Chapter 1 (Meeting you)

582 Words
Chapter 1 (Meeting you)  Kinabukasan ay agad akong napunta sa city office, ang tumawag kahapon sa akin ay walang iba kundi ang mayor ng lugar namin. Ba’t ba pag naririnig ko kahit sinong boses ng lalake, ay iniisip ko palagi si Light? Pagpasok ko sa office nung lalakeng tumawag, nakita ko agad ang bag ko doon kaya niyakap ko ito at hinalikan sa sobrang kasiyahan. "Buti na lang nakita kita, ikaw lang yung hindi mahal pero hindi ko iiwan." sabi kong nangingiyak. Pag eto sumagot, iiwan ko to ulit dito. "Weirdo, bag na bag iniiyakan." may narinig akong boses ng lalake mula sa likod ko kaya napalingon ako sa kaniya. Naka ilang kusot ako sa mata habang tinitignan siya. Am I dreaming? Hindi ako si sleeping beauty pero nakakakita ako ng lalakeng akala ko sa panaginip ko lang makikita.  Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. From perfect body posture to very perfect features. Nakakapangliit naman ito ng sarili lalo na’t nang naglakad siya palapit sa akin. Feeling ko tuloy hindi ako naka abot ng 5'3, eh sa hanggang leeg lang ako niyan eh. Nakabalik lang ako sa wisyo nang itinaas niya yung baba ko at para isara ang nakanganga kong bibig.  Fern! Ano ka ba! Keep the aura! "Miss, alam kong nabighani ka sa. Pero hindi mo kelangang maglaway sa harap ko. Hindi kailangan." Nakangisi niyang aniya. Ano? May hanging biglang dumaan sa gitna namin. Ang yabang ah! “H-hoy! ako nabighani? Kung alam ko lang na ninakaw mo yung bag ko, guwapo ka nga magnanakaw naman!" Paiba ko ng usapan, bigla niya akong tinignan mula ulo hangang paa atsaka siya mayabang na ngumisi. "Ako magnanagaw? sa yaman kong to! babaeng mukhang paa! Pasalamat ka sinauli ko pa bag mo, hindi ako nagnakaw yan, kundi pamankin ko, sadyang makulit lang yang kamay ng batang yan kaya niya kinuha yang mumurahin mong bag. Ang yaman ko tapos pagkakamalaan mo akong magnanakaw." Mayabang na pagmamalaki niya sabay ngiwi ng pulang labi. "Edi thank you! teka nga lang, anong babaeng mukhang paa? Excuse me, ang sabihin mo babaeng mukhang dyosa!" Pagtatanggol ko sa sarili ko. Bigla siyang tumawa ng malakas habang hawak hawak ang tyan, yung bata na katabi niya kanina biglang natulala sa inasta niya. "Hayop! Mukhang dyosa? What do you mean? maganda ka na?"tanog niya. Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa. "Maganda ka nga." sabi niya ng marahan. Bigla akong namula. Palabas na sila ng opisina kasama yung bata.. Isasara na sana niya ‘yong pinto pero binuksan niya ng kaunti at humarap sa akin sabay sabi nang mga nakakalokong salitang to na uminit sa buong pagkatao ko. "Sa ngayon papalagpasin pa kita kasi hindi mo pa naman ako kilala, pero pag nagkita tayo ulit, humanda ka sa nakakabahalang parusa..” “...ah, aaminin ko maganda ka nga." ngumit siya ng napakatamis pero napakadelikado. Maganda na sana ‘yong sinabi niya pero... "maganda ka, mula paa hanggang leeg” Tapos isinara na niya ‘yong pinto habang dinig na dinig ko pa ang tawa niyang hindi ko mahanap kung saan ang nakakapagpakiliti roon. Kinuha ko ‘yong tsinelas ko at tinapon sa pinto. Pasalamat siya hindi siya tinamaan. Nakakairita talaga! "Manong pogi sino ‘yon?" tanong ko sa matandang nakaupo na kanina pa walang imik. Tinignan ako noong matanda na para bang hindi makapaniwala sa mga salitang binanggit ko para sa kanya. May pumasok na babae na may dalang kape. "Mayor eto na po kape niyo. Magkape po muna kayo" sabi noong babae at iginaya sa kanya ang dalang kape, napatulala ako sa kahihiyan at dali daling lumabas. Sana hindi maging headline bukas na tinawag kong manong pogi si mayor.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD