AVERY Nag-palipat-lipat ang mga mata ni Melissa sa amin ng mga armadong lalaking kasama ko ng makita niya kaming narito sa sala. “Sino po kayo, at anong kailangan ninyo sa akin?” naglulumikot ang mga mata na tanong ni Melissa sa amin. Matalim ang mga mata na tinitigan ko ang babaeng kaharap ko. “Hindi mo ako kilala, pero sigurado akong may ideya ka kung sino ako, Melissa.” Nakita ko ang takot, gulat at pagkalito sa mukha ng babaeng kaharap ko. Kung titingnan siya, mukhang inosente si Melissa at walang kakayahang gumawa ng masama, pero hindi ganito ang nakikita kong ginagawa niya sa kapatid ko. “Ma'am, nandito po ang wallet at mga Id's ng lalaking ito,” sabi sa akin ng lalaking inutusan kong maghanap ng gamit ng boyfriend ni Melissa. Inabot ko ang wallet na hawak ng kasama ko at isa-i

