AVERY Kahit masama ang loob ko, hindi ko naman p'wedeng pabayaan si Xander ngayon, lalo na at lasing na naman siya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak niya at nagpakalasing na naman, tapos inabala pa ang mga kaibigan niya ng ganito kaaga. Ayaw kong isipin ng mga lalaking kaharap ko na pinababayaan ko ang pasaway na kaibigan nila. "Pasensya na kayo, naabala pa tuloy kayo ni Xander," napabuntong-hininga na sabi ko sa tatlo. "Patawarin mo na kasi, Avery. Kawawa naman si Alexander. Tingnan mo, mukhang kaawa-awa ang asawa mo," sabi ni Jared na ngumisi pa sa akin. Hindi ko siya pinansin, dahil naiinis ako kapag nakikita ko ang mukha niya ngayon. Nakasimangot na lumapit ako kay Alexander na nakasandal lang sa sofa at nakatitig sa akin ang nanliliit na mga mata. "Hoy, Alexander, mag

