AVERY “May problema ka ba, Aves?” kunot ang noo na tanong sa akin ni Harlen. “O, baka naman, uminom ka rin, kaya lutang ka ngayon.” Huminga muna ako ng malalim, at pagkatapos ay umiling sa harap ng kaibigan ko. Hinawakan naman ako sa braso ni Harlen at hinatak papunta sa sofa. “Halika nga! Maupo ka at parang wala ka sa sarili mo. Hay naku, Aves, malapit na akong matakot dito sa bahay mo, ha! Simula ng dumating ako dito, para bang nagbabagong anyo ang mga tao sa paligid ko.” Nangunot ang noo na napatingin ako kay Harlen. “Anong ibig mong sabihin?” Pinandilatan ako ng mga mata ni Harlen at pagkatapos ay sinipat mula ulo hanggang paa, bago muling ibinuka ang bibig at nagsalita na. “Duh! Tingnan mo si George. Napunta lang kami dito, naging lalaki na. Ikaw naman, parang mangkukulam na bi

