Chapter 3 (The Lovely Threat)

2259 Words
Chapter 3 "The Lovely Threat" Fern's POV "Uy sorry na kasi!" pamimilit ko kay Rem pero hindi parin siya humaharap sa akin. Nananatili siyang walang imik habang sinusuklay ang buhok niya. "Nambubunot ka na lang ng buhok nang walang pa alam." pagtatampong aniya. Kailangan ko pa pala magpa-alam para sabunutan siya? "Ha? edi okay lang sayo na sabunutan kita?" tanong ko. Sa wakas! napaharap ko siya, Nang mapatingin sa akin ay bigla niya akong sinamaan ng tingin. "Syempre hindi!" "E ba't kailangan ko pa mag-paalam na sabunutan kita?" "Para maihanda ko 'yong buhok ko. Alam mo ba ilang minuto ko 'to pina-hot oil last week tapos sasabunutan mo lang?" "Last week lang pala! Lusaw na yun! Magpa hot oil ka na lang ulit." Inarapan niya lang ako at tumalikod ulit. "Rem naman eh! alam mo bang hindi ko kaya na hindi man lang ako pinapansin ng kaibigan, Rem. Kaya kitang ilibre ng hot oil sa parlor pa at para hindi ka na magpupuga ng niyog para lang makahot oil, basta patawarin mo lang ako." narinig ko ata sarili na may sinabing masama para sa kaibigan ko. Masama kasi gagastos pa ko. Dahan dahan siyang humarap sa akin at parang naliwanagan ng sampong bilyong alitaptap sa mukha. "Talaga?" sabi pa niya, napakurap ang mata. Dahan dahan din akong tumango at ngumisi, hindi sigurado sa binitawan kong salita. "Yehey! Sige friends na tayo ulit." masayang masaya sabi niya. Kung di ko siya nilibre? Kakaibiganin pa kaya ako neto? Loko, mapapagastos na naman ako ng di oras. Nasa mall kami ni Rem, sa loob ng isang parlor dito, hinihintay ko siyang matapos ayusan ng buhok. Ang tagal naman, mag-iisang oras na ah? Tumayo ako at lumapit kay Rem. "Rem, a-alis muna ako sandali, babalikan kita rito mamaya." sabi ko. Tumango naman siya at lumabas na nga ako. Naglibot libot naman ako sa mga stall, Wala naman akong balak bumili at tinatakpan ko rin ang sling bag ko ng aking kamay para di ko ito mabuksan at makuha ng pera. May nakita akong damit kaya kinuha ko ito at sinukat sa fitting room. Maganda sana kaso hindi kasya. Hinubad ko na ito at sinu-ot ko 'yong damit ko. Napatingin ako sa presyo at halos lumuwa ang mata ko. 5,000Php? sa ganung kasikip ng damit? Lumabas ako ng fitting room na tulala. "Ma'am kukunin niyo po?" may lumapit namang sales lady sa akin at nagtanong. Ang tulala kong mukha nabaling sa kanya sabay sabing... "Ganito na ba kahirap ang Pilipinas ngayon? Para paraan lang para magkapera? Pati damit na maganda na akala mo sobrang mura hindi na mabili, ni tela nga tinitipid na rin. Tapos ngayon tatanungin mo ako kung kukunin ko 'to? Kukunin ko kung ibibigay mo ng libre." sabi ko at ibinigay ang damit sa kanya. Bago ako umalis doon, napansin ko siyang napakamot ng ulo. On the way na ako pabalik ng parlor nang may naalinag akong isang pamilyar na mukha. Kung di ako nagkakamali, siya 'yong lalakeng mayabang na nagpadala sa akin ng 'sulat na di ko alam anong kahulugan. Siya nga 'yon! May kasamang babae sa table na inu-upuan niya. Mukhang namang nag e-enjoy ang babaeng maganda sa pag-uusapan nila pero ang kausap niyang lalake dedma lang. 'Yong lalakeng! Bakit kaya pinadala niya 'yong sulat na may "welcome to hell"? Gusto kong malaman ang dahilan niya. Hindi nga kami close pero kung maka-asta siya sa akin para bang sobrang tagal na naming magkakakilala. Lumapit ako sa kanila, pumasok pa ako sa restaurant. Huminto ako sa table nila. Napahinto naman ng kakatawa ang babae at tumingala para makita ako. 'Yong lalake naman tinaasan ako ng kilay at habang nagkasalubong ang kanyang mga kamay. Tila ba nagtataka siya kung bakit andoon ako nakatayo sa giliran ng kanilang lamesa. Dinuro ko ang hintuturo ko sa kanya, nagulat naman yung babae. "Ah Miss kakausapin ko lang yang date mo ha." mahinahon kong sabi sa babae. Nagtaka naman yung babae tapos para bang nagtaka siya nang sabihin kong date. Binalik ko ulit 'ang hintuturo ko na nakaduro sa lalake. Nasindak naman yung babae sa ginawa ko. "Ikaw! anong welcome to hell na sinasabi mo? ha! threat ba yan? kung oo, sabihan mo lang ako kung kelan ako matatakot, loko ka ah, kung magpadala ka ng letter at kung magsalita ka sa akin parang kilala mo na ako ah, ni hindi mo nga alam ang pangalan ko eh" mabilis pa sa kidlat na sabi ko. Wala siyang sinabi at nanatiling nanahimik. "Uso ang magsalita ngayon" sabi ko. Uminom naman siya ng tubig atsaka tumayo. Lumapit siya akin ng bahagya, hindi naman ako nasindak sa tangkad niya kahit parang mabali na ang leeg ko kakatingala. 'Nang ilang inches na lang yung pagitan sa aming dalawa, napa atras ako. Umabante siya habang yung tingin niya ay nasa akin parin. Umatras naman ako. Ganoon ang gawain namin, atras abate-atras abante. Hanggang wala na akong maatrasan. Napasandal ako sa isang table doon. Huminto naman siya sa kaka abante. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin. "U-uy! anung gagawin mo?" utal utal kong tanong sa kanya. Napapikit na lang ako. Nararamdaman ko na ang hininga niya sa tenga ko na akala ko sa labi ko mararamdaman. Hindi pala asumera lang ako. Napaatras na lang ako ng kaunti at kumurap agad ng kagulat gulat ng marinig ko 'yong binulong niya sa tenga ko. "It's good to hear that you already knew it was a threat. Sa susunod na magkita tayo ulit, maghanda ka na... Miss Fern Jade Tricco.." Tinapik niya yung balikat ko at umalis sila ng babaeng kasama niya. Ako naman parang napako sa kinatatayuan ko. Fern Jade Tricco sinabi niya pangalan ko. Mga ilang minuto bago na proseso sa utak ko ang mga sinabi niya. Kilala niya ako! Papasok ng School nang napansin kong panay tingin ang iilang studyante sa akin. Ganoon na lang ba ako kaganda para tingnan nila? Napadaan ako sa hall way papunta sa room namin. Sa di kalayuan, nakita kong may nagsho-shoot, Siguro andoon si Light. Pero di na ako katulad ng dati, kung ang dating Fern ay patay na patay sa kanya, Pwes, sa ginawa nyang pagdedma sa akin dati, hindi ko na siya hahabol habolin pa pero mananatiling fan niya parin ako. Hindi naman kasi madaling itaboy na lang si Light sa buhay ko lalo na kung may pinagsamahan kami kahit na kinalimutan niya na ako. Pumasok ako sa Classroom, wala pa ang professor. 'Yong mga kaklase ko naglalampungan pa. Nagbabatuhan pa sila ng papel. May tumamang papel sa akin, ewan ko nga kung natamaan lang ako or sinadya. Masakit kasi sa ulo eh. Kinuha ko naman yung papel sa sahig na tumama sa ulo ko. Binuklat ko ito, ewan ko ba kung bakit ko binuklat 'yon? Meet me at the rooftop this afternoon, - Light Napatili ako. For sure! si Light nagpadala neto. Alam niya siguro na dito ako nag-aaral kasi nagkita kami noong nakaraan araw kaya pinadala niya ako ng sulat. Kung ganoon, hindi niya pa ako nakakalimutan. Marupok ranked mythical glory. "Tahimik!" bigla na lang pumasok ang Professor namin. Nako! wrong timing! nag momoment ako dito e. May patalon talon pa ako habang naglalakad ako papuntang rooftop, Ang saya ko lang kasi. Isa nating pangarap sa buhay ay ang mapansin tayo ng gusto nating tao. Hindi na ako makapaghintay. Makakausap ko na si Light. Pagkapasok ko ng pintuan sa rooftop, may lalaki na nakatalikod doon. Si Light na ba 'yon? sinarado ko na yung pintuan atsaka ni lock para walang e-epal na papasok at sisirain moment namin. "Light." tawag ko sa kanya. Unti-unti siyang lumingon at nabitawan ko na lang ang letter na hawak ko nang makita ang mukha niyang nakangisi. "Hindi ka talaga aware sa kilos mo, ang sabi ko naman sa'yo pag nag kita tayo ulit, humanda ka na." Hindi si Light ang nakikita ko, kung hindi ang lalakeng kinamumuhian ko. Hindi ko nga lang alam ang pangalan niya pero siya lang 'yong may katangian na magpa akyat ng usok sa ilong at tenga ko. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. Ngumisi naman siya at sinabing... "Para rito." Pagpitik ng mga daliri niya'y may isang nagtapon ng mga itlog sa likod ko kaya napalingon ako rito. Nagulat ako ng marami silang nakahawak ng itlog at handang ihagis ang mga ito sa akin. Napahawak ako sa magkabilang balikat noong tinapon nila iyon sa akin. Tinamaan din ako sa mukha ng itlog at nalasahan ko pa ito sa aking labi. Randam ko na para ba akong naliligo ng mga ito. Dali dali kong binuksan ang pinto atsaka tumakbo paalis doon. Sinundan naman ako ng mga lokong studyante. Hindi ako kung saan ako nakakarating basta ba'y makatakbo ako sa mga naghahabol sa akin. Nakarating ako sa di malamang lugar pero alam kong safe ako dito. Kinuha ko naman 'yong panyo ko sa bulsa at pinunasan ang sarili ko. "Ano kaya nagawa kong masama sa lalakeng yun? bakit niya ako pinaparusahan ng ganito? Ang alam ko lang, sinagot ko lang siya noong unang pagkikita namin pero masama ba yun?" sabi ko sa sarili ko. "Nag-iingat ka dapat Jade." may biglang nagsalitang boses ng lalake sa likod ko kaya lumingon ako para makita ko siya. Nagulat na lang ako ng makita ko ang nakangiting mukha ni Light sa harap ko. "Hanggang ngayon ba naman, madungis ka parin?" sabi niya. Hindi naman ako maka imik dahil sa gulat. Hinawakan niya ako sa balikat para makaharap ako sa kanya ng maayos at inilakbay ang mata niya sa buong mukha ko. Kinuha niya naman ang panyo sa bulsa niya at pinahid sa aking mukha. "Oh ba't tulala ka?" napatanong siya. "Uhm kasi di ako makapaniwala na papansinin mo ako ulit" utal utal kong sabi. Ngumiti naman siya habang pinapahiran parin ako ng dumi sa mukha. "Sorry nga pala ah, kung matagal kitang hindi pinapansin, kailangan kasi maging maingat ako sa lahat ng kinikilos ko lalo na pag nasa public ako." Sabi niya ng taos puso, 'Yong kamay ko naman ang pinunasan niya. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung naalala niya pa iyong pangako namin sa isa't isa pero dahil sa ako si Fern na ordinaryong babae lamang at siya nama'y si Light, hindi ko na tinuloy na itanog iyon sa kanya. Nauunahan ako ng takot at kahihiyan. Hinubad niya yung coat niya at isinuot sa akin. Inalalayan niya ako pababa pero mga ilang hakbang pa lang huminto ako. "Uh, Baka makita ako ng mga lokong nambato sa akin ng itlog," sabi ko sa kanya. Narinig ko siyang napabugtong hininga. "Minsan pinagsisisihan ko ang pagpasok sa showbiz." sabi niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya ganoon din siya sa akin. Ano ang ibig niyang sabihin? "Pero wag kang mag-alala, andito naman ako eh, Hindi ka nila guguluhin."patuloy niyang sinabi. para akong batang binigyan ng laruan sa sobrang saya. Akala ko nagbago na ang Light na kilala ko pero hindi pa pala.H awak niya ako sa balikat pabalik ng main field kung saan madaming studyante doon na nagkukumpulan para makita si Light. "Excuse me." sabi ni Light, napatingin naman ang mga babae sa amin na gulat na gulat ang reaksyon. Eh sino ba ang hindi magugulat kung isang artista naka akbay sayo? "This Girl beside me is my friend, respect her or else I'll give you the hell more than you expected to happen." pagkasabi ni Light 'non, tumingin siya sa giliran niya kaya napatingin din ako sa direksyon na'yon. Nakita ko doon yung masamang lalake na nag utos na tapunan ako ng itlog. Nakatingin din siya kay Light at para bang may kidlat na pumapagitan sa kanilang dalawa. Nagkasalubong ang kilay ko. Kung makatingin sila sa isa't isa parang hindi tama ah, magkakilala ba sila? Malapit ng gumabi, nabalitaan ni Rem na may nangyaring masama sa akin kaya pumunta siya agad at pinahiram ako ng extra- uniform niya. Agad naman ako nagbihis pero 'yong coat ni Light binalik kong suotin ulit. Palabas na kami ng Gate ng school nang may isang black luxury car na huminto sa harap namin. Bumaba ang window ng sasakyan at nakita ko lang doon ang masamang lalake na kinamumuhian ko. Hindi siya nakatingin ng direkta sa akin pero ang mga salitang lumabas sa bibig niya'y sigurado na para sa akin. "Pasalamat ka at nakaligtas ka ngayon, pero next time na magkita ulit tayo binabala---" naputol ang sinasabi niya nang bigla akong umimik. "...na maghanda ulit dahil may mas matindi pang parusa na dadaranasin mo." dinugtungan ko yung sasabihin niya sana, confidently with a heart and strong mind. Ano ka ngayon damulag ka? "Aba't?! Siraulo ka?! Hindi pa nga natatapos magsali---" naputol ulit 'yong sasabihin niya ng nagsalita ulit ako. "Wag kang mag-alala, maghahanda na ako next time, at sisiguraduhin ko pag dumating ang next time na 'yon, ikaw naman ang paparanasin ko ng empyernong sinasabi mo." sabay hawi ng buhok ko at hinila na si Rem palayo doon. Narinig ko pa siyang nagmura na para bang napipikon na. Bago kami makalayo, huminto ako at humarap ulit sa kanya. "Oo nga pala, salamat sa paghihirap sa akin kanina, natakot ako oo pero kung hindi dahil doon hindi ako mapapansin ng artista slash hero kong Light. Hanggang sa muli, Paalam!" Iwinagayway ko ang aking kaliwang kamay na parang si guko ang nagsalita at tuluyan ng umalis. Akala niya siguro matatakot ako sa kanya, kung ganoon man ang ugali niya sa ibang tao at kung hindi man siya magawang patulan pwes nagkakamali siya ng inakala sa akin. Kung kinakalaban niya ako, gusto ko lang iparating na mali ang binangga niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD