AVERY Alam kong sa gagawin ko ay malaki ang magiging pagbabago sa buhay ko, pero alang-alang sa mga kapatid ko ay pikit-mata na itinuloy ko ang balak ko. Walang pagdadalawang-isip na tinawagan ko ang opisina ni General Arthur Matias at matiyagang hinintay na may sumagot sa tawag ko. Ilang minuto rin ang lumipas, matapos kong paulit-ulit na sinubukang tawagan ang number sa opisina ng taong pakay ko ng sa wakas ay narinig kong may sumagot sa huling tawag ko. Tinig ng isang babae ang narinig kong nagsalita. “Central Intelligence Agency, this is Mira, how can I help you?” Magalang na nagpakilala ito at tinanong ako kung ano ang kailangan ko. “Please, I need to speak urgently to General Arthur Matias,” magalang na sagot at pakiusap ko. “I'm sorry, ma'am. I'm afraid I can't do that. Nasa

