Chapter 2 (Meet Mr. Worst)

2096 Words
Chapter 2 (Meet Mr. Worst)    Ace Alden Park's POV "Dance! I want you to dance!! Dance!” Pakiusap ng walang hiyang, walang galang na batang ito. Ilang beses ko ba sabihing ayaw kong sumayaw, Damnit! Bakit kasi sa akin to iniwan ng napakagandang kapatid ko. Kaya ayaw ko ng mga bata. Sakit ng ulo! Napunta sa akin ang unanong ito dahil pumunta ang mga magulang neto sa ibang bansa para mag honeymoon at yung baby sitter nito nag date sa syota niyang walang ligo.   Napagkamalan rin kami ng magnanakaw ng babaeng mukhang paa kanina dahil sa makati ang kamay ng batang ito. Bumaba lang  ako para bumili ng Ice Cream tapos pagbalik ko, nasa sasakyan nga ‘yong bata na may dala namang bag na ewan ko kung kanino. nakuha niya daw doon sa waiting shed.   “Quiet! I will sell you to old man if you insist. Go to sleep!” pagdidisiplina kong pasigaw sa batang kanina pa talon nang talon dahil gusto akong pasayawin. Tumahimik naman siya at pagkatapos ay umiyak. Oh, holy god. Kaya naman ay tinawag ko ‘yong isang katulong.   “Marda!” pasigaw kong ani. Nakadamit siyang katulong na sobrang ikli nang pumasok at lumapit. May nakikita na akong maitim na kutis sa ilalim ng saya.   “Uh, yes sir?” halatang pinilit iyang paakitin ang boses niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.   "Patulugin mo ito, kung ayaw mong papatulugin ko ang buhay mo." Nababadtrip kong sabi. Biglang nanlaki ang mata niya marahil ay sa akot atsaka siya lumapit sa bata. pero ‘yong bata ayaw sa kanya pero alam niyang wala siyang magagawa. Ano gusto kong gawin niya ay dapat ginagawa niya. Narinig ko pa siyang bumulong sa sarili niya bago ako lumabas ng kwarto.   "Okay lang sana patulugin moa ng buhay ko sir basta ba’y katabi kita."   Pumasok ako sa kwarto at nanood ng palabas. Maya maya biglang tumunog ang akin telepono. Sinubukan kong abutin ito gamit ang aking paa pero hindi ako nagtagumpay. Inis akong tumayo at hinablot ito.    “Hindi ba uso ang hello, mahal na kaibigan?” ani ng kaibigan kong si Froze sa kabilang linya.              “Tang*na naman, ano ba kailangan mo?” sagot ko sa kanya.   “Want to hang out?”               “Para saan?”   “Let’s celebrate! Nanalo ang Miami heat bro!”    “’Yon lang ba?”    “Bakit ayaw mo? Takot ka ba sa pustahan? G*gong to, narinig ko pa siyang nag smirk.    “Sira ba ‘yang utak mo, ba’t ako matatakot. Pupul ka.”    “Good, so Im hangi-----”   Inunahan ko na siyang ibaba ang phone. Isa sa mga ayaw ko na inu-unahan akong binababaan ng telepono. Sakay ng Mercedes benz nakarating agad ako sa bar na tinatambayan namin. Pagpasok ko may narinig akong bulungan at kaunting tilian ng mga babae.   Sa lahat ng ayaw ko ang mga tili ng babae. Nakakarindi. Dahil sa ingay ng mga nakaka isyuso, pinasara ko na ‘tong bar at kami na lang ang natira ngayon.   "F*cker! Andaming chick kanina, ba’t pina-alis mo!" pagmamaktol ng kaibigan kong babaero---si Vien.   "Tsk! andaming gago kanina! Ang sarap sanang mambugbog!" sabi naman ni Hermen na basagulero kong kaibigan.   "Nagsasaya ang tao dito, pinaalis mo na lang basta basta" kalmadong sabi ni Owen, ang pinakatahimik kong kaibigan.   "Di na kayo nasanay sa kaibigan natin." tawang sabi ni Froze.   "What dare to spill out. Natalo ako sa pustahan." Tanong ko atsaka uminom ng alak.   First time kong natalo ng mga taong ito. Hindi ko sila kaibigan tinopak ata ako kaya ko nilapitan tong mga gagong to nong nabugbog ako doon sa mga gangster sa daan.   Tinuro nila ‘yong isang babae na nilasing ata ni Vien kaya natulog sa isang sofa sabay ngumiti sa akin na parang may binabalak na masama.   "Alam mo na gagawin mo Ace." pagkasabi niya noon. Pilit kong pinapakalma ang loob ko pero gusto ko nang magwala.   "Empyerno, gusto mo?" Buntong hininga kong sabi.   "Binibigyan ka na ng langit ngayon gabi ayaw mo pa." Taas kilay na sabi ni Vien.   "Bet is a bet." Ani Hermen.   "Baka natatakot ka Ace?" tanong sa akin ni hermen, naghahamon.   "Sino sabing takot ako jan?" paghahamon ko atsaka lumapit doon sa babae, kinarga ko ito at ini-akyat. May kwarto kasi sa bar na to, pero exclusive para lang sa amin, especially kay Vien na sobrang hilig sa kama.   Narinig ko pa si Vien na may sinabi.   "Pagkatapos mo, ako naman ah. Share share!" sabi niya at tumawa.   Akala niya siguro, ang isang babae para lang laruan kahit anung oras pwedeng tirahin. Well, nakadepende ‘yan sa pag uugali nila. Binaba ko sa kama yung babae natigilan ako nong pinagmasdan ko ng husto ito atsaka ko hinawi ‘yong buhok niyang nakaharang sa mukha.   Doon ko lang napagtanto, kaya pala mabigat at hindi malambot.   Bumangon ‘tong halimaw na ‘to sabay ngiti sa akin, ngiting naglalandi.   "Hi! dear Ace!"   Pumikit ako habang nakatingala.  Langit nga! pwes ipapakitim ko sa‘yo ang langit sa lalakeng nagpapaggap na babaeng ‘to.   "F*cuker, Vien!"   "Lord patawad!" ani Vien sabay sign of the cross.   "Ano ready ka ba sa langit na sinasabi mo?" tanong ko kay vien.   "Mas gusto ko pa ata makatikim ng empernyo mo Ace." Aniya naiiyak. Gusto ko yan, sige iyak pa.   "Next time na ‘yon, langit muna ngayo. Sige pasok!" sabay tulak ko sa kanya sa pinto at isinara ito at nilock.   "Dear Vien, my dear! Ano gagawin natin ngayon fafa vien?"   "lumayo ka sa akin! Ayaw ko mabahidan ng kabaklaan!”   "Nice Ace"pagpupuri ni Hermen, tumatango.   Nagsimula na akong maglakad pababa. Sumunod naman ang tatlo sa akin.   "Sige ,dahil mabait ako. tama na yan." sigaw ko sa kwarto kung nasaan si Vien.   "Salamat Ace! Hinulog ka talaga ng langit!" para siyang nakahinga ng maluwag.     "As if naman mabubuksan niya ‘yong pinto" tawang sabi ni Froze. Tumawa rin ako. Wala akong plano na buksan ‘yon.   "Hindi pala Ace, sinipa ka mula sa langit!" ani Vien.   Yan, tama yan.  Yan ‘yong gusto ko sa mga kaibigan ko nabubuwisit sa akin.    Lumabas na si Vien at kasalukuyang pinupunasan ang mukha niyang puno ng lipstick.   "Heaven’s good?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako ng masama at tumawa ng mahina.   "Mukha mo!" sigaw niya. Aba lumalaban.   "tss…" dugtong ko sa sabi niya, inarapan lang ako ng mokong. Uminom kami ng uminom hanggang naalala ko yung babaeng mukhang paa kanina.   "Alam niyo kanina may na-encounter akong babaeng dyosa." sabi ko sa kanila,    Nanlaki ang mata nila na nakatingin sa akin para bang hindi mapakaniwala na may nagandahan akong babae sa unang pagkakataon.   "Ano Ace? love at first sight ba?" tanong ni Owen.    Umiling ako   "Eh sa second sight?" tanong ni Hermen.   "pwede!" sagot ni Froze.   Nag high five naman yung tatlong bobo.   "hanep bro may lovelife ka na!"ani Froze.   "E kung ipahalik ko sa baklang ‘yon?" suggest ko, natahimik naman sila.   "E bakit ba kasi bigla bigla mo na lang yang sinasabi?"ani Vien.   “Ganito kasi ‘yon...." at nagsimula na akong mag kwento,.pagkatapos ay natawa sila.       "Hindi mo na lang sinabi na paa hangang puso, para kahit paano kikiligin yung babaw sayo.” Ani Froze.   "gago!!! natatae ako pag nakakita ako ng babaeng kinikilig." Sabi ko naman sa kanya.   "Ano ba mukha nong babae Ace?" curious na tanog ni Owen.             Umiling naman ako at sumipsip ng alak. May hitsura naman pero hindi lang pasok sa standard ko.     "Pagnagkita kayo Ace, ano gagawin mo sa kanya?"seryosong tanong ni Froze sa akin na nagpahinto sa akin, ano pa ba ang ginagawa natin sa taong ganyan? sa taong kinokontra ako?             Umangat ang giliran ng labi ko na nagpapahiwatig na alam na nila kung ano ang gagawin ko.   Ano pa nga ba. Edi isang Empyerno.     Fern's POV   "Grabe naman ‘yon, maka insulto siya akala niya ang gwapo niya huh.” opinion ni rem nang sinabi ko sa kanya ang nangyari.   Kasalukyang lumalakad kami sa daan papunta sa building namin sa school ng hindi ko maiwasan ikwento tungkol sa aroganteng lalakeng nakilala  ko. ‘Yong nag suli ng bag ko.   "Oo nga e, akala ko nga e ambait na, ‘yon pala ang sama." sayang gwapo lang talaga pero yung igali ekis.   "Pshh, e ano mukha non?"curious na tanong ni Rem.   Nakayakap ako sa libro ko nang inangat ko ang ulo ko para alalahanin ang hitsura nong lalake "gwapo, mahangin lang.”   Tumango si Rem. Biglang sumulpot ang kaklase namin, kaya napahinto kami sa paglalakad.   "May artista" sabi nung tulo laway kong kaklase kaya naman tumakbo na ako. Mukhang kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya. May mga babaeng nagsiksikan, kaya nakisiksik na rin ako at doon nakita ko siya...si Light.   "Bakit may artista dito?"      tanong ko sa isang babae.   "dito sila magshoshooting"sabat naman niya.   Biglang hinarang ng mga guards ang mga studyanteng nakapalibot sa kanya kaya nagsi-alisan ‘yong mga studyante sa harap niya at para bigyan siya ng daan. Pero ako, hindi ako umalis sa pwesto ko, andon lang ako habang siya palapit na sa akin,   "Light" tawag ko sa kanya at ngumiti ng bahagya.   Tinignan niya lang ako at tinanggal ang sunglass niya atsaka siya ngumiti, at ‘yong hawak hawak kong libro ay kinuha niya at pinermahan atsaka niya ako binigay sa akin at nilagpasan niya ako ng tuluyan.       Para akong na statwa doon na di maka alis sa kinatatayuan ko. Hindi autograph ang habol ko kung di yung mga salita na manggagaling sa bibig niya mismo. Kahit ‘yong simpleng pagbati lang na kilala niya ako, sa pagiging tutok sa buhay niya wala akong natatandaan na na-aksidente siya kaya paano niya ako makalimutan? Kung hindi man siya nagka amnesia kailanman?       Tuluyan na ba niya akong kinalimutan? Nagsilapitan ang mga studyante sa akin para agawin ang libro ko at dahil tuliro ako naagaw nila iyon at kasalukuyang pinag-aagawan. Nagmistulan silang background sa paningin ko. Umulit ulit ang pangyayari sa utak ko ‘nong nilagpasan niya ako na parang isang ordinaryong fan girl lamang.   "Friend ayos ka lang?"tanong ni Rem, napasobsob ako sa desk ko. Iniisip parin yung kanina. Ang tanga ko ba’t ko hinayaan ang libro ko! Napapikit ako ng husto. Fern! Aral muna bago landi ano ka ba!   "Sabi ko naman sayo kalimutan mo na siya. Ikaw etong nagmumukhang tanga eh, siya nasa langit, ikaw ay ni hindi pa makarating sa himapapawid. Ano ba! Daming lalake jan eh" Payo niya naaasar na. Tumango lang ako. Parati niyang sinasabi yan sa akin pero ewan ko ba ba’t ako nagpapakatanga nang hindi ko masunod sunod ang payo niya.     Pagkatapos ng dismissal, pumunta agad kami ni Rem sa bus station. Naka upo ako at siya naman umalis sandali para umihi. Nag iisa lang ako doon pero may umupo na isang lalake at naka shade. Tinignan ko ito, teka? parang yung lalaking hangin na sumauli ng nawawalang bag ko ‘to ah!   "Ano ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" tanong ko sa kanya at napa tayo na lang bigla. binaba niya ng bahagya ang shade niya at tinaasan ako ng kilay habang nakatingala sa akin.   "Huh? Why should I?" pagmamayabang niya na nagpainit bigla ang dugo ko. Pwede ko bang durugin ang makinis at perpekto mong mukha?   Siya lang ang may kakayahan na painitin ang dugo ko to the highest level. Bakit ba pinagtatagpo ako sa hangin na to?   "Actually, napadaan lang ako nang makita kita kaya hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.. iimbitahan lang sana kita."    Sabi niya at ngumiti ng pagkatamis tamis, natameme tuloy ako. May biglang dumaan na santo? Bigla siyang bumait e.   Umalis na siya at pinaharurot ang sasakyan niya at tinanggap ko naman ‘yong letter na binigay niya. Akalain mo? may side pala siya non? Napangiti na lang tuloy ako nang di oras.   Tsaka ko binuksan ng dahan dahan ang letter. Noong una, ang ganda ng ngiti ko pero ‘nong makita ko ang nakasulat sa papel na parang death threat, biglang nawala ang ngiting ‘yon at pinalitan ng pag-init ng mukha ko hindi dahil kinikilig ako kung hindi sa sama ng nabasa ko. Sinabayan mo pa ng pag-init ng ulo Automatic uminit ang dugo ko ulit.   ‘WELCOME TO HELL’   Sumulpot si Rem sa tabi ko at tinignan niya ang letter.   "Ano yan?" tanong niya sabay dungaw sa sulat.             Nang hindi pa ako maka move on sa inis bigla kong napagdiskitahan ang buhok ni Rem at nasabunot ko na lang bigla. Pambihira! Magkakasala pa ako neto!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD