AVERY Inutusan ko si Patrick na kunin ang lahat ng ebidensya na nakita ko sa cellphone at laptop ni Melissa, kasama na rin pati ang mga magulang niya. Magagamit ko ito laban sa kanila, sa oras na nag-ingay sila at gumawa ng bagay na hindi ko magugustuhan. “Tandaan ninyong tatlo, sa inyo rin nakasalalay ang magiging buhay ninyo. Sa oras na nagsalita kayo tungkol sa nangyari sa apat na sulok ng bulok na bahay na ito, hindi lang mga kamay ninyo ang puputulin ko, dahil sisirain ko ang mga mukha ninyo.” Napayuko ang malditang ina ni Melissa ng tapunan ko siya ng matalim na tingin. Nanginginig rin ang mga katawan nilang lahat habang nakasalampak sa sahig, dulot ng labis na takot, at matinding sakit na nararamdaman ng isa-isang pinutol ni Patrick ang hinlalaking daliri at binali ang iba pa.

