AVERY “Lutang ka, Harlen. Ang sabi mo noon ay pinsan mo si Miss Ghie,” kunwari ay natatawang sagot ko, pero ang totoo, nanginginig ang laman ko, dulot ng matinding pagpipigil ko sa emosyon ko. “Oo, pinsan nga, pero hindi by blood. Alam mo naman tayo, basta may connection, madatung, dapat kapamilya natin lahat ‘yan,” naka-ngising sagot ni Harlen. Alam kong prangka si Harlen. Sinasabi niya ang laman ng isip at walang paligoy-ligoy kung magsalita. Mukha namang totoo ang sinasabi niya, pero gusto ko pa rin na makasiguro. “Gaga, akala ko talaga, pinsan mo si Miss Ghie. Nakakahiya sa kanya. Sinabi ko pa naman sa lahat ng tao doon sa club na nakausap ko ng gabing iyon na magpinsan kayo, at ikaw ang nag-recommend sa akin doon,” napa-iling na sagot ko. “Ay, Sissy Avery, thumbs up ka d'yan. Ka

