AVERY Katahimikan ang sumunod na namagitan sa amin ni Xander. Alam kong gaya ko ay frustrated rin siya sa mga nangyayari ngayon, pero minabuti naming kumalma at huwag ng magtalo pa. Bumaling ako sa kanya at unang nagsalita. “Gusto kong makita si Arnel, Xander,” mahinahon na sabi ko sa kanya. “Hindi ako mapalagay na narito ako nagtatago, habang alam kong kritikal ang buhay niya sa hospital siya.” Nakita kong lumambot ang ekspresyon sa mukha ng asawa ko. Kinabig niya ako at hinawakan ako sa balikat. “It's not safe for you ang lumabas ngayon, baby. Trust me, heavily guarded ang loob at labas ng hospital room kung nasaan naka-confine ngayon ang kapatid mo.” Napayakap ako kay Xander habang walang tigil na tumutulo ang mga luha. Kahit pilit na sinusubukan kong maging matatag, pero paulit-u

