“Sab, kanina ka pa diyan?” tanong ni Harika na tulad ng mga kasama nitong sina Brielle at Lizzy ay halata ang pagkagulat sa tila bigla na lang na pagsulpot niya. “Hindi naman masyado,” hindi komporme at palipat-lipat ang tingin ng mga mata na tugon ni Sabrina kay Harika. Patuloy ang tinginan nina Lizzy at Brielle na para bang nabuko ang mga ito sa kung ano. Ano bang pinag-uusapan ng mga ito tungkol sa kanya habang wala siya’t nakatalikod siya sa mga ito? “Pero narinig kong binabanggit ninyo ang pangalan ko. Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?” direkta at prangka niyang tanong sa mga ito. Brielle turned to her and smiled softly, na parang nagigiliw ito lalo sa kanya. “Of course. Miyembro ka na ng organization na pinangungunahan namin kaya natural lang na may mga times na pinag-uusapan ka n