeng iyon. Kung meron man para na ito sa mga kapatid ko." paliwanag ko sa lalaking nakatunghay sa akin. Kung magpapakitang matapang pa ako, baka lalo lang akong mahirapan sa pakikipag usap dito. Lalo na at hindi maitatangging mayaman ito. "I dont care! Nakikita mo ba yung kotse ko?" sabay turo niya sa malayong kotse niya, "That is a Ferrari car! And this one it is my favorite car!" bulyaw ko sa babaeng nakatingin sa akin. Paano ba sasagutin ito ng english? Putik naman oh. Hirap ng walang pinag aralan! "And this two is my paburitong bubble gum." umalpas sa labi niya, sabay dukot sa box ng isang bubble gum at ipinakita sa lalakeng nag english. "Damn! I dont like a joke!" Naaasar nyang sabi dito, sabay malakas na hinawi ang kamay nito at tumalampon ang hawak nitong inaabot sa kaniya. Hindi niya malaman kung candy ba o ano ito. "Sorry ka boy dahil wala ang dam dito. Saka bakit balak mong pakawala ng tubig?" dinig niyang sagot ng dalaga. Malakas na napabuga siya ng hininga. Ayaw niyang maubos ang oras niya. At kung alam niyang ganito lang ang mangyayare sa pamamasyal niya. Hindi na lamang siya sana lumabas ng kuwarto niya. Nagkulong na lamang sana siya! "Oh, shit! Ang sarap manakal! Give me you're name!" nabigkasa na lamang niya. May naisip siya. Madalas kong naririnig ang salitang yun, kaya naiintindihan niya iyon. "Mangko K. Kulam." ulas sa bibig niya. Bakit niya sasabihin ang totoo niyang pangalan? Nakita niyang kumumot noo ang lalakeng kaharap. At itsurang pikon na pikon na sa inulas niya. "I said, i dont like a joke!" bulyaw niya dito. At napatitig sa nakasabit nito sa leeg. Pero tila agarang nabasa nito ang naa isip niya dahilan biglang hinawakan nito ang sana'y hahawakan niyang I'd nito. "O.o.oh.. Pag hindi sayo huwag mong pakielamanan boy." saka hinigpitan ang pagkakahawak sa id na inilihis sa akin. "Give me you're true name please." nagtitimping wika niya. "Mangko K. Kulam nga!" malakas na niyang sabi, hindi niya puwedeng sabihin ang totoo lalo na mamahalin ang kotse nito. Sa pikon ni Jacob, mahigpit na hinawakan niya ito sa pulsuhan dahil balak nya talagang dalhin ito sa presinto at doon mag usap na lamang. Pakiramdam niya hindi ito makaka usap ng matino at tila baliw itong kausap. At baka maisipan ulit nitong tumakbo pag nakita nitong pumara sya ng kotse kaya maisipan narin niyang gawin iyon. Pansin pa naman nyang tila may lahi itong kabayo sa bilis tumakbo. Kung hindi pa nga ito nabangga sa isang poste hindi niya ito maaabutan. Dahil napansin niyang may paparating na taxi, agaran niya itong pinara. "Sshaan tayo p.pupunta?" nauutal na tanong ni Nadine. "Diba sabi mo ipapakulong mo ako dahil pinag bintangan kita? Ok! You will do it!" Tutuusin hindi talaga niya ito papatulan, pero hindi ko rin matatanggap ang sinabi nitong ipapakulong ako dahil ako daw ay nag bibintang. "Shit! Crazy poor girl!!" Pumapatoo siya sa mga babae lalo na pag asal kalye! At ng makapasok sipa sa loob ng taxi, napatda ang driver na parang kinikilala siya. Mabilis na iniiwas niya nag dalawang mata, "Manong sa presinto tayo." wika niya na iniiba ang boses ng sa ganoon mawala ang namumuo nito sa isip. Sumingit naman si Nadine, "Huwag manong! 9 ang ank ko. Naglilihi pa po ako. Maawa ka. Huwag mong iandar yung kotse." dinig niyang pagmamakaawa nito. Napatingin ako dito at napahagod sa katawan nito. Totoo kaya sinasabi nito? Mukha kaseng hindi halata sa katawan nito. Dahil may suot na headset ang driver tila bingi ito na hindi man lang kami nilingon at walang pakialam sa tinuran ng babaeng kasama ko. Nadinig na naman niyang nagsalita ang dalaga, "Manong driver. Gagawin kitang ninong sa ipinagbubuntis ko! Mag kumpare tayo. Pwede din kitang gawing ama ng ibinubuntis ko." sabay napangisi pa si Nadine sa nabigkas niya. Dahil napatingin narin sa kaniya si manong driver at parang narinig narin yata ang kanyang sinabi. Kaya napalunok siya. Tila nagsisi sa, mga tinuran niya. Paano nga kung maniwala ito sa diansabi niyang, —puwedeng maging ama sa pinag bubuntis njya. Weeh! Ilang Segundoanging tahimik silang dalawa, mabilis din narating ng driver ang presinto, "O naandito na po tayo." wika ng driver sa kanilang dalawa. Kumapa sa bulsa si Jacob para kumuha ng pera. Ngunit wala syang cash! Naalala nga pala nya puro credit card ang meron sya. "Nadali na!" "Manong driver pwedeng utang muna. Wala akong cash!" pakiusap niya sa driver na naghihintay ng bayad. "Ano to modus?!" bulyaw na tanong sa kaniya ng driver, "Hala akina yung bayad nyo! Lintik kayo! 10 ang anak ko. Marami akong binubuhay na tao, bawal ang libre ngayon! Mahal ang gasolina." dinig niyang wika nito. Hindi maiwasang napakurap kurap siya ng dalawang mata. Damn! Ano ito padamihan ng anak?! Kaya walang nagawang kinalas ni Jacob ang kaniyang relo sa pulsuhan at saka mabilis na inabot sa driver. Napatingin ang driver sa akin at nagtanong. "Original?" tatango na sana siya ng biglang kumibo ang dalaga sa tanong ng driver. "Ayaw mo? Palit tayu." sa isip sayang ang relo ng binata, at itsurang mamahalin, "Kung ayaw mo palit tayu, yun nga lang uuwe mun ako samin para kuhanin." nakangising wika niya. "Sarap palipitin ang leeg ng babaeng ito!" Urgh!! hayun na naman at narinig niya ang boses ng babae. "Ayaw o gusto?" ulit na tanong nito. "Hala! Bumaba na nga kayo! Sinasayang nyo ang oras ko!" wika nito, nagkatinginan sila ng binata. Ngayun lang niya napansin, guwapo pala ito. Noong nasa loob na sila ng headquarters ng police. Nagpa pasalamat si Jaob at hindi siya nakilala ng mga pulis na kaharap. At agarang pinaupo kami sa harapan ng table nito "Sir and Maam. Anong pong naging sadya natin? Ano pong problema ninyo ni Ma'am, Sir?" bungad na tanong ng hepe sa amin ng makaupo kami sa harapan nito. Mabilis akong tumayo sa pagkaka upo. Kailangn ko'ng magpatiuna kesa maunahan pa 'ko ng allaking yan, "Ako si Nadine Lumantod, may 9 na anak. 26 years old. Hinipuan po ako ng lalaking yan! Nilapi lapirot po ang aking dibdib. At pagkatapos non, ano na nga ba? Pagkatapos non pinagsamantalahan po ako! At sinipsip ang aking kaibuturan." I smirked. "Damnit!! What did you saying Mrs Malantod?!!" bukyaw ko sa dalaga, matapos tinanggal ko ang shade ko sa pagka gulat dahil sa pinagsasabi ng babaeng ito. To be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD